DEAR DIARY,
Tinanong ko si Yexel kung anong ibig niyang sabihin at ikinuwento nga niya sakin kung paano sila nagkakilala ni Hara. Ang sabi niya ay sina DJ at Hara daw talaga ang magkakilala. Nagkakilala daw yung dalawa dahil sa isang libro. Hindi niya masyadong idinetalye sakin ang lahat pero sabi niya naging magkatextmate daw ang dalawa. Hindi pa yata uso ang internet at video chat nung panahong iyon. Inshort naging magkaibigan sila sa text.
Bella daw ang binigay na pangalan ni Hara. Hindi niya binigay ang surname niya. Maiintindihan ko naman si Hara kung hindi niya ibigay man ang private info niya. Mamaya nga naman ay salbahe pala ang katextmate niya.
Hindi daw nagkikita ng personal sina Hara at DJ. Tanging boses lang ng bawat isa ang kilala nila. Hindi din nila alam ang hitsura ng bawat isa. #PaMysteryEffect
Pero nung minsan daw ay naintriga si Yexel kaya nakipagkita siya kay Hara. Halos isang taon na daw kasi ang nakalipas mula nung unang naging magkatextmate yung dalawa. Naiinlove na daw kasi si DJ kay Bella at dahil nag-aalala siya para sa bestfriend niya ay nakipagkita siya kay Bella nang hindi nalalaman ni DJ.
Nalaman nga ni Yexel mula kay Harabella na may usapan sila ni DJ na hindi sila magkikita ng personal hanggat hindi nagagawa ni DJ na magtupi ng isang milyong paper crane. Nung nakita nga daw ni Yexel si Hara ay hindi siya makapaniwala na mas bata pala ito sa kanila. 4th year highschool na daw kasi sina Yexel noon samantalang si Hara ay 2nd year lang. (Ang aga lumandi ni Hara!) Pero mula noon ay naging magkaibigan na din sina Yexel at Hara. Si Yexel ang naging tulay nung dalawa. Kapag may ipinapabigay daw na regalo si DJ kay Hara ay si Yexel ang nagbibigay. Ganun din naman si Hara kay Yexel.
Hanggang sa dumating ang oras na dapat ay magkikita na daw ng personal ang dalawa dahil natapos na ni DJ ang isang milyong paper crane na ginagawa niya nang biglang kinailangan ni DJ na umalis ng bansa dahil nagmigrate ang family nito. Hindi na daw nito naibigay ang isang milyong paper crane kay Hara. Nawalan na din sila ng communication kay Hara dahil bigla na lang din daw nawalang parang bula si Hara. Kaya ganun nalang ang tuwa at gulat ni Yexel nang makita si Hara. Matagal na pala nila itong hinahanap ni DJ pero dahil wala silang ibang alam na info kay Hara maliban sa ibinigay nitong pangalan na "Bella" ay hindi nila ito mahanap. Kahit nung nauso lahat ng social media sites ay hindi nila makita si Hara. Well, hindi talaga nila makikita si Hara dahil walang facebook at twitter yun!
Sinubukan daw nila ni DJ na bumalik balik dun sa lugar kung saan madalas pumunta si Hara sa pagbabakasakali subalit hindi pa rin nila nakita si Hara.
Grabeeee! Pang-MMK at Magpakailanman pala ang kwento ng lovestory ni Hara. Akala ko nun ako na ang may pinakamasakit at nakakaiyak na kwento, hindi pa pala.
Kung minsan talaga dahil nagpopokus tayo sa sarili natin hindi natin nakikita ang ibang bagay sa paligid natin.
Sinong mag-aakala na ang drama ng buhay ni Hara? Anong klase akong kaibigan na hindi ko man lang alam ang kwentong iyon ng buhay niya?
Nakilala ko kasi si Hara na matatag. Masungit. Walang emosyon. May sariling mundo. Walang pakialam sa mga bagay bagay. Hindi ngumingiti.
Hindi ko alam na sa likod pala ng mga ipinapakita niya samin nagtatago ang isang simpleng babae, masayahin at umaasang makikita ang lalaking bumihag sa puso nito.
Sana magkaroon ng happy ending ang kwento ni Hara.
Mas naintindihan ko na si Hara ngayon. At mas naintindihan ko din kung bakit close sina Hara at Yexel.
Hindi na ako magseselos kay Hara.
WEYTAMINIT!
Did I just say na nagselos ako????!!!
***
A/N:
Inlove na ako...inlove na sayo!
Naaadik ako sa kanta ni D.E. hehe
NL: In Love Ako Sayo
BINABASA MO ANG
Walang Forever!
ChickLitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.
