Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

# 19 Si Hara at ang kanyang #Hugot

2.5K 73 25
                                        

DEAR DIARY,

Hindi na kita nadugtungan kahapon kaya bagong entry na lang ang ginawa ko. Grabeeeee! Kinikilig ako!

Sino ba naman kasi ang hindi kikiligin nun diba? Nakatanggap lang naman ako ng isang bouquet ng tulips at box of ferrero chocolate! Yung pa heart shape pa. Pakiramdam ko lahat ng kabitteran at kaek-ekan ko sa buhay nawala bigla. Iyon pala ang sinasabing gift ni Yexel. Napakathoughtful naman niya para bigyan ako ng ganun. Ayoko namang bigyan ng meaning ang pagbibigay niya sakin ng gift. Baka sadyang thoughful lang talaga siya. Hindi naman pala siya ganun kasama tulad ng una kong pagkakakilala sa kanya.

Nagtext lang ako sa kanya ng simpleng thank you at you're welcome naman ang reply niya sakin.

***

Dahil tinatamad nga akong kumilos ay balak ko nalang sana mag-order ng lunch ko. Kaso hindi ko na pala kailangang gawin yun dahil bigla nalang sumulpot si Hara sa bahay ko at may dalang mga pagkain. Natira daw yun sa niluto niya kagabi. Ininit nalang niya. Pwede ng pagtyagaan yun! Tinanong ko siya kung paano niya nalamang nasa bahay ako ang sabi niya ay sinabi daw ni Yexel na hindi ako pumasok. Wow! Close talaga sila ah.

Tinanong ako ni Hara kung kanino daw galing ang bulaklak at chocolates na nasa mesa ko. Proud naman akong sumagot na kay Yexel galing yun pero bigla ko nalang natakpan ang bibig ko kasi baka maoffend si Hara. Baka isipin niya nang-iinggit ako.

HARA : Para kang tanga. Hindi naman ako manghihingi.

AKO : Okay lang sayo?

HARA : Ang alin?

AKO : Na binigyan ako ni Yexel ng bulaklak at chocolate.

HARA : Ano namang pakialam ko kung bigyan ka man ni Yexel ng bulaklak at chocolate? Kahit na buong flowershop pa at factory ng chocolate ang ibigay niya sayo wala akong pakialam as long as hindi ko pera ang ipambibili niya.

Pera talaga ang iniisip niya??? Hindi yung sweetness at thought?

AKO : Hindi ka naiinggit?

Tinignan ako ni Hara mula ulo hanggang paa sabay sabing:

"Gwen nagdadrugs ka ba?"

Syempre todo tanggi naman ako. Nagtatanong lang naman ako kasi close silang dalawa. Baka kung ano ang isipin ni Hara sa gesture na iyon ni Yexel sakin.

Speaking of closeness, naisip ko na ito na ang tamang time para intrigahin ko itong napakalihim kong kaibigan kung ano ba talaga ang relasyon sa pagitan nila ni Yexel. Feeling ko kasi hindi lang sila simpleng "highschool friends".

AKO : Ano ba talaga ang relasyon ni Yexel? Paano kayo nagkakilala?

HARA : Kung iniisip mo na may gusto ako kay Yexel, wala akong gusto sa kanya.

AKO : Wala naman akong sinabing may gusto ka sa boss ko. Nagtatanong lang ako kung paano kaya nagkakilala. Siya ba yung first love mo? Yung lalaking hindi mo makalimutan?

Sadyang intrigera lang talaga ako kaya gusto kong malaman.

Okay fine palusot ko lang yun! Gusto ko lang talaga malaman kung ano ang relasyon sa pagitan nilang dalawa ni Yexel.

Napatingin sakin si Hara na para bang hindi niya maintindihan kung ano ang sinabi ko. Nakakunot pa kasi ang noo niya.

HARA : Paano mo nalaman yun?

AKO : So meron nga. Sino nga siya? Si Yexel ba yun?

Matagal bago siya sumagot. Siguro pinag-iisipan niya pa kung sasabihin sakin o hindi kaya inunahan ko na siya.

AKO : Magkaibigan tayo diba? Kaya wag ka na maglihim sakin.

Naupo si Hara sa ibabaw ng mesa ko. Sa mesa talaga at hindi sa silya.

HARA : Hindi ko first love si Yexel. Pero bestfriend siya ng lalaking minahal ko.

AKO : Bestfriend siya? Teka itong lalaking minahal mo ba naging jowa mo?

HARA : Hindi.

AKO : Bakit? Bakit hindi naging kayo?

HARA : Kailangan ba porket mahal mo maging kayo na? Hindi mo ba pwedeng mahalin kahit hindi kayo?

Iyon ang iniwang salita sakin ni Hara bago siya tuluyang umalis. Masyadong malalim. Pero atleast nalaman ko na hindi naman pala si Yexel ang first love ng kaibigan ko.

Teka, eh paano pala kung si Yexel ang may gusto kay Hara?

***

A/N:

Hello @alynarosales and @ms_mownz hahaha! Alam ko na bitin na naman hahaha! Peace! Mahal ko kayo kaya pagpasensyahan niyo na ang pambibitin ko <3 Enjoy mwuuaahh!

Walang Forever!Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon