Regrets : part 51

1.6K 104 48
                                        

 

Micah

Naka leave na si Fenech last week pa para sa kasal nito. And as expected, ako ang bridesmaid nito. Nagtataka lang ako dahil hindi ko man lang nasilayan ang guest list niya. Nagpatulong pa man din siya sa 'kin pero hindi niya naman pinakita. Hindi ko tuloy alam kung sino ang partner ko.

I look at it, ang gown na design ko mismo para sa mga abay niya at syempre, I'll wear one of it as her bridesmaid.

I look at it, ang gown na design ko mismo para sa mga abay niya at syempre, I'll wear one of it as her bridesmaid

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Not the usual dress na puno ng sequences, I've just created a simple but I'm sure, everyone will love. A Creation of versatility and wearability to make everyone really comfy. A maroon colored, floor length tailored dress. I smiled after I've seen my imagination is finally a reality. This is it.

Maaga ako umuwi this time to prepare na rin para sa wedding. Everything is set and done. Napa deliver narin sa mga abay ang mga damit nila. While kay Fenech ay mas maaga kong dinala sa kanya personally.

It was a beach wedding since ship captain ang fiancée nito. Basta ang alam ko lang ay ang venue ng kasal. Kung sino sino ang mga guest ay hindi ko alam. Gaganapin ito sa boracay. Happy and excited, parang off na rin yon. One day and two nights din ang pag stay ko don. I pack my things up dahil tomorrow na ang byahe ko papunta sa boracay. Hindi kasi ako pwedeng umalis agad sa shop dahil as of now, busy talaga sa ako sa dami ng client.

Hindi rin kami masyado nagkakausap ni Poknat this past few days kaya wala na kaming balita sa isa't isa.

-

"Ma, aalis po ako bukas" pag paalam ko dito bilang para ko na nga siyang tunay na ina " Ano gusto niyong pasalubong?" Taning ko dito. Lumipat ako kila mama ng hapon na 'yon. Nag half day nalang kasi ako dahil tomorrow ay mahabang byahe ang kakaharapin ko at ayaw ko namang muka akong stress sa mismong araw ng kasal ni Fenech.

"Nako wag na anak. Basta makarating ka lang ng safe ok na 'yon" nakangiting sabi nito. Kasalukuyan kaming nanonood ng afternoon drama, wala din si Heidi sa bahay dahil nasa work ito at mamayang gabi pa ang uwi nito.

"Kahit ano po wala kayong gusto? Pagkain or ay alam ko na, souvenir nalang ma. Di ba mahilig kayong mag collect non" suggestion ko.

"Oo. Sige ikaw na nga bahala.  Actually aalis din si Ernest bukas. Hindi ko lang sure kung saan ang lakad niya" sabi nito.

"Baka po out of town meeting. Kilala niyo naman po 'yon. Dedicated sa trabaho kahit siya ang boss" pag segunda ko naman dito.

"Syempre, lalaki siya. Kailangang niyang mag plano para sa future niya at ng soon to be wife niya. Kaya kayod marino ang ginagawa niya. Maswerte ang magiging asawa nya. Mapag mahal, mabait, responsable , yun nga lang. Sablay din minsan, para kasing bata" napapailing ito sa huling tinuran niya at sang ayon naman ako sa lahat ng sinabi niya.

"Ma. Kung si Heidi yon, approved ba kayo," I'm hoping na kung magbago ang naramdaman ni Poknat para sa 'kin, sana si Heidi nalang. I can't forget about the last time na hinalikan niya ako. Hindi ako manhid, alam kong may nararamdaman din siya para sa 'kin and I confirmed that when he said the three words I long to hear. Pero nandoon parin kasi ang takot na baka mabalewala ang lahat kung sakaling maging kami at humantong sa hindi maganda ang maging relasyon namin. They say, it's easy to lose someone you love than losing your bestfriend.  Alam ko, medyo mababaw ang dahilan ko, pero paano kung mangyari nga iyon. Siya nalang ang meron ako, ayaw kong mawala siya sa 'kin ng tuluyan.

 Regrets from the past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon