DEAR DIARY,
Napakasama kong kaibigan. Hindi ako deserve na mabuhay sa mundong ibabaw. Ipadala niyo na ako sa mga ISIS. Ipapatay niyo ako sa mga pumatay kay Heneral Luna!!!!
Kung ano anong masasamang bagay ang naisip ko tungkol kay Hara na pawang wala naman palang katotohanan at basehan. Napakasama kong kaibigan!
#SorryHara
#SorryDiary
Ganito kasi ang nangyari...
***
Natigil ang tangkang pag-alis ko sa resto nang biglang magsalita si Yexel.
YEXEL : Nandyan na daw si DJ.
Hindi ko alam at hindi ko kilala kung sino man ang DJ na sinasabi ni Yexel. Don't tell me sinet-up ako ng date ni Hara.
Balak ko na sanang kastiguhin ang magaling kong kaibigan kaso nung napatingin ako sa kanya, I swear! Nakita kong nanginginig ang mga kamay niya sa ibabaw ng hita niya! At yung reaksyon ng mukha niya ngayon ko lang nakita.
Nasanay ako na laging poker face si Hara. Pero yung reaksyon na nakita ko sa kanya kakaiba. Parang mas naging tao siya sa paningin ko. May emosyon.
Kinalma ko ang sarili ko at sinimulang analisahin ang mga bagay. Kaso sumasakit naman ang ulo ko kaya itinigil ko na. Hindi ako genius. Huwag na magpanggap Gwen.
AKO : Sino si DJ?
YEXEL : Bestfriend ko.
Bestfriend niya? Napatingin ako kay Hara nung bigla kong naalala ang usapan namin sa bahay ko.
"Bestfriend siya ng lalaking minahal ko"
Don't tell me na ang taong darating ngayon ay ang first love ni Hara?
Wow! Iba ito! Kadate ni Hara si Yexel pero darating yung bestfriend ni Yexel na first love ni Hara?
Interesting!
Natahimik naman kaming tatlo. Parang may dumaang anghel sa pagitan namin at walang may gustong magsalita. Hinawakan ko nalang ang nanginginig na kamay ni Hara. Mayamaya ay may narinig akong nagsalita sa likod ko.
"Sorry ang hirap humanap ng parking"
YEXEL : Pre! Long time no see ah!
Tumayo si Yexel at binati ang lalaking nagsalita sa likod ko. Siya na siguro yung bestfriend niya. Ipinakilala kami ni Yexel sa bagong dating.
YEXEL : Pre I want you to meet Bella and her friend Gwen. Girls, this is my bestfriend DJ.
Humarap kami ni Hara sa bestfriend ni Yexel. Grabeeeee! Ang gwapo! Nginitian ko siya at inabot ang kamay niya para makipagshake hands. Ito ba ang first love ng kaibigan ko? No wonder hanggang ngayon ay baliw pa din ang kaibigan ko dito.
Ang kaso kabaligtaran ng reaksyon ko ang reaksyon ni Hara.
HARA : Ikaw????
DJ : Nagkita na tayo diba?
Bakit parang gulat na gulat sila nang makilala ang isa't isa?
YEXEL : Magkakilala na kayo?
DJ : Kaibigan siya ni Maica.
AKO : Kilala mo si Maica?
HARA : Isa siya sa manliligaw ni Maica.
Holy gawgaw! Ano ba namang buhay ito?! Bakit naman ganito kakumplikado ang buhay namin?

BINABASA MO ANG
Walang Forever!
ChickLitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.