<Dylan Jake Zalderiaga>
"Hello Babe, are you free tonight?"
"Hmm... Not sure. Why?"
"Pwede ka ba muna hindi pumunta sa bar? May pupuntahan lang tayo"
"Saan?".
" Basta. Surprise. So, sunduin kita ng 6:00pm sa bahay niyo okay?"
"Okay"
"I love you"
"I love you too"
Abot hanggang tenga ang ngiti ko ng maibaba ang telepono pagkatapos makausap si Hara. Hindi ko alam kung nakalimutan na niya dahil sa sobrang pagkabusy but it is our 2nd year anniversary. Parang kailan lang ay hindi kami masyadong nagpapansinan pero ngayon dalawang taon na ang relasyon namin.
"Mukhang good mood ka ah" pansin sa akin ni Maica nang makasabay ko siya papuntang canteen.
"Medyo" nakangiting sagot ko naman.
"Talaga? Dahil good mood ka naman ilibre mo ako. May bagong bukas na MCdo sa tapat natin. Sawa na ako sa pagkain sa canteen. Saka nagcecrave ako sa french fries. Pleaseeeeee!" Pinagdikit pa nito ang dalawang palad nito.
"Oo na. Sige na. Ililibre na kita"
"Yes! Ang bait mo talaga. Gwapo pa saka galante. Hayaan mo ibibuild up kita kay Hara"
"Hindi na kailangan. Girlfriend ko na siya diba?"
"Sabagay. Pero sasabihin ko pa din na mabait, gwapo at galante ka"
"Hay naku Maica. Hindi mo na ako kailangang bolahin pa"
***
"Totoo naman ang sinasabi ko. Mabait ka naman talaga, gwapo at galante. Sa lahat ng nanliligaw sa akin noon, ikaw lang ang nagpapadala araw araw ng bulaklak" patuloy na kwento ni Maica habang kumakain kami.
Large fries, 1pc chicken with spaggetti, coke float at chocolate sundae ang inorder niya. 1pc chicken with rice at regular coke naman ang sa akin.
"Si Hara ba binibigyan mo lagi ng bulaklak?"
"Kapag monsary namin or may okasyon lang. Hindi kasi siya mahilig sa bulaklak. Mas gusto niya na stuff toy ang ibinibigay ko sa kanya."
"Ay totoo yan. May isang room siya na puro stuff toy lang sa bahay nila. Nakapunta ka na ba sa bahay nila Hara?"
"Oo naman. Nameet ko na din ang parents niya pero hindi ko pa nakikita yung room na may mga stuff toy. Kahit yung room niya hindi ko pa rin nakikita"
Katulong lang ang kasama ni Hara sa bahay ngayon dahil sa ibang bansa na nakatira ang parents nito kasama ang nakatatandang kapatid nito. Pero ang alam ko ay may nakababatang kapatid pa si Hara pero hindi ko pa ito nakikita kahit minsan. Ang sabi kasi ni Hara ay may pagkarebelde ang kapatid niyang ito at mula noong nakagraduate ito ng college ay nagsarili na ito.
"I see. Hindi talaga iyon nagpapapasok ng ibang tao dun sa stuff toy room niya. Kung hindi pa nga lang namin siya pinilit nila Gwen na ipakita iyon sa amin hindi pa namin makikita"
"Well, we all have secrets"
Saglit kaming natahimik dalawa habang kumakain.
"Dylan may itatanong ako sayo. Sana sagutin mo ako ng totoo" mayamaya ay sabi ni Maica.
"Ano yun?"
"Nagustuhan mo ba talaga ako o kaya mo lang ako niligawan ay dahil akala mo ako si Harabella?"
Uminom muna ako ng coke bago sagutin ang tanong niya.
"Honestly speaking, I really find you beautiful. Sa office natin ikaw ang pinakamaganda. But it is not the reason why I courted you. Nasabi ko na sa iyo dati diba? Niligawan kita nung narinig ko na kinakanta mo yung song na ginawa namin ni Hara nung highschool kami. So I guess I answer your question" nakangiting sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Walang Forever!
ChickLitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.
