DEAR DIARY,
Saturday night.
Napagtripan namin na magtayo ng bonfire malapit sa beach. Ang sarap kasi ng hangin tapos napakatahimik ng paligid. Medyo maliwanag din dahil ang daming bituin sa langit at bilog na bilog ang buwan. Nakapaikot kaming walo sa bonfire habang may mga hawak na san mig light. Wala naman kaming balak na magpakalasing. Konti lang.
Hindi ko alam kung epekto ba ng alak o lasing na nga ba si Hara kaya bigla na lang siyang kumanta.
Ang tinig mo/ ang nagbigay/ ligaya sa buhay
Ang madilim/ kong paligid/ ay binigyan mong kulay
Sino ka nga ba?
Oh sino ka nga ba?Nakatitig lang kami sa kanya habang kumakanta siya. Then binulungan ako ni Yexel. Opo. Magkatabi na naman kaming dalawa.
YEXEL : I know that song. Parang narinig ko na siya somewhere.
AKO : (pabulong din) Favorite song ni Hara iyan. Ang alam ko siya ang gumawa ng kantang iyan eh.
Natatandaan ko iyong kantang iyon kasi madalas na kantahin iyon ni Hara lalo na kapag stress daw siya. Sa sobrang dalas nga namin na naririnig yun kay Hara nagkaLSS na kami ni Maica. Minsan nakakanta na din namin pero chorus lang ang alam ko.
Then nagulat na lang kami kasi biglang sinabayan ni DJ ng pagkanta si Hara with matching gitara pa. Hindi ko alam kung saan galing yung gitara niya. Basta dala niya na yun nung nagbonfire kami.
Chorus:
Maari bang mapagbigyan
Na kahit minsan lang/ ay masilayan
Nagmamay-ari ng tinig
Na sa puso ko ay umakit
Boses mong kakaiba
Nagbibigay ng saya
Sana kahit minsan lang....(2x)
Pwede ka bang makita?Ikaw ang laging hinahanap
Ng puso kong iyong binihag
Sino ka nga ba?
Oh sino ka nga ba?Chorus:
Maari bang mapagbigyan
Na kahit minsan lang, ay masilayan
Nagmamay ari ng tinig
Na sa puso ko ay umakit
Boses mong kakaiba
Nagbibigay ng saya
Sana kahit minsan lang
Kahit minsan langSa tamang panahon kapag tayo ay nagkita
At magtama ang ating mga mata
Aaminin ko na sinta
Minamahal kitaHindi ko alam kung bakit kabisado din ni DJ yung kanta samantalang original composition iyon ni Hara at kami lang na magkakaibigan ang nakakaalam nun.
YEXEL : I told you I know that song. Favorite song din ni DJ yun. Naalala ko na. Silang dalawa ni Bella ang gumawa ng kantang iyon.
AKO : Seryoso????
Gaano kalalim na ba ang pinagsamahan ng dalawang iyon at bakit parang ang dami nilang hugot sa katawan samantalang mga highschool pa lang naman sila nun.
YEXEL : Oo. Nakakatuwa diba?
Grabe na ito! Kapag sina Hara at DJ nagkatuluyan talaga, maniniwala na ako sa forever!
Oh siya! Matutulog na ako. Maaga pa ang byahe namin pabalik ng Manila bukas. Goodnight!
***
A/N:
Short update lang ito. Tapos na ang bakasyon ni Gwen. Back to reality na siya.
Original composition ko yung song na "Tinig" hindi lang maganda ang boses ko kaya walang audio/video hehe.
Oh siya next week na ulit ang update. Happy weekend!

BINABASA MO ANG
Walang Forever!
Genç Kız EdebiyatıAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.