Happy 16k...maraming Salamat po :')
Micah
"So nung umalis ka magkasama kayo?" tanong agad ni Heidi ng makauwi na kami sa bahay.
"No. Hindi ko alam na doon din pala siya pupunta. It happens na friend niya din pala yung groom ni Fenech" sagot ko. Nakaupo kami sa sofa ng mga oras na yon at nagpapahinga.
"Really. Kakatuwa naman. Pero seriously pinsan, masaya ako para sayo. Congrats ha" nakangiting sabi pa nito saka yumakap sa akin.
"Thank you. Hindi ka ba galit? I mean, I've made a promise to you dati di ba. Na hindi kita hahayaang masaktan and yet nagawa ko parin"
"Ano ka ba? Hindi mo naman kagustuhan yon. Si Ernest ang may alam sa gusto ng puso niya hindi ikaw. Siya din mag de-decide para sa sarili niya. Ano magagawa ko kung hindi talaga pwede. Nag try naman siya pero wala talaga. And I'm sorry kasi alam kong nasasaktan ka na ng mga oras na pinagtatabuyan mo siya palapit sakin. You sacrifice your happiness for me. Kaya mas dapat akong mag sorry"
"Ok lang yon. So----ok ka lang talaga ha?" Ulit ko pa.
"Unli ka din no. Pero dapat treat mo ako one day" natatawang sabi pa nito.
"Sure yun lang pala"
"Love you pinsan"
"Love you too Heids" sagot ko.
-
Nakahinga na ako ng maluwag after naming mag usap kanina ni Heidi. Akala ko kasi talaga, masasaktan siya pag nalaman nitong kami na. Tanaw si babe, everything will be alright. Sana talaga, wala na kaming maging problema pa. Happy lang.
Pipikit na sana ako ng mag vibrate ang phone ko.
Babe, tulog ka na ba? - babe
Hindi pa. Bakit gising ka pa? - me
Naiisip kita. Turn your lights on para makita kita bago ako matulog - babe
Huh? Bakit? Nasaan ka ba? - me
Open your window - babe
Tumayo ako at pumunta nga sa bintana at nakita ko itong nasa may bintana ng kwarto niya. Kumaway ito.
Anong ginagawa mo diyan? Late na babe - me
Gusto lang kitang makita before I go to bed. Mis na kita - babe
Sos. Kanina lang tayo magkasama, mis agad. Pero Mis din kita - babe
Punta ako diyan babe...pwede? - babe
Late na ano. May trabaho pa tayo bukas - me
Nakayuko ako habang nag ta-type ng reply ko ng may tumawag sa akin galing sa may kalsada. Sa tapat ng gate ng bahay namin. Kumaway ito na tila pinabababa ako.
Si babe :')
Alanganin man ay bumaba na nga ako.
Pagkabukas ko ng pinto ay nasa harapan ko na agad ito at mabilis akong ikinulong sa mga bisig nito.
"Ano bang drama yan babe. Kanina lang tayo magkasama" sabi ko.
"Mis lang kita. Parang ayaw kong mawawala ka sa paningin ko"
"Nako baka magsawa ka agad sakin pag ganyan. Ok na din yung ma.mis mo ako"
"That won't never happened babe. Ilang years na tayong magkasama. Nagsawa ba ako sayo"
"Malay ko. Iba kasi noon, iba ngayon"
"Pareho lang yon"
"Yayakapin mo lang ba ako kaya ka pumunta dito. Ok na. Nakayakap ka na. Uwi ka na para makapag pahinga ka na" utos ko.
"Five more minutes babe. Gustong gusto ko lang na yakapin ka"
"Ok. Five minutes"
Nananatili nga kami sa ganong posisyon na alam kong higit pa sa minutong hinihingi nito.
"Times up. Uwi ka na" pagkalas ko sa yakap nito.
"Sige na nga. I love you" sabay dampi ng mga labi niya sa labi ko.
"I love you too. Sweet dreams " sabi ko pa.
"See you in my dreams" sabi pa nito habang palayo at kumakaway pa.
"Corny" nakangiting sabi ko saka isinara ang pintuan.
Kabaduyan nga naman...ganito ba talaga pag na inlove ka.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Regrets from the past
Fanfiction08/05/18 -#59 highest rank under Fanfiction Bestfriend...karamay, kasangga. Pero paano kung marealize mong mahal mo pala siya?