Last update for today...
Kumapit ang gustong Kumapit...
We're about to end...
Reaching the final destination...charot :')
Lumabas ako at tinanaw ang dati kong bahay. May nakabili na nito. Matagal na. Si tita Luna ang nag asikaso ng lahat. Hindi ko na inalam kung sino ang nakabili. Nakuha ko naman ang presyong gusto ko.
Pinapa renovate ang harapan nito. Play area ang inilagay nila dahil may swing akong nakita.
That was my dream. Na kapag nagka pamilya ako, kami ni Poknat, gusto ko, may playground ang magiging mga anak namin.
But those will remain as a dream.
"Nak" tawag ni mama mula sa likuran ko.
Lumingon ako dito at batid kong nababasa niya ang laman ng puso ko.
"Na mis mo na ang bahay mo ano. Kami din, pero hindi pa namin nakikita kung sino ang nakabili niyan. Ngayon nga lang pina ayos yan eh" kwento nito.
"Talaga po. Pero matagal nang nabenta yang bahay. Baka nabulok na yung loob niyan" pag aalala ko. Mahal na mahal.ko ang bahay namin ni lola. Ang bahay na saksi sa lahat lahat sa buhay ko.
"Hindi naman siguro kasi palaging may naglilinis at saka may nag me-maintain niyan" sabi nito.
Pinapanood ko lang ang mga nag gagawa sa bakuran ng dumating sila Ernest at Loraine.
"Sis let's go. Puntahan na natin yung pinsan ni lorent" aya nito a kay sumakay na agad ako.
-
"Tita mommy" salubong agad sa akin ni Ash ng makabalik kami. Dumaan sandali kami sa mall ay may binili ako para dito.
"Tita mommy?" Panabay na sabi ni Loraine, mama, Dad at ni Ernest.
"She's my tita mommy now" tumatawang sabi ni Ash. Kinarga ko ito at muling kinalong sa mga hita ko.
"I'm jealous" sabi ni Ernest.
"Why jealous dad?" nakangusong tanong ni Ash.
"You greeted and hugged her , you forget me na" kunwaring nagtatampong sabi naman nito.
"Sorry daddy" lumapit ito dito at humalik sa pisngi. Pati sa lolo at lola nito. Huli si Loraine saka muling bumalik sa kandungan ko.
"Mukang napalapit agad sayo si Ash ha" nangingiting sabi ni mama.
Nakangiti lamang ko habang nilalaro namin ni Ash ang toy doll na binili ko.
Ernest
Ang sarap nilang pagmasdan habang naglalaro. Sana, totoong anak nalang namin si Ash. At isa kaming buong pamilya.
Wiling wili si Ash dito. Halos kahapon lang sila nagkita pero para bang ang tagal niya na itong kilala.
"Seems like your daughter loves her huh" bulong ni Dad.
"I think so. She's so happy being with her"
"Sana kayo talaga ang nagtuluyan. Nakikini-kinita ko na ang mangyayari sa inyo. Pero sayang. Wait---Loraine. Paano mo nga pala siya na isama dito?" biglang tanong ni mama.
Nasa kusina kami at nag re-ready ng lunch. Nasa sala naman ang dalawa at masaya paring naglalaro.
"Actually, we're still in touched. Nag uusap parin kami" pag amin ni Loraine.
"And you hide it from me" Medyo naiinis na sabi ko.
"Don't get mad, siya ang nakiusap na wag ko nalang ipaalam sa inyo. Lalo sayo and I understand kaya sumunod nalang ako sa gusto niya"
"May pamilya na ba siya? Or boyfriend " tanong ni mom inunahan pa talaga akong magtanong.
"Yes and no" sagot nito na nagpagulo sa utak ko.
"Ano yon? Pwedeng linawin mo?" tanong kong muli dito.
"Hey, gossiping can wait, can we eat our lunch first" reklamo ni dad.
-
Hindi ko na muling nakausap pa si Loraine tungkol sa sinagot nito kanina.
She's been busy for her upcoming wedding which is tomorrow na.
And nakakaramdam na ako ng pagka lungkot. According kay mom, babalik din si poknat sa US.
Gusto ko siyang pigilan pero hindi ko alam kung tama ang gagawin ko.
Hindi ko din siya makausap ng sarilinan dahil madalas itong kasama ni Loraine. Pag nasa bahay naman ay palaging kausap sila mom at dad, specially si Ash. Parang mas ina ang turing niya dito kaysa kay Heidi.
Gusto kong malaman kung may pamilya na ba siya? O kung may boyfriend?
Kung wala kasi ay pipigilan ko ang pag alis niya.
Kesehodang mag makaawa ako sa kanya, wag niya lang akong muling iwan.
Tama na ang dalawang beses kaming nagkahiwalay.
Pero hiling ko din na sana ay matanggap niya ako sa kabila ng katotohanang isa na akong ama.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Regrets from the past
Fanfiction08/05/18 -#59 highest rank under Fanfiction Bestfriend...karamay, kasangga. Pero paano kung marealize mong mahal mo pala siya?