Ernest
Napansin kong tila ba hindi mapakali si Heidi. Parang may iniinda itong masakit sa kanya dahil napapangiwi ito.
"Heidi. May problema ba?" Hindi ko na natiis at tinanong ko na ito. I don't love her but I do still have concern lalo nat dinadala niya ang magiging anak ko.
"H-hindi Jake. Sumasakit kasi ang tiyan ko" sagot nito.
Due month niya na ngayon. Kaya expected na namin na anytime ay manganganak na ito.
"Baka manganganak ka na" sabi ko.
"Jakeeee" impit na sigaw niya.
I called my mom na nasa kitchen.
"Bakit?" humahangos na tanong ni mama.
"Manganganak na si Heidi " sagot ko.
"Ganon ba! O sige, isakay mo na sya sa kotse at kukunin ko lang ang gamit nilang mag ina" nagmamadali itong pumanik para kuhanin ang bag na may lamang baby dress. Pati narin ang kay Heidi na naka ready na bago pa man dumating ang dew month nito.
-
"Sir. Here's your baby girl" anang nurse saka nilipat sa mga bisig ko ang munting anghel na hawak nito. Ang anak ko.
"Ang cute" puna ni mama.
"Yeah. She is" saka ko hinaplos ang pisngi nito. Gising na din ng mga oras na yon si Heidi. Hindi naman ito nahirapan sa pagsilang ng anak nila.
"Anong ipapangalan natin sa kanya?" tanong ni mama.
Lumingon ako kay Heidi.
"Ikaw na ang magbigay ng pangalan sa kanya" parang nabasa nito ang nasa isip ko.
Tinitigan ko muli ang anak ko.
"Her name is Ashia. Means hope" sabi ko.
"Ashia! Cute name" komento ni mama.
Nilapag ko ang baby sa tabi ni Heidi, oras na para sa breastfeeding nito.
"Mom, lalabas ako sandali. Kayo na muna ang bahala sa kanila" sabi ko.
May sadya ako ng mga oras na yon. Wala akong nagawa noon, para itama ang lahat. Wala akong proof na maipapakita kay poknat kahit anong gawin ko. It was a private resort at walang kahit isa mang cctv ang naroon. Sa entrance lang ito mayroon at wala iyong silbi para mapatunayan kong walang nangyari sa amin ni Heidi.
"How may I help you?" tanong agad ng doctor na nilapitan ko.
"I need you to do some test" mabilis na sagot ko.
-
"Anak. Saan ka ba nagpunta kanina?" Usisa ni mom pagbabalik ko sa room nila Heidi at ng anak ko.
"Let's talk about it later mom" sagot ko.
"May nililihim ka ba?" muling tanong nito.
I looked at her saka tumayo at niyaya siya sa labas ng room para hindi madinig ni Heidi ang pag uusapan namin.
"Mom. Nagpagawa ako ng test sa isang doctor" sabi ko.
"Test! Anong test?" kunot noo itong tumingin sa akin.
"DNA test" sagot ko.
"Bakit? Nagdududa ka ba na anak mo yon"
"Gusto kong sabahing anak ko nga iyon. Pero ma, alam kong walang nangyari sa amin. Lasing lang ako nang gabing yon. Hindi ko alam kung paano siyang napunta sa room ko at sabihing may nangyari nga sa amin. I don't have any proof. Ito lang ang alam ko"
"Wala ka bang nararamdaman para sa bata?"
"Oo ma. Hindi ko maramdaman yung sinabi nilang lukso ng dugo. Kaya para mas makasigurado ako, I asked someone to do some test. Once and for all, matahimik ako"
"Paano kung positive ang maging result?"
"I would stick to my plan. I will raise our child on my own. Hindi namin kailangang magsama sa iisang bubong. Hindi namin kailangang magpakasal just because we have a child. She can still visit her and be her mom. That's all" Pinal na sagot ko.
"Pero what if negative?"
"I only think of one thing. Find and win her back. I can't live without her. She's my everything mom. And if winning her back is to court her again. I'm willing to do it mom. I have so many plans for us"
"Masama mang sabihin anak pero mas gusto ko sanang hindi mo talaga siya tunay na anak. I know, walang kasalanan ang bata. Pero alam ko sa sarili ko na mas magiging masaya ako kung kay Micah ako magkaka apo. Mahal na mahal ko ang batang yon. Gusto kitang batukan anak"
"Bakit naman?"
"Sira ulo ka kasi. Ang bagal mo. Kung noon mo pa sana pinagtapat na mahal mo siya, edi sana matagal na kayong kasal at may apo na ako. Hindi sana siya nawala sa atin"
"I'm sorry mom. Natakot kasi ako"
"Ewan ko ba sayo. Tapos nagpakalasing ka pa. Ayan, parang napikot ka tuloy"
"I'm sorry. Kung alam ko lang na mangyayari ang lahat ng to. Sana pinikot ko na si Poknat noon pa"
"Sana nga ganon nalang ang ginawa mo. Hay anak. Pero ngayon. Bumalik ka na sa loob. Nandoon ang mag ina mo. Kahit labag sa loob mo. Alalayan mo muna sila habang iniintay mo ang resulta" utos nito.
Tumayo na nga ako at bumalik sa loob ng kwarto. Tulog silang dalawa.
Tinitigan kong mabuti ang bata.
Wala talaga akong maramdaman kahit konti.
Paano kaya kung kami ni Micah ang nasa ganitong sitwasyon ngayon.
Siguro, naglulundag pa ako sa tuwa.
Siguro ako na ang pinakamasayang ama sa buong mundo.
Siguro, punong puno ako ng pangarap para sa mag ina ko.
Pero lahat ng pangarap ko ay nawala dahil sa kamalian ko.
At gagawa ako ng paraan para maiayos ang lahat.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Regrets from the past
Fanfiction08/05/18 -#59 highest rank under Fanfiction Bestfriend...karamay, kasangga. Pero paano kung marealize mong mahal mo pala siya?
