Regrets : part 66

1.4K 99 54
                                    


Micah

"Micah anak, thank you. You're such a big help. Kayo ni Heidi " pasasalamat ni mama ng gabing matapos ang party, kasalukuyan kaming kumakain ng oras na yon ng ice cream.

"Ok lang yon ma. Pero hindi narin po ako magtatagal. May work pa din po kasi ako bukas"

"It's ok nak. Salamat talaga---Heidi thank you din iha" sabi naman nito habang hawak sa kamay si Heidi.

"Ok lang po yon tita" sagot naman ni Heidi.

"Ay nak. Mag uwi ka ng mga pagkain para hindi ka na magluto bukas. Ang dami pa kasing natira" suhestiyon ni mama.

"Ok ma. Pero konti lang po. I'm not sure po kung makakauwi ako bukas sa bahay eh. May imi-meet po akong client na medyo malayo po yung meeting place. Baka po mag stay nalang ako sa hotel"

"Bakit hindi nalang siya ang pumunta sa office niyo. Bakit ikaw pa ang kailangang mag drive ng malayo. Babae ka pa naman" sita ni babe na halatang hindi gusto ang sinabi ko.

"Big client din kasi yon. Busy sa negosyo kaya nakiusap na kung pwede ako nalang ang magpunta sa place niya. Magpapa customize daw ng wedding gown design" sagot ko.

"Samahan nalang kita" suggestion nito.

"No. Kaya ko naman yon. Saka pag alanganin na talaga akong umuwi, mag stay nalang ako sa hotel" sagot ko dito para hindi na ito mag alala.

"Ikaw naman anak. Isang araw mo lang hindi makikita si Micah eh. Babalik din naman siya agad" pagsingit ni mama sa usapan.

"Micah, I'm leaving the next day with Loraine. Hope you'll be there to have lunch with us" paalala ni Dad.

"Sure po. Sasama po ako" sagot ko dito.

"You better be. Kung hindi, magtatampo ako" sabi naman  ni Loraine.

"Opo na. Ikaw talaga" saka ko ito niyakap ng mahigpit "Sige po. Mauna na ako, baka ma traffic po ako bukas pagpunta sa work. Kailangang maaga po akong makaalis" paalam ko.

"O sige. Ikaw Heidi, sasabay ka na ba pauwi kay Micah" tanong ni mama.

"Maya pong konti. Tulungan ko na po muna kayo magligpit dito" sagot naman nito.

"Ma, hatid ko lang si babe" tumayo na din si babe at hinatid nga ako sa kabilang bahay.

Pagkapasok sa loob ng bahay ay mabilis akong naupo  at isinandal ang ulo sa headrest ng sofa.

"Tired?" alalang tanong ni babe na naupo sa tabi ko.

"Hindi naman. Ok lang"

"I know you are. Panay kasi ang asikaso mo sa mga bisita ni Dad.  Sabi ko naman kasi sayo kanina magpahinga ka na" paninita nito.

"Ok nga lang saka minsan lang naman yon" nararamdaman ko ang bahagyang pagkirot ng mga paa ko dulot ng kakalakad, paroot parito.

Hinawakan niya ang paa ko at minasahe.

"Babe? Anong ginagawa mo?" tanong ko dahil parang na basa niya ang nasa isip ko.

"Minamasahe ka. Kaya relax ka lang diyan ok" sabi pa nito saka pinagpatuloy ang pagmasahe sa mga paa ko.

Nakakatuwang pagmasdan si babe habang ginagawa niya yon. Halata naman kasing hindi nito alam ang ginagawa niya. Hinila ko ito sa kamay at pinaupo sa tabi ko.

"Tama na nga. Hindi ka naman marunong" natatawa pang sabi ko.

"I'm trying" sagot naman nito saka nahiga sa lap ko.

Simpleng bonding moments namin ni babe na talagang nagpapasaya sa akin. Yung mga ganitong bagay na hindi ko kayang bilin ng kahit magkano pa. Masaya akong natutunghayan ng malaya ang muka niya, sinusuklay ng mga daliri ko ang malambot niyang buhok, nahahaplos ang makinis niyang muka, sundutin ang butas ng ilong nito. Alam kong hindi na ako ganon kabata para kiligin pero hindi ko maiwasan.

( ano nga kaya kung ginagawa nga ito ni maymay at Edward? Clingy na kasi sila ngayon...patay na :')

At bilang dakilang maharot ang boyfriend ko. Papayag ba naman ito na hindi makaiskor ng halik sa akin.

Tumayo ito at lumuhod sa harap ko habang walang kakurap kurap na nakatitig sa mga mata ko papunta sa labi ko.

Alam ko naman na ang gusto niyang mangyari.

Hindi ko naman siya pinagdadamutan sa gusto niya. Boyfriend ko naman siya kaya wala namang masama.

Hanggang sa unti unti na nga itong papalapit sa muka ko. Langhap ko ang amoy alak niyang hininga pero para sa kin ay mabango parin ito at nakakahalinang amuyin.

At naramdaman ko na ang paglapat ng malambot niyang mga labi sa labi ko. Banayad at puno ng pagmamahal ang bawat dampi ng mga labi niya. Banayad na banayad hanggang sa unti-unting unti itong lumalim at naging mapaghanap. Unti unti akong napasandal muli sa headrest ng sofa. Ang init ng mga labi niya na alam kong kayang tumupok sa pagkatao ko. Ang bawat haplos ng mainit niyang palad sa katawan ko. Naging madiin, malalim ang mga halik nito, ang dila niya na ngayon ay naglalaro sa loob bibig ko. Naghahanap na tila ba may gusto pa itong tuklasin. Ang tamis, yun ang nalalasahan ko sa bawat halik niya. Hanggang maramdaman ko ang bigat ng katawan niyang pumaibabaw sa katawan ko. Mas lalo akong nakaramdam ng kakaibang init sa tagpong yon. Init na hindi nakakapaso kundi mas lalo ko pang gustong maramdaman. Kusang naghanap ang mga kamay niya at naglandas ito papunta sa dibdib ko. Napasinghap ako ng minasahe niya ang nakatago sa ilalim ng damit kong yon,  ngunit hindi iyon naging hadlang para hindi ko maramdaman ang init na dulot ng palad nito. Bumaba ang labi niya sa leeg ko habang ang mga kamay niya ay naglandas patungo sa baywang ko.

Ito ang bagay na iniiwasan ko ,ang hirap palang kalabanin ang kagustuhan ng katawan mo at ang katinuan ng pag iisip mo.

Nakakadarang

Nakakatangay

Nakakahibang

Nakakawala ng tamang pag iisip

Pinsan...

To be continued...

 Regrets from the past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon