MicahMabilis na lumipas ang mga araw at unti unti na kaming nagiging ok ni Eric.
Unti unting bumalik ang dati naming samahan. Hindi na siya nag ungkat pa ng tungkol sa nararamdaman niya para sa akin.
Napansin ko nang may kausap ito sa cellphone nang umagang yon at unti unti ang naging pag ngiti nito.
Hindi man niya sabihin ay parang alam ko na ang dahilan ng mga ngiti nito.
"Micah" tawag niya sa akin
"Yes" kunwaring wala akong alam.
"She wants me back" balita nito.
"What are you waiting for?" sabi ko naman.
"At the end of the month. Im going back to states" sagot nito na hindi mawala ang ngiti sa labi.
"Goodluck. And pagbalik mo, sana forever na kayo ha. Kung magkaka problema ulit. Pag usapan niyo. Wag ka nang lalayo. Mas mahirap kasi" payo ko.
"Thanks Micah" tumayo ito at yumakap sa akin. Na ginantihan ko naman. I knew it na maayos din ang lahat.
-
Kung ang pagsasamahan namin ni Eric ay bumalik sa dati. Unti unti naman akong may napapansin kay babe nitong mga nakaraang araw.
Madalas itong tila may malalim na iniisip.
"Ma" lumipat ako ng gabing yon sa bahay nila babe. Nagluto ako ng pork sinigang na paborito ni babe. Baka nag iisip lang ito sa trabaho at baka may maitulong ang niluto ko.
"Nak. Pasok ka. Dito ako sa kusina" pumunta nga ako sa kusina at sakto naman na naghahain si mama ng pang hapunan.
"Timing pala ang paglipat ko ma. May dala akong sinigang" saka inilapag sa gitna ng lamesa ang dala kong ulam.
"Salamat nak. Ikaw na nga tumawag sa boyfriend mo. Nasa kwarto. Kanina pa nakakulong simula ng dumating" sabi nito.
"Ma, may sinasabi ba siya sa inyong problema? Nitong mga nakaraang araw po kasi parang palaging may iniisip. Ayaw ko naman na magtanong. Gusto ko po kasing kusa siyang magsabi " sinabi ko ang mga napupuna ko.
"Hindi nga nagsasalita kaya hindi ko alam ang problema. Sa tuwing tatanungin ko naman, wala daw. Ok lang daw siya. Ikaw nga ang magtanong, baka sakaling magsabi na sayo. Nag aalala na di ako sa batang yon. Hindi ako sanay na ganon yon. Tahimik. Kakain tapos pupunta sa kwarto. Halos hindi na ako kibuin " sentimyento ni mama.
"Sige ma. Puntahan ko lang po sa kwarto" sabi ko saka pumanik ng hagdan at tinungo ang kwarto nito. Pero naka lock yon. Bagay na hindi nito ginagawa noon.
Ano bang problema mo babe? Bakit ayaw mong magsabi?
Kumatok muna ako bago nagsalita "babe"
Pero walang sagot mula sa loob ng silid nito. Kaya inulit ko ang pag tawag dito.
"Babe. Ako to. Can we talk?" mahina ngunit alam kong sapat yon para madinig niya.
Isa
Dalawa
Tatlo
Apat
Lima
Limang minuto pero walang lumalabas sa kwarto nito. Ni sagot ay wala.
Tumalikod na ako.
Bigo ako.
Ako na girlfriend niya ay ni ayaw niyang harapin.
May nagawa ba ako? ---tanong ko sa sarili ko.
"Babe"
Halos pabulong pero nadinig ko ng malinaw ang pag tawag niya sa akin kaya lumingon ako at bumalik sa harap ng kwarto nito na noo'y nakabukas na at nakatayo siya sa bukana nito.
"Babe. Can we talk?" sabi ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papasok sa loob ng silid nito.
Pinaupo nya ako sa gilid ng kama. Tumabi naman ito sa akin. Pero hindi parin siya kumikibo.
Kaya ako na ang nag lakas loob na mag umpisa.
"Babe, may problema ka ba? Pwede mo naman akong kausapin o kaya si mama. Wag lang ganito. Yung tatahimik ka lang. Nag aalala kami. Lalo na ako"
Pagkasabi non ay nahiga ito sa kandungan ko.
"Pamasahe naman ng ulo ko babe. Sumasakit eh. Sorry ha. Kung nag alala ka. Kayo ni mama. May problema lang sa kompanya pero inaayos ko na" sagot naman nito kaya kahit pa paano ay nakontento na ako.
"Bakit di mo agad sinabi para naman matulungan ka namin. Nandito ako babe, kung anong problema mo. Katuwang mo ko. Huwag kang maglilihim sa akin ha dahil pag inulit mo pa yan. Lalo akong magtatampo sayo" paalala ko habang minasahe ang sintido nito.
Tumitig ito sa muka ko. Sinabi niya ang problema niya pero batid kong may hindi pa siya sinasabi at ayaw kong pilitin siya.
Tahimik lang ito habang minamasahe ko ang ulo niya.
Maya maya ay hinawakan niya ang muka ko.
"Babe, mahal na mahal kita" batid kong naglalambing ito.
"Mahal na mahal din kita babe" saka ko siya kinintalan ng halik sa labi.
"Babe. Kung---kung may magawa ba akong kasalanan sayo. Mapapatawad mo kaya ako?" Ano ano'y naging seryoso ito. Ramdam kong mayroon talaga siyang mabigat na problema na hindi niya masabi sabi kaya sinasarili niya. Bakas sa mga mata nito ang bigat non. Nawala ang kinang nito sa tuwing kausap ako. Ang mga matang gustong gusto kong tinitititgan. Ang mga ngiti niyang parang naka reserba na ngayon.
"Depende" maikling sagot ko "pero mahal kita. Kaya kahit ano pa yan, alam ko. Maiintindihan kita. Pwedeng masaktan ako pero kakayanin ko. Dahil ayaw kong makita kang nasasaktan. Mahal kita na tipong kahit masakit pa para sakin kung ano man yang dinadala mo diyan sa puso, iintindihin ko" mahabang paliwanag ko. Matapos non ay tila ba bahagyang lumiwanag ang aura nito. Nakaka ngiti na muli siya.
Tumayo ito at saka lumuhod sa harap ko na titig na titig sa mga mata ko.
"Pag sinabi ko sayo, sana pakinggan mo akong mabuti. Pakinggan mo muna ang paliwanag ko. Pero hindi muna ngayon babe. Hindi ko pa kaya. Basta dito ka lang sa tabi ko ha. Wag mo akong iiwan" pakiusap nito.
"Pangako babe. Dito lang ako. Kapag ready ka nang sabihin ang gumugulo sa puso mo, nandito lang ako, makikinig sayo " sagot ko.
Yumuko ito at pinaglapat ang aming mga labi.
Banayad na tila ba nangangapa.
Tila ba may takot.
Na mis ko ang halik niya. Ang init ng pagmamahal niya kaya tinugon ko ito ng buong pagmamahal.
Muli ay naramdaman ko ang bigat ng katawan nitong pumaibabaw sa katawan kong nakahiga na sa kama niya habang magka hinang parin ang aming mga labi.
Tumigil ito.
Nakatunghay lamang siya sa muka ko. Tila ba pinag aaralan niya ang bawat parte ng muka ko.
"Mahal na mahal kita" bulong nito.
"Mahal din kita" tugon ko.
At muli ay naglapat ang mga labi naming sabik sa isa't isa .
To be continued...
BINABASA MO ANG
Regrets from the past
Fanfic08/05/18 -#59 highest rank under Fanfiction Bestfriend...karamay, kasangga. Pero paano kung marealize mong mahal mo pala siya?