MicahParang kailan lang. One year na pala ako dito sa US. At sa loob ng isang taon, hindi ko naman pinagsisihan ang papunta ko dito. Unti unti na akong nagkaka pangalan bilang designer. Marami narin kaming bigating kliyente. And one day, if makaipon na ako ng sapat, magpapatayo ako ng business sa Pinas. Kailangan ko nang samahan muli si lola. Tumatanda na siya at ayaw kong dumating ang araw na mawala siya sa akin ng hindi ko naipaparamdam na mahal na mahal ko siya.
Si Tanner. Heto. Kung nasan ako nandoon din siya. Nag stay na rin siya dito sa US. May business din naman siya dito, may bahay din. Kaya kahit san siya magpunta, ok lang.
"Babe, don't forget. I'll pick you up at seven"
"Yup. I remember. I'll just wait for you then"
"Ok babe. See you in a bit. I love you"
"Hey girl. Look happy" puna ni Fenech ng makapasok ito sa office ko.
"Am I? " maang na tanong ko.
"You are. Is it because of Tanner? "
I smiled at her "part of. Pero mas masaya ako dahil sa nangyayari sa buhay ko ngayon. Natutupad na unti unti yung pangarap ko dating maging designer. And thanks to you, kung hindi mo ako pinilit na pumunta dito, baka hanggang ngayon, isa parin akong dakilang supervisor sa pinagtatrabahuhan ko"
"I told you. Wala ka lang kasing bilib sa sarili mo eh"
"Busy ka later?" tanong ko habang inililigpit ko na ang iba kong gamit sa table.
"Yup. I'm having a date" nakangiting sagot nito.
"At sino yan? Bakit wala akong alam ha"
"A cruise ship Captain" malaking ngiting sagot nito.
"Really---well, I wish you happiness at sana siya na" sincere na sabi ko.
"Eh ikaw. Si Tanner. Siya na ba talaga?" tanong nito na nakapag paisip sa akin.
Hindi ako nakasagot. At hindi ko maintindihan kung bakit.
"Hindi ka nakasagot----kasi hindi ka pa sigurado sa kanya di ba"
"Paano mo naman nasabi yon. Magiging boyfriend ko ba siya kung hindi" sansala ko sa sinabi niya.
"Paano kung one day, he asked you to marry him. Papayag ka ba?" tanong muli nito. Ewan ko ba dito kay Fenech. And dami niyang tanong na wala akong mahagilap na sagot na ipinagtataka ko kung bakit. One year na kami ni Tanner bakit nga ba ganito ang nararamdaman ko.
"H-hindi ko alam" maikling sagot ko.
"Hindi mo alam kasi hindi ka pa sure sa kanya di ba?"
"Paano mo nasabi?"
"Kasi kung sure ka, mabilis lang sumagot ng Oo. Hindi ka sumagot kasi nagdadalawang isip ka pa. Sinagot mo siya kahit hindi mo siya mahal, it's either curious ka or may iniiwasan ka"
"Anong iniiwasan?" biglang kumabog ang dibdib ko sa sinabi ni Fenech.
"Iniiwasan. May mahal kang iba, para makaiwas ka sa feelings na yon, sinagot mo si Tanner. Sa nakikita ko kasi sa mga mata mo, walang spark eh. Walang kilig. Parang pilit" bulls eye ba. Sapul nga yata.
"Hindi ka ulit naka sagot. Meaning, totoo ang sinabi ko"
"Paano mo nasasabi yan, hindi ka pa nga nagkakarelasyon"
"Hindi reason ang hindi ako nakipag relasyon para hindi ko malaman kung totoo ang pinapakita mo o hindi. Hindi ako manhid girl. Lahat ng nakikita ko sayo, pilit. Kung baga sa bunga, hilaw girl. Hindi ka masaya. Kung sino man ang dahilan kaya mo sinagot si Tanner, sure ako, yun ang mas mahal mo. At siya parin ang makakatuluyan mo. Yun eh kung magkikita ulit kayo"
"Malabo na yon" mahinang sagot ko.
"So tama ako" biglang sabi nito.
"Anong tama?"
"Tama ako. Kaya mo sinagot si Tanner kasi may isang tao kang iniiwasan. Mahal mo siya, pwedeng may mahal siyang iba kaya para makalimot ka, sinagot mo si tanner. Or mahal mo siya, pero hindi ka niya mahal. O baka naman mahal ka din niya, hindi niya lang sinasabi. Baka natatakot " mahabang komento nito
"Ewan ko sayo Fenech. Bigla kang naging love guru. Tara na at may date pa tayong dalawa" pag iwas ko sa usapan natumbok niya kasi ang isa sa mga dahilan ko. At nungkang aminin ko yon sa kaniya o kahit sa sarili ko.
Hindi kasi pwede. Malabo. Magulo.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Regrets from the past
Fanfiction08/05/18 -#59 highest rank under Fanfiction Bestfriend...karamay, kasangga. Pero paano kung marealize mong mahal mo pala siya?