Kahit hindi maganda ang huling sinabi sa akin ni Ernest. I still care for him, as bestfriend, kahit yun nalang. I do have feelings for him pero sa akin nalang yon. Ok na sakin ang mahalin siya sa paraang alam ko. And may boyfriend na ako na mas dapat ko nang mahalin. Unfair naman na mahal ko siya habang may mahal akong iba.That night, maaga ako nag out sa office. Nag luto ako, not as peace offering para kay Ernest. Gusto ko lang ma feel niya walang nagbago sa kabila ng sinabi niya. I didn't take it seriously dahil lasing siya. I saw his car park on their garage kaya alam kong nasa bahay na din siya.
Nagluto ako ng favorite niyang pork sinigang. Alam ko, pag ito ang ulam, mapaparami siya ng kain.
Hindi na ako nag doorbell o kahit pa ang kumatok. I have my spare keys dahil palagi naman nga akong lumilipat sa bahay nila. Galing kay tita yon. Dumiretso na ako sa kusina at ipinatong ang dala kong bowl sa dining table. I look for him pero mukang nasa kwarto ito dahil tahimik.
Tahimik akong umakyat sa second floor ng bahay nila at pinuntahan siya sa kwarto niya. Nakabukas iyon kaya hindi ko na kailangan pang kumatok.
Nasa may pinto na ako ng lumabas siya galing sa banyo, halatang bagong paligo dahil nakatapis pa ito ng towel.
"Er----
Pero hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may lumabas sa banyo na isang babae. Hindi iyon si Kirsten. Ibang babae ang kasama niya.
Napalingon si Ernest sa pinto kung saan nakatayo parin ako.
Hindi siya nagsalita, hindi niya rin ako nilapitan. Basta nakatingin lamang siya.
"Ah---ahm sorry. Akala ko wala kang kasama. Si---sige " mabilis akong tumalikod at mabilis na bumaba ng hagdan diresto palabas ng bahay nila, diretso sa bahay namin ni lola, diresto sa kwarto ko. At doon na nalaglag ang luha ko.
Bakit ba ako nasasaktan? Bakit? Hindi naman kami? Ako lang ang may nararamdaman para sa kanya. Wala siyang kasalanan. Pero ang sakit. Gaga ka Micah, bakit ka nagpapaapekto? Wala ka kahit ni katiting na karapatan para masakatan. Kahit ilang babae pa ang isama niya, wala kang pakialam.
Pero nakakagago eh, ang tanga ko. Bakit ba kasi nagmahal ako sa isang taong hanggang kaibigan lang ang turing sakin. Bakit ba tumibok pa ang puso ko sa taong hindi ko dapat mahalin?
Nakaka gago kasi yung puso ko. Sana kasi hindi ka tumibok sa maling tao. Ang dami diyan, kahit sino, wag lang sa bestfriend ko.
Ilang minuto akong umiyak. Narinig kong umalis si Ernest dahil nadinig ko ang pagbukas niya ng gate sa garage nila. Hindi ako sumilip dahil baka makita lang nila ako. Inubos ko ang oras ko habang naka dapa sa pillow ko. Inantay ko maging kalmado ulit ako.
* * *
Past six thirty am. Nakagayak na ako, pero mga seven thirty pa ko aalis papunta sa office. Nag prepare nalang ako ng cereal para mag breakfast. Ang bigat ng pakiramdam ko. Siguro kakaiyak kagabi. Hindi ako nakatulog ng maayos.
Maya maya ay narinig kong bumukas ang gate sa labas. At bumukas ang pintuan namin sa sala. Narinig ko ang mga yapak papunta sa kung nasaan ako.
Hindi ako lumingon. Alam kong si Ernest yon. Hindi ako handang harapin siya. Hindi ako galit. Hindi ako nagtatampo. Hindi ako umiiwas. Nasasaktan lang ako. At tanga ako dahil nasasaktan ako na hindi ko naman dapat maramdaman.
He cleared his throat nang makalapit na siya.
"I just came here para isauli itong bowl" sabi nito. Hindi ko parin siya magawang lingunin.
"Sige. Iwan mo nalang diyan sa lamesa" sagot ko habang patuloy sa pagsubo ng cereal.
"Thanks anyway"
"Ok lang" casual na sagot ko.
"Ahm by the way. Can I have our spare key" sabi nito. Biglang nag init ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit. Basta para nalang akong na blangko.
"Si-sige. Wait. Kunin ko lang sa kwarto" tumayo ako at diretsong umakyat sa hagdan papunta sa kwarto ko at sabay nito ay ang paglaglag ng luha ko. Pinipigilan ko pero hindi ko magawa. Parang biglang nanghina ang katawan ko, parang may nasira sa pagkatao ko.
Mabilis ko itong kinuha sa drawer ko saka pinaka titigan.
Kinukuha niya itong susi para hindi na ako makapasok sa kanila. Para hindi na ako makapasok sa buhay niya. Isa lang naman ang ibig sabihin non, gusto niya na akong lumayo. Mawala. At hindi na magparamdam pa kahit kailan. Masakit, dahil mahal ko siya. Masakit dahil tuluyan na siyang mawawala sa "kin. I've lost my bestfriend and the man I'm secretly in love.
Totoo pala ang sinasabi ng iba, masakit mawala ang taong mahal mo pero mas masakit pag nawala ang isang malapit na kaibigan mo. Isang taong alam ang lahat lahat sa buhay mo. Isang taong kasama mong bumuo ng pangarap. Isang taong nasasandalan mo. Isang taong takbuhan mo.
Pero doble ang sa akin. Sobrang sakit dahil dalawa ang nawala sa akin. Ang taong minamahal ko na bestfriend ko.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Regrets from the past
Fanfiction08/05/18 -#59 highest rank under Fanfiction Bestfriend...karamay, kasangga. Pero paano kung marealize mong mahal mo pala siya?