Regrets : part 49

1.6K 101 21
                                    

Hindi po muna ako mag reply :') basta...basa lang po muna kayo ✌

Micah

"Care to tell me what happened" bungad ni Fenech ng pumasok siya sa room ko. We shared in my room dahil nga nandito si Heidi.

"Anong sasabihin ko" pakunwaring tanong ko dito habang nakahiga sa gilid ng kama.

"I know you ok. May nangyari kanina di ba. Nawala ka, si Ernest then pati si Heidi...anong nangyari?" ulit nito.

"We-----hindi ko maituloy ang sasabihin ko.

Una palang, nang halikan niya ako, alam kong iisa lang ang nararamdaman namin ni Poknat. Pero paano yung feelings ni Heidi. Mahal siya nito. At ayaw ko talaga siyang masaktan ulit. Yung mga takot ko. Mahirap isugal ang friendship na mayroon kami once na I level up namin yon into something romantic. Maraming pwedeng mangyari. I was like holding two worlds in one hand at kailangan kong pakaingatan na baka may mahulog sa pagkakahawak ko. Those what if's  na hindi  maalis alis sa isip ko, specially saheart.

"Come on.  Spill it. It may help you. I'm here to listen" pangungumbinsi ni Fenech.

"We----we kissed" finally I voice it out.

"Really! So how was it. Did he tell you na mahal ka niya?" bakas sa muka nito ang saya para sa akin.

"He wanted to pero pinigilan ko" pag amin ko.

"Ano? Pero bakit? " ngayon nama'y salubong ang kilay nito.

"Mahal siya ni heidi"

"So ano? Magpaparaya ka na naman. Just like the first one, kay Tanner. Pero ok lang yon eh. Hindi mo naman siya mahal. Pero yung kay Ernest, iba girl. I can see the way he looks at you. Mahal ka nong tao at alam kong mahal mo di  siya. That was so obvious. So how come na mag give way ka na naman"

"I've made a promise to her na hindi di ko na siya hahayaang maskatan ulit. She's like a sister to me. Pinsan ko din siya" pagtatapat ko.

"Nung mag promise ka sa kanya, hindi mo pa mahal si Ernest for sure. Pero iba na ngayon, mahal mo na yung tao. A promise can be broken. And she can handle herself Micah. She's matured enough to handle everything. Don't sacrifice your happiness because of her"

"I don't know. Naguguluhan ako. Actually natatakot ako. Iyon ang mas inaalala ko. What if maging kami. Then mag away kami for some reason. I might lose a friend and the person I love for so many years"

"Nothing is sure in this world Micah. Kailangan mong sumugal. Para maranasan mo yung happiness na matagal mo nang hindi nararamdaman. At si Ernest ang magbibigay sayo non"

"Isang buwan lang Fenech. Yun lang ang hiningi niya. If walang mangyari, maybe we'll try. Susugal ako. Bahala na"

"Good. And sure ako, you two will end up together and will live happily ever after"

"Walang ganon girl. Life is not a fairy tale"

"Whatever"

-

After that night. Nung hinalikan niya ako ay gumagawa na ako ng paraan para maiwasan siya. Nagpapaka busy ako sa trabaho at sumasama ako kay Fenech sa pag aasikaso para sa kasal nito. Aalis ng maaga at uuwi ng hating gabi na. Kaya hindi narin kami masyado nagkikita ni Heidi.

Araw ng linggo, kailangan kong laban ang mga damit ko at mag linis narin ng bahay. Hindi narin ako pwedeng sumabit sa lakad ni Fenech dahil dumating na ang fiancee nito. Sila na ang nag aasikaso sa mga dapat pang ayusing detalye para sa kasal nito.

 Regrets from the past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon