# 9 Si Harley

3.9K 90 19
                                        

DEAR DIARY,

Continuation ito nung nangyari sa birthday ni Maica.

Sa sobrang inis ko sa mga kaibigan ko at kay Axel na din ay halos gawin ko ng tubig ang alak na nasa harapan ko. Maya maya lang ay nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Minabuti ko munang magpuntang CR at iwanan ang mga mapang-asar kong kaibigan.

AKO : Walang forever! Lahat ng lalaki manloloko. Lahat ng mag-jowa maghihiwalay din kayo! Tandaan nyo walang forever!

Hindi naman sobrang obvious na ang bitter ko at affected ako sa nangyari sa amin ni Axel.

Napansin ko na napatingin sa akin ang babae na kasama ko sa CR. Nawiwindang siguro siya sa mga pinagsasabi ko. Maya maya ay narinig ko na nagring ang cellphone niya. May kausap siya sa phone. Jowa niya siguro.

AKO : (pabulong lang) Magbebreak din kayo!

Maya maya pa ay nakaramdam na ako ng pagkahilo. Akala ko nga ay babagsak na ako sa sahig subalit mga matipunong braso ang umalalay sa akin. Sino kaya yun? Ang bango niya. Sayang antok na antok at hilo na ako para makilala pa siya. Alam ko naman na safe ako kasi narinig ko yung boses ni Hara. Kahit bangag at hilo pa ako kilalang kilala ko ang walang emosyon na boses na iyon ng kaibigan ko.

Hindi ko alam kung anong nangyari after. Nagising nalang ako na nasa loob na ako ng kwarto ko at may babaeng nakahiga sa tabi ko. Hindi ko siya kilala! Napasok na ba ako ng magnanakaw? Pero sino namang magnanakaw ang matutulog pa sa kwarto ng nanakawan niya? Sinubukan kong wag gumawa ng ingay. Dahan dahan akong bumaba sa kama at lumabas ng kwarto ko. May nakita akong nakatalikod na lalaki sa kusina ko. Bitbit ang nadampot ko na walis ay dahan dahan akong lumapit sa nakatalikod na lalaki. Akmang hahampasin ko na sana siya kaso bigla siyang lumingon.

AKO : Harley?

Nak nampucha! Akala ko kung sino na! Anong ginagawa ng burgis kong pinsan dito sa munti kong tahanan?!

HARLEY : Could you please put that down. Saka wag kang maingay. Baka magising si Zed.

Zed?? Sinong Zed?

Bigla kong naalala ang babaeng nakahiga sa kama ko. Hinampas ko bigla sa braso si Harley.

AKO : Walang hiya ka Harley at dito ka pa talaga gumawa ng kabulastugan mo! Naghihirap ka na ba at wala ka ng pambayad ng Motel kaya dito mo dinala yung babae mo?!

Panay naman ang iwas ni Harley sa mga hampas ko.

HARLEY : Stop it Gwing gwing! Wala kaming ginawa ni Zed. Binantayan ka lang niya dahil wasted na wasted ka na. Sino ba naman kasing nagsabi sayo na magpakalasing ka. Mukha kang tanga!

Natigil naman ako sa paghampas ko kay Harley.

AKO : Ibig sabihin ikaw yung umalalay sakin kagabi?

HARLEY : Oo. Nakita ka ni Zed sa CR na halos nakabulagta na daw kaya tinawagan niya ako para tulungan ka. Then nakausap ko si Hara at ibinilin ka na lang niya sakin.

So siya pala yun. Sabagay kilala na naman si Harley ng mga barkada ko. Akala ko pa naman may ibang lalaki na umalalay sakin. Naalala ko ang babae sa CR.

AKO : Yung babae sa kwarto ko jowa mo yun?

HARLEY : Not yet. But hopefully soon.

Ang loko! Ang landeeee! Infairness ang swerte nung babaeng yun kapag naging jowa niya si Harley. Ang gwapo at ang yaman niyan. Sa mga pinsan ko siya ang pinakaclose ko.

AKO : Thank you sa paghatid sakin dito sa bahay Harley. Pakisabi na din dun sa jowa to be mo salamat. Pero kailangan ko na mag-asikaso dahil may pasok pa ako ngayon. Ikaw na bahala dito sa bahay. Feel at home. Pakilock nalang ang pinto pag-alis niyo.

Hanggang sa makaalis ako ng bahay ay tulog na tulog pa din yung jowa to be nung pinsan ko. Sayang gusto ko pa naman sana magpasalamat sa kanya. Maybe some other time nalang sasabihin ko kay Harley na ipakilala ako ng personal sa jowa niya. Yung matino na ako at hindi lasing. Nakakahiya naman kasi dun baka isipin nun pamilya kami ng lasenggo.

P.S.

Tarantado yun si Harley. Niloloko ba naman ako na si Axel daw ang dahilan ng paglalasing ko kagabi. Ang epal niya! Sasabihin ko dun sa jowa to be niya na bastedin siya!

***

A/N:

Si Harley at Zed ay mula sa kwento ng aking Espren na si QueenRichelle na Miss Adventure Diary. Basahin niyo din ang gawa niya at siguradong mag-eenjoy kayo :)

Walang Forever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon