Regrets : part 102

1.9K 115 49
                                    


Hindi ko maintindhan kung bakit unang nag sorry sa akin si Lorent.  Nakahawak si Loraine sa mga bisig nito at iba din ang tinging ipinukol dito ni Poknat.

"May nagawa akong mali sa iyo Micah. Sa inyo ni Ernest. Para mas maiintindihan mo, hayaan mong magpaliwanag si Heidi" sabi nito.

"Micah. Pinsan" Hindi pa man ay umiiyak na ito. Naupo ito sa bakanteng silya, sa kaliwa ko. Nakakaupo na ako kahit papano kahit pa masakit parin ang balakang ko "Ang dami kong kasalanan sayo pinsan. At kahit habang buhay akong humingi ng sorry, sa palagay ko ay kulang pa 'yon. Si-si Ashia, hindi siya tunay na anak ni Jake" Sa ipinag tapat nito ay kumabog ng napaka lakas ang dibdib ko pero hindi ko magawang magsalita "walang nangyari sa amin ni Jake sa resort. Ginawa ko lang yon para maging akin siya. Para mahalin niya ako. Akala ko kasi, pag nagsama kami, matututunan niya din akong mahalin pero hindi. Ikaw parin ang mahal niya. Nung pinanganak ko si Ashia, alam kong mag re-request siya para sa  DNA test. Bago pa man niya nasabi iyon sa doctor ay nauna ko na itong kausapin. Si Pao ang inutusan kong mag abot ng pera sa doctor na kinausap ni Jake. Sumusunod siya sa mga pinapagawa ko kapalit ay pakikipag balikan ko sa kanya.   Hindi niya pa alam ang lahat na siya ang ama ni Ashia dahil ni lihim ko din sa kaniya. Yung perang ibinayad ko sa doctor, ga-galing yon kay Lorent" nang madinig ko ang pangalan ni Lorent ay napalingon ako dito. Napayuko ito at hindi makatingin sa akin "lihim kaming nagkikita noon ni Lorent. Alam niya na may gusto ako kay Jake. At gusto niya, gumawa ako ng paraan para hindi siya maging masaya sa piling mo. Nag sabwatan kami sa maikling salita. Nang magawa ko na ang plano ay nawala na siya. Nawalan narin ako ng contact sa kanya. At bilin din naman kasi niya na huwag na huwag ko siyang tatawagan. Nang umalis ako sa bahay ni Jake, after naming mag usap tungkol sa custody ni Ashia, nagsama na kami ni Pao pero hindi ko parin naipagtapat sa kanya ang tungkol kay Ashia dahil natatakot ako sa pwedeng gawin niya. Siguro, yung nangyaring to, paraan narin para maitama ang lahat. Kinailangan ni Ashia ng dugo, hindi sila nag match ni Jake. Pati ako. Kaya inamin ko na ang totoo, na si Pao ang ama ni Ashia. Si Pao lang din ang ka match ng dugo niya dahil siya naman talaga ang tunay niyang ama. I'm sorry Micah. Jake. Alam ko, walang kapatawaran ang nagawa ko. Kung ipapakulong niyo ako, tatanggapin ko ng maluwag sa loob ko. Gusto kong makabawi sa lahat ng nagawa ko. Lalong lalo na sayo Micah. Sobra kasi ang inggit ko sayo. Sobrang selos. Dahil kahit mga bata pa tayo, ikaw palagi ang magaling. Ang achiever. Ikaw yung palaging binibida sa pamilya natin. Kahit sina mama at Papa, ako ang anak nila pero ni minsan, hindi ko narinig na pinag malaki nila ako. Lagi nila akong kinukumpara sayo. Na mas may mararating ka. Nagtanim ako ng galit sayo. At alam kong mali. Dahil totoo naman, tingnan mo tayo ngayon, malayo na ang narating mo. Nakuha mo ang mga pangarap mo. Kahit ang lalaking pinangarap ko, si Jake. Kahit hindi mo pagsikapang mapanalunan ang pagmamamahal niya ay ikaw parin ang panalo sa puso niya. Sorry kung ngayon ko lang na realize ang lahat. Kung hindi pa ito nangyari kay Ashia, baka hanggang ngayon ay dala dala ko parin ang pagkakamaling ito. I'm  so sorry Micah" humahagulgol na kwento nito habang hawak ng mahigpit ang kaliwang palad ko.

"Micah, I'm sorry. Nagawa ko lang yon dahil may galit ako kay Ernest noon. Ngayon, pinagsisisihan ko ang ginawa ako lalo na at kasal na kami ng kapatid niya. I get mad noong college palang kami. I was so inlove with this girl. Which is close friend niya. At ako, friends din kami ni Ernest pero hindi kami naging close katulad ng kila Aiken at Jess.  Nagtapat ako kay Katelyn, yung friend niya. Pero binasted niya agad ako. I thought, si Ernest ang dahilan kaya inayawan niya ako. We were young back then. Kaya nagtanim talaga ako ng galit sa kanya lalo pat nalaman kong mahal siya ni Katelyn. Hanggang sa nakilala kita, naisipan kong gumanti. And I was so wrong. Sinabi sa akin ni Ernest ang lahat tungkol sa nakaraan, na hindi niya minahal si Katelyn at sinabi niyang bigyan ako ng chance. Maling mali talaga ako and now, nagsisisi ako sa mga nagawa ko. I'm sorry Micah kung pati ikaw ay nadamay sa kababawan ng galit ko" paghingi ni Lorent ng paumanhin.

Walang salita na lumabas mula sa mga labi ko. Ang hirap pala pag sabay sabay mong nalaman ang katotohanan, yung hindi ka naging handa. Nakakabigla. Parang bombang sumabog nalang bigla.

"Sis, I'm sorry. Sorry sa nagawa ni Lorent. Ngayon ko lang din nalaman but still, pinatawad ko siya because I love him" lumapit ito sa kin at may binulong "and forgive my brother too, wala siyang kasalanan. He loves you so much sis"

Nakaalis na silang lahat maliban kay poknat na nananatiling nakabantay sa akin.

"Gabi na pala. Bibili lang ako ng food mo" pagpapaalam nito.

"Kaya ko na Poknat. Umuwi ka na para makapag pahinga ka na" utos ko.

"I'm ok. Hindi naman ako napapagod na bantayan ka. Mabilis lang ako" sabi nito at nabigla ako ng mabilis niya akong hinalikan sa noo hanggang sa mag tama ang aming mga paningin.

Hininga lang ang pagitan ng muka naming dalawa. At ramdam ko ang init ng hininga niya. Ang mabangong hininga nito at ang pabangong kailanman ay hindi niya pinalitan. 

"I love you" mahinang sabi nito at mabilis niyang inangkin ang mga labi ko.

Natulala ako pero hindi ko maitangging na mis ko ang mga halik niya.

Ang malambot na labi nito at ang init na dulot nito sa buong pagkatao ko.

Matapos ang isang mabilis at mainit na halik ay niyakap niya ako ng walang kasing higpit.

"I miss you so much" bulong nito habang masuyong hinahalikan ang buhok ko.

Wala akong masabi kahit isang letra,  basta tumugon nalang ako sa yakap niya.

There are moments that we don't need say anything just to say what's in our heart, actions will speak for it.

To be continued...

Walang nakahula na si Lorent ang kasabwat ni Heidi? Tama ba?

May nagsabing si Eric, mayroong si Kirsten, may nagsabing si Pao.

O siya, panda na ako.

Tulog na si otor...ok na ba ha?

Nakabawi na ba ako?

May hirit pa ba kayo?

 Regrets from the past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon