DEAR DIARY,
Of all people of the planet Earth bakit siya pa?! Bakit siya pa ang nakakita ng nakakahiyang pangyayari sa buhay ko?!
Lord! Pakipadala na po ako sa Mars! Now na!
Nagulat na lang ako ng bigla akong lapitan ni Sir Yexel. Pasakay palang ako ng elevator noon para umuwi na. Nag over time pa kasi ako.
YEXEL : Ms. Gwen I think you need to go to the restroom.
Syempre nagtaka naman ako kung bakit. Hindi naman ako naiihi at lalong hindi rin ako najejerbacks. Bakit ako pupunta sa CR?
AKO : Bakit po Sir? Anong meron sa CR?
Halata namang naiilang si Sir kaya nagtataka na din ako. Ano bang problema nitong Boss ko?
Teka! Baka naman may balak siyang gawin sakin ngayong nakauwi na ang mga kasamahan ko? May pagkamanyak ba itong boss ko? #Assuming
Kinabahan ako ng unti-unting lumapit sakin si Sir Yexel. Gusto ko sanang umatras kaya lang malamig na pinto ng elevator na ang nasandalan ko.
AKO : Ahhh.... Sir Yexel, ano po kasi, hindi naman po ako naiihi.
YEXEL : Well, I still think that you need to go to the restroom.
This time sobrang lapit na talaga niya sakin.
AKO : Eh bakit nga po Sir?
Nasa harap ko na siya ngayon. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko habang nakasandal ako sa pinto ng elevator. Dahan dahang bumaba ang kanyang mukha sa tenga ko. Ramdam ko ang kanyang mabangong hininga sa pisngi ko.
Oh em gee! Is he going to kiss me? Right here? Right now?!
Dahan dahan kong ipinikit ang mga mata ko habang hinihintay ang mga halik niya. Subalit walang halik na dumampi sa akin. Kundi isang nakakahiyang salita.
YEXEL : May tagos ka Ms. Gwen.
Paksyet! Bakit ngayon pa ako dadatnan ng buwanang dalaw?! At sa dami ng pwedeng makakita bakit siya pa?!
Hindi ko ineexpect kasi irregular ako. Nakalimutan ko din na magdala ng napkin. Kulay light brown pa naman ang suot ko na slacks.
Bigla na lang ako tumakbo papuntang pinakamalapit na CR. Pero halos ilang minuto na din ako nakatambay sa loob ng CR subalit wala akong magawa. Wala akong dalang napkin. Wala din akong dalang blazer para takpan ang tagos ko.
Maya maya ay nakarinig ako ng katok mula sa labas ng Cubicle ng CR. Nagtataka naman ako kung sino ang kakatok sakin eh marami namang bakanteng cubicle.
YEXEL : Ms. Gwen, are you still there?
Holy syet na malufet! Anong ginagawa ni Sir Yexel sa loob ng CR ng babae?
AKO : Sir Yexel anong ginagawa niyo dito? Pang babae ito.
YEXEL : I know. Pero kanina pa kita hinihintay na lumabas pero ilang minuto na ang nakalipas ay wala ka pa din. So I assume na wala kang reserve napkin. That' s why I asked the other female employees if they have a spare available napkin. Sorry hindi ko alam kung anong brand ang gamit mo. Heto lang yung nahingi ko.
Sabay mula sa itaas ng pinto ng cubicle ay iniabot niya sakin ang isang napkin at jacket.
YEXEL : You can use my jacket to cover the stain. That's all.
Sobrang hindi ko inexpect na gagawin ni Sir Yexel iyon para sakin. Shete! Under my circumstances ay kinilig naman ako bigla!
AKO : Sir Yexel thank you!
YEXEL : No problem. Sige maiwan na kita.
Hanggang sa namalayan ko na lang na nakalabas na si Sir Yexel ng CR.
Grabe ang experience ko na iyon. Perstaym may gumawa nun para sakin at boss ko pa! Nakakahiya na nakakakilig na ewan. Ahh basta!
Nung kinuwento ko nga kina Maica at Hara ang experience ko na yun ang lakas ng tawa nung mga bruha. Kilig na kilig pa nga si Maica. Nakailang hampas sakin. Gusto tuloy nila makilala si Sir Yexel bigla. Hinihingan ako ng picture.
Next time sasalisihan ko nga ng picture si Sir Yexel para maipakita dun sa dalawa.
P.S.
Ang bango ng jacket ni Sir Yexel. Pwede ko kayang arborin?
BINABASA MO ANG
Walang Forever!
ChickLitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.