MicahHalos magdapit hapon na nang makarating ako sa boracay. It was truly a very tiring day. Buti kinaya ko pa. Sana pala, nag plane nalang ako.
My phone vibrated..
Saka ko ibinalik ang phone ko sa shoulder bag na dala ko.Naglakad lakad na ako at mabilis ko namang natagpuan ang meeting place namin ni Fenech.
"Hey" I greeted her with a smile nang makita ko kaagad siyang nakatayo at nag iintay sa akin.
"Tired?" puna agad nito.
"Kinda. Where's you're fiance? Or husband to be exact?"
"Nag ikot ikot kasama ang ilang friends niya. Gusto mo munang magpahinga?"
"Definitely. Saan ba room ko?" agad na tanong ko.
"Girl. May konting problem eh" singit nito.
"Ano naman? Don't tell me mag back out ka" tinaasan ko ito ng kilay.
"What?----of course not. That's not the problem"
"Then what?" As I crossed my arms.
"May ka share ka sa room. Fully booked daw kasi ngayon. Peek season you know" sabay ngiti.
"Ok lang.. Tara na. And kain muna tayo. Kanina pa nagrereklamo yung mga bulate ko sa tiyan" hinila ko na agad ito para ma ilagay ko na ang konting gamit na dala ko sa magiging room ko.
-
Nagpahinga lang ako ng ilang oras at bumangon na rin dahil mag di-dinner ako kasama ang fiancee ni Fenech at ilang kaibigan nito. Kasama rin ang mga parents nila.
I've met her fiance sa dinner and honestly, mabait siya. Even his friends. Sina Luke, Lorent at Jess. Puro gwapo din in fairness. Pero syempre, masaya gwapo yung Poknat ko ay hindi pala akin.
Talking bout random things at nauwi sa akin ang topic.
"So, why still single?" matamang nakatitig sa 'kin si Lorent.
"I'm happy being single" nakangiting sagot ko naman dito.
"No one is happy being single. Bakit, may inaantay ka ba?" Tanong muli nito.
"Actually Lorent----si Fenech "Tama ka. May inaantay siya" sabay kindat sa 'kin.
"Wow, lucky guy ha" Si Jess naman ang nagsalita.
"You're pretty. Bakit nag aantay ka pa? Malay mo, ako na pala ang inaantay mo?" Ma preskong banat ni Lorent.
I just rolled my eyes. Oo, kung sa itsura. Pasado siya. Pero wala eh, ni hindi nga ako kinilig sa mga patutsada niya.
"Sorry but I'm not interested" pairap na sagot ko dito. Sa totoo lang, unti unting nasira ang gabi ko na sana eh maganda na nung una.
"Ano pre, basted agad ah" pang iinis ni Luke.
"Shut up" Lorent hissed.
"Oy tama na kayo. Nasa harap ng pagkain. Magsikain nalang kayo at tigilan niyo si Micah. She's taken ok" sabad ni Fenech.
"Oh, akala ko ba single? Paanong naging taken?" Naguguluhang tanong ni Jess.
"Hindi pa sila pero mahal nila ang isa't isa. Yun yon. Kaya tigil tigilan niyo ang mga patutsada niyo. Hindi na yan e-effect" muling sabi ni Fenech dito kaya nanahimik na lamang ang mga ito. Pero si Lorent ay hindi parin inaalis ang mga titig sa 'kin at naiilang ako.
Once we're done, nagpaalam ako kay Fenech na babalik na sa room ko. Nasira ang good mood ko. Nahiga ako saglit ng biglang pumasok sa isip ko si Poknat.
Ano kayang ginagawa niya? Magkasama kaya sila ni pinsan?
I checked my phone kung may message ito pero negative. Napa buntunghininga na lamang ako. I decided na maglakad muna sa tabi ng dagat para magpahangin. Ang daming tourist kahit pasado alas nwebe na.
Naupo ako sa buhangin at nagmuni muni.
Sayang, kung kasama ko lang siya, sana hindi boring ang gabing to. Kulit pa naman niya. At wala sanang Lorent na mang iinis sa 'kin.
"Coffee for your thoughts"
Lumingon ako at napairap nalang ng mapagtanto kung sino yon.
"Anong ginagawa mo dito?" walang ganang tanong ko kay Lorent na naupo pa sa tabi ko.
"Wala lang. Nakita kasi kitang papunta dito kaya heto sinundan kita" sagot naman nito sabay abot sa 'kin ng kapeng dala nito.
Kinuha ko naman para hindi mapahiya.
"About what happend a while ago----sorry kung na inis ka. It's just first time" paliwanag nito.
"First time? First time na ano, na nabasted ka sa harap ng ibang tao" sagot ko naman dito.
"Kinda. But is it true? May hinihintay ka ba talaga?" He sounds serious that time.
Hindi ako sumagot, bagkos uminom na lamang ako ng kape.
"Sorry. I think it's too personal. Pero if ever na wala, manliligaw ako ha" mabilis na sabi nito.
"Wag nalang. Wala kang pag asa. Sayang lang oras mo sa 'kin" diretsong sagot ko dito.
"Aray naman" sabay hawak nito sa tapat ng puso niya "Ikaw palang. Alam mo ba 'yon. Ikaw palang ang gumawa nito sa 'kin. Two times na nabasted. I hate you na" maarteng sabi nito.
"And I hate you too" but I'm smiling.
"Iba ka pala. Iba sa lahat ng babae. Swerte naman ng lalaking mahal mo. Sana ako nalang siya" sabi pa nito.
"Malabo. Mas gwapo siya sayo" pang iinis ko pa dito.
"Kaya naman pala. Sana makilala ko yan at ipapakita ko sayo kung sino ang mas gwapo sa 'min" taas din talaga ng bilib nito sa sarili.
Napailing nalang ako sa kausap ko.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Regrets from the past
Hayran Kurgu08/05/18 -#59 highest rank under Fanfiction Bestfriend...karamay, kasangga. Pero paano kung marealize mong mahal mo pala siya?