Gwen,
I'm sorry.
Alam ko kung mababasa mo lang ito maiinis ka na lalo sa akin dahil puro sorry na lang ang kaya kong sabihin sayo.
Pero sorry talaga. Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong sabihin sayo.
Huwag kang mag-alala Gwen. Hindi na kita guguluhin pa. Kung sa lalaking iyon ka magiging masaya isusuko na kita.
-A.S.
***
Pagkatapos ng ginawa kong pagwawala sa bahay nila Gwen ay isinama na ako pauwi ni Hara. Siya na ang nagmaneho ng sasakyan ko dahil obvious naman na hindi kaya ng state of mind ko na magmaneho pa.
Ang akala ko nga ay sa bahay ni Paul niya ako dadalhin kaya nagulat ako ng huminto kami sa tapat ng bahay niya.
Hara : Tinext ko na si Paul. Papunta na siya dito.
Tila nabasa naman niya ang laman ng isip ko.
Sumunod na ako sa kanya papasok ng bahay. Saglit na nawala si Hara sa paningin ko. Pagbalik niya ay may dala na siyang first aid kit at sinimulan ng gamutin ang mga sugat ko dala ng pagwawala ko kanina.
Hara : Sa susunod na magwawala ka pa ulit ako na ang babangas dito sa mukha mo.
Ako : Sorry.
Hara : Axel ako na ang nakikiusap sayo. Lubayan mo na muna si Gwen. Can't you see kung anong nangyayari sa ginagawa mo? Mas lalo mo lang siyang binibigyan ng dahilan para magalit sayo.
Ako : Sinasabi ko na nga ba at may gusto ka sakin eh kaya gusto mong tigilan ko na ang pagsuyo ko kay Gwen.
Bigla ba namang binuhusan ng alcohol ni Hara ang sugat ko.
Ako : Aray naman Hara. Hindi ka na mabiro dyan.
Hara : Puro sugat at pasa na nga iyang mukha mo nagagawa mo pang magbiro. Hindi ka nakakatuwa.
Nginitian ko na lang siya na agad ding nauwi sa ngiwi dahil sa sugat sa gilid ng labi ko.
Matapos lagyan ng first aid ang sugat ko ay tumayo na si Hara bitbit ang first aid kit niya. Eksakto namang dumating si Paul.
Paul : Kumusta pakikipagbasag-ulo?
Ako : 'lol!
Paul : Dapat Hara hindi mo na iniintindi iyang si Axel. Hayaan mo siya sa buhay niya. Matanda na iyan.
Axel : Mahal ako ni Hara kaya hindi niya ako pababayaan.
Napailing na lang si Hara sa amin ni Paul.
Hara : Magluluto lang ako. Maligo ka na muna Axel. May dalang damit mo si Paul. Nilalagyan mo ng germs ang bahay ko.
Axel : Thank you Hara dear.
Bago tuluyang umalis ay nilingon pa ako ni Hara.
Hara : One more thing, wala kang panama sa boyfriend ko kaya imposibleng magustuhan kita.
Axel : Oo na. Oo na. Don't add salt to the injury.
***
Nagdesisyon na akong umuwi ng bahay namin at kausapin ng maayos ang mga magulang ko. Alam ko na hindi tama ang ginawa kong paglalayas sa bahay namin. Susubukan ko silang kausapin ulit at ipapaliwanag ko sa kanila na hindi ko talaga kayang pakasalan si Amy.
Maayos naman ang naging pag-uusap namin. Umiiyak si Mommy na niyakap ako. Habang si Daddy naman ay tahimik lang pero alam ko na nauunawaan din niya ako. Anak nila ako kaya imposibleng matiis nila ako.
Dumating din si Amy sa bahay. Kinausap ko siya ng maayos. Medyo matigas talaga ang ulo niya dahil ayaw niya pa rin akong pakinggan. Pero sorry nalang siya dahil buo na ang pasya ko.
Amy : I will kiss you one more time Axel then prove to me that you don't feel anything towards me.
Sabay walang sabi sabing hinalikan ako sa mga labi.
Lalaki ako at sa mga oras na ito ay dapat may nararamdaman ako para sa halik na binigay ni Amy. She is a good kisser. Maganda at sexy pa. Walang lalaki ang tatanggi sa kanya. Subalit nanatiling mukha ni Gwen ang nasa isip ko.
Nang tila maramdaman ni Amy na hindi ko tinutugon ang halik niya ay kusa na siyang tumigil at sinampal ako ng malakas sa pisngi.
Amy : You jerk!
Ako : I'm sorry.
Bago tuluyang sumakay sa kotse ay isang sampal pa ang muli niyang ibinigay sa akin.
Hindi ko namalayan na nasaksihan pala ni Gwen ang ginawang paghalik sa akin ni Amy habang nakasakay siya sa loob ng taxi.
Hindi na rin naman ako nagawang makapagpaliwanag sa kanya dahil nabalitaan ko na lang na umalis na si Gwen at ayaw sabihin sa akin ng mga kaibigan niya kung saan siya pumunta.
Maging si Hara ay hindi ko mapaamin. Kahit na anong pilit ko ay nanatiling tikok ang mga bibig niya. Nakatikim pa nga ako ng sermon sa kanya dahil sabi niya tigilan ko na daw si Gwen at ayusin ko ang buhay ko.
Marahil ay panahon na nga para mag move on na ako dahil mukhang nagmomove on na din naman si Gwen.
Marahil ay pinagtagpo kaming dalawa hindi para magkatuluyan kundi para tuluyang wakasan ang dati naming relasyon.
Huli na talaga.
Magmomove on na ako.
***
BINABASA MO ANG
Walang Forever!
Literatura FemininaAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.
