Regrets : part 41

1.6K 107 14
                                    


Micah

Pagkatapos ng padasal para kay lola ay nagpasya na akong bumalik sa Maynila. Sa dati naming bahay ni lola. Ang bahay na dati ay puro saya at tawanan kahit dalawa lang kami, ngayon ay nababalot ng kalungkutan. Hindi ko parin napag dedesisyonan kung babalik pa ako ng US o hindi na. Hiling ni tita mama na mag stay nalang ako dito dahil malungkot daw pag wala ako.

Ang mga halaman kong kay tagal kong hindi naalagaan ay unti unti nang namamatay. Tuyot na halos ang mga dahon nito.

Malungkot din ba kayo kasi wala na si lola. Iiwanan niyo na din ba ako?

Diniligan ko ito at muling kinausap na para bang naiintindihan nila ako.

Hayan, may tubig na ulit kayo ha. Pag kayo nabuhay, pipiliin ko kung saan ako magiging masaya. Pero pag kayo namatay, gagawin ko kung ano ang sa palagay ko ay tama. Deal yan ha.

"Welcome home anak" biglang sulpot ni tita mama sa likuran ko na may dalang pagkain. Kasama nito si Poknat.

"Salamat ma. Pasok po" pag imbita ko dito. Malinis naman ang loob ng kabahayan dahil may naglilinis dito. Yung bakuran lang ang hindi naalagaan.

"Anak, mamaya, dito kami matutulog ha. Kung ok lang sayo" sabi nito na alam ko namang ayaw lang nila akong mag isa.

"Opo naman ma. Mas ok po iyon para hindi malungkot yung bahay" pilit na ngiting sabi ko dito.

"Halika, kain tayo. Nag bake ako ng lasagna. Favorite mo to di ba"

"Nag abala ka pa po kayo. Nga pala, wala ka bang trabaho Poknat at nandito ka din" sabay lingon ko dito na nakaupo sa sofa katabi ko.

"Meron pero hindi ako pumasok. Nandito ka eh" sagot nito na nagdulot sa 'kin ng konting saya.

"Salamat" nag smile naman ako dito.

"Diyan muna kayo. May kukunin lang ako saglit sa kabilang bahay" paalam ni tita mama.

"I'm happy that you're here now. Wag ka na sana umalis ulit" bulong ni Poknat dahil magka dikit lang kami sa sofa.

"Hindi ko pa alam eh. Pinag iisipan ko pa ang tungkol don. Bahala na" sagot ko dito saka humilig sa balikat niya.

When you're close to me, I can feel that I'm really home. You're my home Poknat.

I close my eyes at mas pinifeel ko habang magkalapit kami ng ganito. His masculine scent na hindi nagbago through years.

"Still your favorite perfume" sabi ko.

"Oo naman. Ikaw ang pumili nito di ba. Pag ito ang gamit ko, I can feel that your just close to me kahit nung malayo ka. At never kong papalitan ang pabangong 'to" sabi nito na nagpakilig sa 'kin.

I remember na ako talaga ang pumili ng brand ng pabango niya. Nagtalo pa kami noon pero ako din ang nasunod.

"Talaga lang ha. Paano kung magka girlfriend ka tapos ayaw niya ng amoy mo?" tanong ko dito.

"That won't never happened. Yung babaeng espesyal para sa 'kin. Gustong gusto ang amoy ko" sagot nito at tila may humiwa sa puso ko.

Si Heidi.

Ang babaeng espesyal para sa kanya.

To be continued...

 Regrets from the past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon