#32 Fantastic Bebes

2.2K 56 18
                                        

DEAR DIARY,

Medyo okay na ang pakiramdam ko ngayon pero sinabihan ako ni Yexel na huwag na munang pumasok. Siya na daw bahalang magsabi sa supervisor ko. Maya't maya nga ay tinatawagan niya ako para kumustahin ang lagay ko.

Tinatamad naman ako na walang ginagawa. Mabuti nalang at dumating sina Ella at Mae sa bahay ko. Napadaan lang daw sila malapit sa bahay ko kaya naisipan na din nilang dalawin ako. Ang babait nga nung mga yun dahil may dala silang prutas na sila din naman ang halos nakaubos.

ELLA : May sakit ka ba talaga Gwen? Baka naman nag-iinarte ka lang dyan para alagaan ka ni Yexel.

AKO : Baliw! Bakit naman ako mag-iinarte?

MAE : Teka! Hindi ako updated. May bagong jowa na ba itong si Gwen? Nakamove on ka na kay Axel teh??

AKO : Hindi ko pa jowa si Yexel.

MAE : Pa? Ibig sabihin pwede mong maging jowa?

AKO : Siguro. Okay naman siya eh.

MAE : Teka, sino ba yang guy na iyan? Gwapo ba? Yummy? Ilang packs ang abs?

ELLA : Naalala mo ba yung guy na kasama ni Gwen nung birthday niya sa bar ni Hara? Yung boss niya. Siya yun.

MAE : Yung gwapo? Akala ko boyfriend ni Hara yun. Niyakap niya si Hara diba?

AKO : Magkaibigan lang sila ni Harabella. May ibang boyfriend si Hara.

MAE : Ha? May boyfriend na si Hara? Paanong nangyari yun? Nakakainis naman oh! Huli na ako sa balita lagi.

ELLA : Eh paano ka hindi mahuhuli busy ka sa pagbabanda mo.

Ayun, nag-inarte na ang Mariamea Guzman kaya naman kinuwento ko na sa kanya lahat ng mga bagay na namiss niya.

Tinanong ko na din pala si Ella tungkol dun sa nalalapit niyang pagpapakasal. Medyo naguluhan kasi ako na iba ang pakakasalan niya sa boyfriend niya.

ELLA : Ganito kasi iyan. Si Lander ang boyfriend ko diba? Kaso nagbreak na kami nun. Nalaman ko kasi na bukod sakin ay may iba pa pala siyang girlfriend. Galit na galit nga si kuya Miguel sa kanya. Nagsuntukan pa silang dalawa. Then, hindi pa man naghihilom ang sugatan kong puso ay nalaman ko mula kay Daddy na matagal na pala akong ipinagkasundo ng lolo ko sa apo ng kaibigan niya.

MAE : Huwaw ah! Makasugatang puso naman ito. Hugot na hugot ah!

AKO : Huwag kang magulo Mae. Oh sige ituloy mo na Ella.

Itinuloy nga ni Ella ang pagkukwento niya. Ayon pa sa kanya ay matagal na daw palang may kasunduan ang lolo niya at ang kaibigan nito na ipapakasal ang unang anak ng mga ito. Ang kaso nagkataon na parehong naging lalaki ang anak ng mga ito kaya naman silang apo ang magtutuloy ng kasunduan.

AKO : Nakilala mo na ba ang pakakasalan mo? Anong hitsura? Baka naman mukhang chaka doll yan.

ELLA : Hindi ko pa nga nakikita ang pakakasalan ko. Ang sabi busy daw kasi kaya sa engagement party nalang daw kami magkita. Hindi naman siya chaka. Gwapo nga eh. Nakita ko na yung picture niya.

MAE : Baka naman photogenic lang iyan o di kaya naman talikodgenic o layogenic.

AKO : Kung ano ano ang pinagsasabi nito ni Mae. Magseryoso ka nga.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkukwentuhang tatlo nang biglang dumating ang iba ko pang mga kaibigan. May mga dala din silang pagkain. Si Dianne nga may dala pang alak. Mga lasengera talaga. Akala mo hindi may sakit ang dinadalaw nila.

Natutuwa lang akong pagmasdan ang pagkukulitan ng mga kaibigan ko. Sinong mag-aakala na magkakasundo kaming lahat eh iba iba ang ugali namin.

Pakialamera din itong mga ito dahil nakikisilip sila dito sa sinusulat kong diary.

AIRAH : Ang tanda mo na nagsusulat ka pa sa ganyan.

AKO : Walang pakelamanan.

Kaya habang busy pa ang mga kaibigan ko sa mga ginagawa nila ay sila tuloy ang naisipan kong maging laman ngayon ng diary ko.

Pito kaming magkakaibigan mula pa noong college. Although magkakaiba kami ng course. Si Maica, ako at si Hara ang original na magkakasama enrollment palang. Then yung iba naging kaibigan nalang namin.

Si Maica Reign Domingo kilala mo na siguro kasi lagi ko naman siyang nababanggit dito sa diary ko. Siya yung kaibigan kong biniyayaan ng madaming lalaki. College palang kami ay ligawin na iyang si Maica. Medyo may pagkaabnormal lang din kung minsan at out of the world ang mga trip sa buhay. Idagdag na din na may pagkamasama ang ugali minsan dahil saksakan ng laitera.

Si Harabella Gomez naman kilala mo na din. Siya yung kaibigan kong bihirang magsalita o magbigay ng komento pero kapag nagsalita naman ang bigat ng sinasabi. May pagkaintrovert lang din at sariling mundo. Siya yung may-ari ng bar na lagi naming tinatambayan. Kaibigan siya ni Yexel nung highschool sila at dahil sa lovelife nila ni DJ kaya nagkalapit kami ni Yexel. Thank you! Pero aaminin ko na madalas ko siyang pagselosan hehe.

Si Mariella Nevarez o Ella ay ang kaibigan kong adik sa love. Adik kasi college palang kami ay atat na atat na iyang mainlove. Yung tipong lahat nalang yata crush niya tapos mahal na niya tapos ayaw na niya. Mabilis magsawa. Magulo ang utak niyan. Kulang yata kasi ng turnilyo. Ikakasal na siya sa lalaking ipinagkasundo sa kanya. Goodluck sa kanya!

Si Mariamea Guzman naman o mas kilala bilang si Mae ay ang iyakin kong kaibigan. Nagulat nalang kami isang araw na ibinalita niya samin na myembro pala siya ng isang rock band. Totally different from her personality. Istrikto kasi ang daddy ni Mae kaya hindi niya ipinapaalam ang pagiging myembro niya ng banda. General kasi ng militar ang daddy niya. Well, aside sa pagbabanda ay isang kagalang galang na guro iyang si Mae. Oh diba? Napakalayo sa personality niya. Tingin ko may split personality iyang babaeng iyan eh.

Si Dianne Lopez naman ang kaibigan kong sinalo na yata lahat ng talent sa mundo. Acting, singing, dancing. Ang sabi nga namin sa kanya sana nag artista nalang siya para nagkaroon ako ng kaibigang artista hehe. Mas pokus siya sa pagsasayaw dahil dance instructor siya ngayon.

Si Airah Joy Santiagel naman ang kaibigan kong walang ibang hilig kundi ang kumain at matulog. Ang nakakapagtaka lang ay hindi naman siya tumataba at hindi rin naman lumalaki. Isa siyang medtech.

Ang huli ay si Allie Fortez. Isang film director yan. Siya din ang pinakamayaman sa amin. Senador ang tatay niyan eh.

Sila ang mga kaibigan ko mula pa noon. Kahit na mga may sayad sa utak ang mga iyan ay mahal ko sila.

ALLIE : Bakit ang ikli naman ng description mo sakin?

AKO : Huwag ka na nga umepal. Ang hirap kaya magsulat. Pasalamat nga kayo at special mention pa kayo dito.

Oh siya! Tama na ang kalokohang ito. Nangingialam na ang mga kaibigan ko eh.

***


Walang Forever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon