Namasyal kami sa mall the next day. With Loraine. Si Ernest ang nag drive. Nanood ng movies, kumain sa resto. Nag stroll. Nag shopping. Anything na pwedeng gawin sa loob ng mall...name it. And went back home ng mapagod kaming lahat.
"It was tiring but I'm happy. You had fun?" tanong sa akin ni Loraine.
"I am. I think I need to go. Inaantay ako ni lola sabay kaming mag dinner" sabi ko sabay kuha ng mga pasalubong ko kay lola.
"Ok. See you tomorrow sister" she placed a kiss on my cheeks and so do I.
"Tita uuwi na po ako" nasa kusina kasi si tita that time kasama si Ernest.
"Wait nak. Iuwi mo to kay lola" tawag niya.
Pumunta ako sa kusina at nakita kong pinaglalagay niya sa Tupper ware ang ibang niluto niya.
"Nako tita ang dami naman niyan" tatlong Tupper ware kasi na puno ng lamang pagkain ang naka ready na.
"Nako hayaan mo na. Para hindi ka na magluto pag uwi mo" sabi nito.
"Spoiled!" Sabay dila sa akin ni Poknat.
Hinampas ko siya ng dala kong sling bag.
"Aray...
"Ulitin ko pa gusto mo. Alam mo tita, nagtataka ako. Anak mo ba talaga si Poknat. Ang layo kay Loraine" komento ko.
"We're thinking the same sister " sumulpot si Loraine sa likuran ko.
"See. Kahit si Loraine nagdududa. Anak mo ba talaga to tita. Parang pinaglihi sa sama ng loob" natatawang sabi ko.
"Nak. Kahit ako hindi ko alam" nakikitawa din sa amin si tita.
"Ma. Hindi mo ba ako ipagtatanggol" reklamo nito Poknat.
"Eh kasi naman nak. Sa edad mo na yan, you're acting like a 15 year old boy. Nasa business world ka na pero para ka paring naglalaro. When will you realize that you're grown up. Bukas makalawa mag aasawa ka na. Maging serious ka nga once in your life" mahabang sermon ni tita habang kami ni Loraine ay nasa gilid at pilit pinipigil ang tawa.
"O sige na. Tumawa na kayo. Pinipigil niyo pa eh. Nako" akmang babatukan kami.
"Ma..." sigaw ni Loraine.
"Ernest!" Saway ni tita.
"Uuwi na nga po ako tita. Bukas nalang po ulit. Thank you po dito sa pagkain"
"Sige nak" sagot nito.
"Oy Poknat bukas lagyan mo yan ng favorite ko ha" utos ni Poknat.
"Opo na" pairap kong sagot dito. Favorite niya kasi yung pancake na gawa ko. Saka yung chicken cordon blue. Kahit sila tita gustong gusto yon. Kaya pag nagluto ako, I'll make sure na meron para sa kanila.
I have two families actually. Si lola at sila tita. Well---mas marami nga lang sila.
BINABASA MO ANG
Regrets from the past
Fanfiction08/05/18 -#59 highest rank under Fanfiction Bestfriend...karamay, kasangga. Pero paano kung marealize mong mahal mo pala siya?