Regrets : part 96

1.4K 82 38
                                    

As I said...kita kits nalang sa ending...

Unedited

Ernest

Few days from now ay kasal na ni Loraine. Sa hotel ang reception pero may handaan ding magaganap sa bakuran namin. Only for our closest family and friends.

I looked out at natuon muli ang tingin ko sa bahay ni Poknat. It was still the same. As clean as before. Pero may renovation na ginagawa.

Inaayos ang bakuran nito at nilalagyan ng mini playground.

At inayos din ang isang importanteng parte ng bakuran na iyon.

Napangiti ako nang matanaw ko iyon.

It will stay kahit wala ka na.

"Hey, what are you thinking?" taong ni Loraine mula sa kung saan.

"Nothing" mahinang sagot ko.

"Mahal mo parin siya no" napalingon ako sa sinabi nito.

"Pero wala na siya. And it's all my fault" sagot ko.

"Bakit di mo siya hinanap?"

"What for? Paano kung may iba na siya? Paano kung may mahal na siyang iba? Kung may pamilya na siya. Ayaw kong makagulo pa sa kanya. I've hurt her so much and I can't bear to see her hurting more because of me"

"What if magkita ulit kayo?" napalingon muli ako sa tanong nito.

"I don't know. Mahal ko siya. Mahala na mahal ko parin siya after all this years. Siya lang ang minahal ko. At masakit sa akin kung makita kong may pamilya na siya, na masaya na siya pero wala akong magagawa. Kasalanan ko kung bakit nawala siya sakin. Karma ko siguro to" sabi ko.

"What if wala parin siyang pamilya. I mean, kung single parin siya. Na mahal ka parin niya"

"Then I'll marry her. If I need to court her again, gagawin ko just to win her back. Pero malabo na yon" nakaramdam muli ako ng lungkot. Nang malaking kakulangan sa pagkatao ko "It's been six years at marami nang nangyari. At hindi niya na ako matatanggap pang muli dahil may anak na ako. She hated me kahit hindi niya sinabi yon. Masyadong malaki ang nagawa kong kasalanan sa kanya. If she's happy now, kailangan kong tanggapin yon. Maybe I'll stay in love with her hanggang mamatay ako" mahabang sagot ko dito.

"Don't worry. Your heart will soon meet his match" sabi nito.

"What?" kunot noong tanong ko.

"Wala. Ang sabi ko, tara na sa loob, kanina ka pa hinahanap ni Ash"

-

Two days before the wedding

We're about to eat our dinner when Loraine came. Galing siya sa hotel kung saan nag stay si Lorent kasama ang family and friends nito.

"Mom, dad, Ernest. I have a guest and I asked her to stay here" sabi ni Loraine.

"Where is she? Tell her to come in" utos ni Dad.

Nakatalikod ako kay Loraine ng mga oras na yon. I'm started eating with Ash beside me.

"Hey, come here. Don't be shy ano ka ba" narinig kong sabi nito sa kasama niya.

Then I heard footsteps behind me.

I looked up at nakita kong natigilan sina mom and dad. Nakatitig lang sila sa kasama ni Loraine.

Slowly, pumihit ako paharap kay Loraine at nang makita ko kung sino ang kasama niya ay biglang tumigil ang mundo ko habang kay bilis ng pintig ng puso ko.

Totoo ba ang nakikita ko? 

Am I not dreaming?

Is she really here standing in front of me?

"Kamusta po" nagsalita ito at doon ko lang napatunayan na totoo ang lahat. Nandito siya. Lumapit siya kay mom at dad para batiin ang mga ito. Nakasunod ang mga mata ko sa bawat galaw niya.

She's getting even lovelier.

"Hi" sabi nito saka idinikit ang pisngi niya sa pisngi ko.

Para akong tanga na nakatulala. Alam ko ang nangyayari pero tila ayaw mag function ng utak ko ng mga oras na yon.

Ang babaeng matagal ko nang gustong makita ay narito at kasama namin.

Hindi na ako teenager pero ang tibok ng puso ko ay tila ba para sa isang binatilyo na noon pa lamang na inlove.

Yung tipong love at first sight.

I'm juts watching her.

Yes I'm watching her.

Every moved she make.

Hearing every word she said.

Once again, I fall for her.

At mas higit ngayon.

She affected me in so many ways nang hindi niya alam.

"Hey" Loraine snap her fingers in front of my face.

"W-what? " I'm stuttering.

"Kanina pa kami nagsasalita but it seems like you're on your own world" natatawang sabi ni Loraine.

"How's flight nak?" tanong agad ni mom at pansin kong mahigpit ang pagkakahawak nito sa mga kamay ni Poknat.

I missed her and I know my mom missed her too.

"Ok lang po" mahinang sagot nito na nakangiti. She looked at my way pero hindi niya inaalis ang mga ngiti sa labi niya.

I missed her smile.

"Let's eat first, mamaya na tayo mag kamustahan. Coz it will take long" sabay ngiti ni Dad.

"He's right. Kain na anak. Here, it's your favorite" ipinag lagay pa ito ni mom ng kanin at ulam.

Sana ako ang gumagawa niyan para sayo.

Naging magana ako sa pagkain na para bang bumalik ang appetite ko. Bawat subo, isang sulyap sa muka nito.

Tila ba siya ang favorite na ulam ko na sa tuwing titingnan ko ay napaparami  ang kain ko.

"Dad, can I have some fish"

"Daddy!" malakas na sabi ni Ash.

"What?" nagulat pa na tanong ko.

"I want some----napatingin ito kay Micah kaya hindi natapos ang sinasabi nito "It's her" sabay turo nito kay Micah. 

Lahat sila ay napatingin kay Ash.

To be continued...

 Regrets from the past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon