May mga bagay na akala mo ay tapos na. Mga damdamin na akala mo ay wala na. Subalit kapag iyong naalala, ang mga luhang pinigil mo ay tutulo na lang bigla.
- shinayawaara
***
DEAR DIARY,
Weekend. Walang pasok. Boring.
May kanya kanyang lakad ang mga kaibigan ko kaya wala akong mahila para makasama gumala ngayon. Saka wala na din akong perang panggala. Wala pang sweldo. Kaya tiis ganda na lang muna ang lola niyo. Medyo nabobored ako sa bahay kaya ipinasya ko muna na lumabas bitbit ang journal ko na ito. Dito nga ako sa may park malapit sa amin napadpad. Nakakatuwang panoorin ang mga tao dito. May mga batang naglalaro, may mga mommies and lolas na nagzu-zumba. Paminsan minsan masarap din palang iappreciate ang mga bagay bagay sa paligid mo. Maliban na nga lang dun sa mga lovers na nakikita ko. #MagbebreakDinKayo
Madalas kasi na apat na sulok lang ng opisina ang nakikita ko. Hindi rin pala masama ang walang pera minsan.
At dahil nasa mood ako magsulat ngayon ay magkukwento ako sayo. Ikukwento ko ang dahilan ng pagiging bitter ko. Hayaan niyo akong magbaliktanaw sa nakaraan.
10 years ago na ang nakalipas mula ng makilala ko si Axel. First year college na ako noon.
AXEL : Hi Miss, pwede bang magtanong? Saan ba dito ang way papuntang registrar office?
AKO : Doon din ang punta ko. Gusto mo sumabay ka na sakin.
AXEL : Talaga? Thank you. Buti nalang pala at nakita kita.
Mabait naman siya tignan saka maayos din kausap. May pagkagentleman din kasi pinagbubukas niya ako ng pinto. Gwapo siya at matangkad. Aaminin ko na nagkacrush at first sight nga ako sa kanya. Kaya lang allergic ako sa mga gwapo. Karamihan kasi sa mga gwapong nakilala ko kung hindi bakla ay babaero naman.
AXEL : Thank you Gwyneth.
Nagulat ako kung paano niya nalaman ang pangalan ko. Mukhang nahalata niya ang pagkagulat ko kaya tinuro niya ang ID ko. Ang bilis naman ng mga mata niya.
AKO : You're welcome.
Moving forward, nagulat ako na magkaklase kami sa isang subject. Irregular student pala siya. Naging magkaibigan kami hanggang sa ligawan niya ako. Aaminin ko na gusto ko din naman siya kaya hindi na ako nagpakipot pa. Sinagot ko din siya makalipas ang isang buwan. Baka magbago pa ang isip niya kapag nagpakipot pa ako. Ang dami pa namang nagkakagusto sa kanya sa school namin. Sikat na sikat kasi. Nagtataka nga ako kung bakit sa dami ng babae sa school namin ay ako ang napili niyang ligawan at gawing girlfriend. Well, ang haba ng hair ko.
Mabait at mapagmahal na boyfriend si Axel. Wala akong problema sa kanya. Matalino din siya at athletic. Hindi siya tulad ng ibang lalaki na bulakbol sa pag-aaral dahil nasa Deans list siya. Ang sabi nga sa kanya kapag ipinagpatuloy niya ang ganun ay candidate for Cumlaude siya.
Hanggang sa nakagraduate kami at naging cumlaude nga si Axel ay nanatiling matatag ang relasyon namin. Madami kaming pangarap na binuo. Pitong taon din kaming naging magboyfriend-girlfriend.
Pitong taon.
Nagising na lang ako isang araw na tapos na pala ang pitong taon namin. Nagising na lang ako na tapos na pala kami ni Axel. Nagising na lang ako na hindi na ako ang mahal niya.
Naisip ko bakit? Bakit niya ako iniwan? Anong nangyari sa amin para bigla na lang mawala ang pitong taong pagmamahalan namin? Saan ba ako nagkulang?
Paksyet! Naiiyak ako!!!!! Ayan! Natuluan ko na tuloy ng luha itong journal na ito. Badtrip naman kasi eh.
Tatlong taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon masakit pa din. Akala ko okay na. Masakit pa din pala kapag naaalala.
BINABASA MO ANG
Walang Forever!
ChickLitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.
