#35 The date part 2

1.8K 49 22
                                        

DEAR DIARY,

Kaya naman pala See you tomorrow ang sinabi sakin ni Yexel ay bigla nalang siyang susulpot sa bahay ko.

Nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto ay ang gwapong mukha niya ang bumungad sakin. Mabuti na nga lang at nakaligo na ako kundi ay mukha akong bangag na haharap sa kanya.

YEXEL : Hi. Goodmorning!

AKO : Goodmorning din. Anong meron?

YEXEL : Wala naman. Namiss lang kita. Flowers for you nga pala.

Okay fine! Ang haba ng hair ko. Pero teka may lahi bang intsik itong boss ko at ang aga umakyat ng ligaw?

YEXEL : Medyo nabitin kasi ako sa date natin kahapon kaya naman pinuntahan kita. Pwede naman siguro nating ituloy ang date natin dito sa bahay mo. Iyon ay kung okay lang sayo.

Seriously??? Dito kami sa bahay magdedate?

Well, okay lang naman sakin kahit na saan pa kami magpunta. Ang mahalaga ay magkasama kami.

Talandeeeee! Pumoporeber ang lola mo!

Napagdiskitahan namin na manood nalang ng movies. Pinaghintay ko muna si Yexel sa sala habang magluluto ako ng lunch namin. Gusto niya nga sana akong tulungan kaso sabi ko kaya ko na iyon. Wala yata siyang tiwala sa cooking powers ko. Ipinakita ko nalang muna kay Yexel yung mga old photo albums ko habang hinihintay niya ako.

Ang kasi hindi rin siya napirmi sa sala kaya sinundan pa din niya ako sa kusina habang bitbit ang mga photo albums ko.

YEXEL : Kailan kuha ito? Ang bata niyo pa dito.

Yung pictures naming magkakaibigan nung first year college kami ang tinitignan ni Yexel. Kuha iyon nung nagpunta kaming Baguio. Birthday kasi ni Allie nun at dun niya naisipang magcelebrate.

Kung ano ano pa ang pinagtitignan ni Yexel. Tinatawanan niya yung ibang wacky pictures ko.

YEXEL : You really love camera don't you? Napansin ko din kasi nung nagpunta tayong Enchanted Kingdom ang hilig mong magpicture.

AKO : Well, you can say that. Kahit naman hindi ako masyadong kagandahan ay mahilig talaga akong magpicture. Magsawa sila sa mukha ko.

YEXEL : You're pretty Gwen at hinding hindi ako magsasawang titigan ka.

Agad ko namang sinaway si Yexel sa pambobola niya sakin. Pero sabi niya hindi daw bola iyon. Kaya syempre kinilig na naman ang lola mo.

Hay! Pakiramdam ko maooverdose ako sa kilig dahil dito kay Yexel.

Natapos din akong magluto kaya naman kumain na kami ni Yexel. Then habang nanonood kami ng movie ay nilantakan namin yung dala niyang cake. Nakakatuwa kasi natatandaan pa pala niya na gustong gusto ko yung cake dun sa kinainan naming resto nung una kaming nagsabay kumain.

Then nung natapos yung movie na pinapanood namin ay nagkwentuhan nalang kaming dalawa habang umiinom ng wine na dala pa rin syempre ni Yexel.

Sosyal diba? May wine pa. Kapag kami ni Axel beer lang sapat na.

Teka nga! Bakit na naman napasok si Axel sa eksena?

Erase...erase...erase!

YEXEL : Tell me more about yourself.

AKO : Ako talaga? Wala akong maisip eh.

YEXEL : Kahit ano.

AKO : Sige ganito nalang. Tell me ten things about yourself and vice versa.

YEXEL : Cool sige. Ikaw mauna.

AKO : Huwag muna ngayon mag-iisip pa ako eh. Itext nalang kita.

YEXEL : Okay sige.

Mga bandang 5pm umalis si Yexel sa bahay kasi may meeting pa daw siya ng 7pm regarding his business.

Biniro ko pa nga siya na baka monkey business lang ang gagawin niya pero sabi niya ay hindi daw and hindi daw siya interesado aa ibang babae ngayon maliban sakin.

Oh diba? Ang haba ng hair ng lola mo!

So ayun lang. Sige bye na! Mag-iisip pa ako ng ten things about me.

***

A/N:

Hello hello! Kumusta?!

Katatapos ko lang manood ng Second Chances kanina with my fellow officemates and grabe ang tulo ng luha ko. Sino nga bang hindi maiiyak sa lovestory nila Popoy at Basha?

Hay! Oo! Nakarelate ako. Tinamaan ako.

I want my husband back!

-shinayawaara



Walang Forever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon