DEAR DIARY:
Kakaibang tingin ang ibinigay sakin nila Maica at Hara nang magkita kami kinabukasan. Ano na naman kayang problema ng dalawang ito?
MAICA : Umamin ka samin Gwen. Nadiligan ka noh?!
AKO : Ha? Anong tingin mo sakin, halaman?
MAICA : Oo! Isa kang halamang malapit ng matuyo kapag hindi pa diniligan. Pero ano nga, may nangyari ba?
AKO : Ano bang pinagsasabi mo dyan? Hindi kita maintindihan.
HARA : Slow lang Gwen?
AKO : Eh kasi naman diretsuhin niyo na ako.
MAICA : Nag-sex na ba kayo ni Axel?
Muntik na akong mabulunan sa biglang tanong ni Maica.
AKO : Grabe siya! Yung bibig mo baka may makarinig satin.
MAICA : Ay! Pabebe ang lola mo! So ano nga, kumusta naman?
AKO : Sarap!
Bigla ba namang tumili si Maica at sinabunutan ako.
MAICA : Bruha ka! Ang landi mo!
AKO : Aray naman Maica Reign Domingo. Ang bigat talaga ng kamay mo!
MAICA : Malaki ba? Totoo ba yung sinasabi nila na mukha daw sawa yun?
AKO : Sawa talaga? Ewan ko sayo.
MAICA : Magkwento ka naman kasi.
AKO : Ayokong magkwento. Baka mainggit lang kayo. Saka baka hindi kayo makarelate.
Well, gusto ko lang silang asaring dalawa.
HARA : Sinong nagsabi?
Napatingin kaming dalawa ni Maica kay Hara dahil sa sinabi niya.
AKO : Ibig sabihin, may nangyari na din sa inyo ni DJ?!
MAICA : Hindi ka na din virgin?! Ibig sabihin ako na lang ang natitirang virgin sating tatlo?!
Nginitian lang kami ni Harabella bilang sagot. Bwisit yun! Hindi man lang talaga nagkwento.
AKO : Hay naku! Huwag na nating pag-usapan yan okay? Nasaan na ba ang mga boys na iyon?
HARA : May pupuntahan lang daw sila. Hindi ba nagpaalam si Axel sayo?
AKO : May iniwan lang siyang note sa table kanina. Hindi ko na kasi siya naabutan.
MAICA : Uy! Palibhasa napuyat siya kagabi.
Grabe talaga mang-asar si Maica. Natigil lang ang pangaasar niya sakin ng lumapit samin si Panda.
PANDA : Hello there Diyosa!
AKO : Hi!
Bigla ba naman akong tinignan nila Hara at Maica mula ulo hanggang paa.
M&H : DIYOSA???? SAAN ANG BAKAS??
Natawa naman bigla si Panda sa ginawa nung dalawa. Nahampas ko tuloy sila.
AKO : Huwag kayong epal na dalawa.
MAICA : Diyosa daw! Grabe siya!
AKO : Hi naku pagpasensyahan mo na itong dalawang baliw kong kaibigan ah. Mga may sapi sa utak iyan eh.
PANDA : That's okay. I find them cute.
MAICA : Oh! I like that! I think I like you! I'm Maica by the way and you are?
PANDA : Just call me TOP.
MAICA : Hi TOP!
AKO : Hoy! May Killian ka na. Huwag kang lumandi diyan!
MAICA : Wala siya dito. Okay lang!
AKO : Hay naku! May sapi na talaga siya. Panda, si Harabella, kaibigan ko din.
PANDA : Hello Harabella.
HARA : Just call me Hara and may boyfriend na ako.
PANDA : Aw! Sayang naman.
MAICA : Ay ganun? Nilampasan ako. So si Harabella ang type mo? Naku! Ang gwapo mo pero wala kang taste!
Tawa naman ako ng tawa sa naging reaksyon ni Maica. Baliw talaga yung babaeng yun kahit kailan. Pero hindi nga, type ni Panda si Hara?
AKO : Type mo ba si Hara?
PANDA : Well maybe. Pero may boyfriend na siya.
AKO : Oo. Kaya malas mo. Maghanap ka na lang ng iba.
Nagulat nalang kaming lahat ng biglang inilapit ni Panda ang mukha niya kay Hara.
PANDA : I really find you cute. Tell me if you and your boyfriend broke up.
AKO : Hindi sila magbebreak! May forever sila!
May itinatagong landi din pala sa katawan itong Pandang ito! Harap harapang nilalandi si Harabella. Bakit ako hindi niya nilandi?
Hindi ka nga daw niya type diba?
PANDA : Where do you want to go Diyosa?
Shocks! May usapan nga pala kami ni Panda na sasamahan ko siya ng Christmas at New Year.
AKO : Naku sorry! Hindi na matutuloy ang plano natin kasi nandito na yung boyfriend at mga kaibigan ko. Sila ang kasama ko magcelebrate ng New Year. Pasensya na!
PANDA : Ganun ba? Sayang naman.
MAICA : Kung gusto mo sumama ka nalang samin magcelebrate.
PANDA : Hindi ba nakakahiya?
MAICA : Hindi yun. Kami bahala sayo.
PANDA : Well, if it's okay with you, it is my honor to join you.
Tapos nginitian niya kami bago siya tuluyang umalis. Nanggigigil na kinurot naman ako ni Maica.
MAICA : Talande kang babae ka! May itinatago ka palang lalaki dito ah!
AKO : Baliw! Hindi ko itinatago si Panda noh!
MAICA : Pero ang gwapo niya talaga ah. Infairness. Kaya naiintindihan kita kung itago mo man siya.
Hay naku mukhang kahit na anong gawin kong pagtanggi ay hindi ako paniniwalaan ng mga kaibigan ko.
Hindi ko naman talaga siya itinatago ah!
***
A/N:
Pero lalaki mo siya????
-shinayawaara
BINABASA MO ANG
Walang Forever!
Chick-LitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.
