DEAR DIARY,
Kanina pa sumasakit ang ulo ko! Nakakabadtrip naman kasi talaga ang tadhana kung maglaro minsan. Imagine, of all people, siya pa! Siya pa na napakabastos at ungentleman ang bago naming boss! At grabe ang lakas niya pa mang-asar.
SIYA : I'm Yexel and I'm gonna be your new boss. I'm a very kind and passionate boss, but the only thing that I can't tolerate is tardiness. So I'm expecting that starting tomorrow, no one will be late. Is that clear?
Syempre sabay sabay kaming sumagot ng "Yes Sir". Pero deep inside kumukulo na ang dugo ko. How nerve of him to say those words eh samantalang siya itong dahilan kung bakit na late ako! Gusto ko sana siyang sagutin kaya lang ayoko namang masabihan ng insubordination kaya sinarili ko nalang ang inis ko sa kanya. Sa isip isip ko ilang beses ko na siya minurder sa asar ko. Saka biruin mo yun, boss ko pala siya, ang yaman yaman niya pero bakit kailangan niya sumakay ng taxi? Don't tell me kuripot siya kaya hindi siya makabili ng sarili niyang sasakyan. Tapos kami itong simpleng mamamayan ng Pilipinas ang pepestehin niya. Ako itong naghihintay ng maayos aagawan niya!
Badtrip iyan! Hindi lang pala ako sa pag-ibig naaagawan. Pati ba naman sa pagsakay ng taxi naaagawan pa din ako? #HugotPaMoreGwen
At higit sa lahat, pati ba naman ang peace of mind ko sa opisina aagawin parin sakin?
Nasaan ang hustisya Lord?!
BINABASA MO ANG
Walang Forever!
ChickLitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.