MicahIt's Saturday. Plano kong mag me and my bed time maghapon. Matulog lang. I just misses cuddling with my teddy bears. Most ay galing lahat kay Poknat. Well---yung iba galing sa suitor noon. But now, ayaw ko muna. Kung anong dahilan, puso ko lang ang nakakaalam.
Bumangon lang ako saglit para uminom ng tubig then balik ulit sa kama ko. Si lola naman ay mamaya pa din gigising. Kaya magpapakasarap ako sa pagtulog at pamamahinga.
Unti unti ulit akong dinalaw ng antok hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.
Ernest
"Poknat" mahinang tawag ko habang papasok sa bahay nila.
Nakita ko si lola sa may garden nila. Pinagawa talaga yon ni Poknat. Mahilig kasi siya sa mga halaman. She even gave names to it. She even told me na, hanggat buhay ang mga halamang itinanim niya, patuloy siyang magiging masaya. Kaya sobra sobra kung alagaan niya ito pag may free time siya.
"Lola, si Poknat po" bati ko dito, nagmano sabay tanong narin.
"Nako nandoon pa sa kwarto. Tulog na tulog pa " sagot naman nito.
"Puntahan ko lang po lola. May lakad po kami mayang gabi lola. Baka late na kami makauwi" paalam ko.
"O siya, bahala ka na don. Matanda na kayong pareho" pagtataboy nito at pinag patuloy ang mga dating ginagawa ni Poknat sa mga halaman niya.
Pagpasok ko ay diresto agad ako sa kwarto niya.
Never talaga nag la-lock ng kwarto ang babaeng to. Paano kung may ibang pumasok dito. Tapos aabutan mong naka sexy shorts lang siya and loose shirt. Kung naiba lang baka may nagawa na ako sa kanya. Hay Poknat. Babae ka parin ano ba?
"Poknat" mahinang tawag ko dito.
Gumalaw naman ito pero hindi nagmulat ng mga mata. Tuloy parin sa pagtulog. May sinasabi pa itong hindi ko naman maintindhan.
"Poknat" ulit ko habang tinatapik sa braso nito.
"Vdhsvbsjavsh" sabi nito.
"P.O.K.N.A.T " sigaw ko na.
"Ay Poknat na malandi " balikwas niya sa higaan.
Nang makita niya ako ay pinaningkitan niya ako ng mga mata.
"Poknat, ano ba? " sabay balik sa higaan nito
"Saturday ngayon. Bed time ok. Layas" pagtataboy nito pero hindi ako umalis. Mas lalo ko siyang ginulo para bumangon na. I didn't have my breakfast yet. I missed her pancakes."Poknat. Nagugutom ako" parang batang sabi ko dito saka tumabi sa kanya.
"Poknat, may bahay ka. Magpaluto ka kay tita" sagot nito habang nakapikit.
"Mis ko na yung pancakes mo Poknat. Bangon na please. Ipagluto mo na ako. Saka may lakad tayo this night remember " paalala ko.
"I'm not going. Mag sama ka nalang ng ibang date. Wag ako please. Me and my bed time muna this whole day" sagot muli nito na hindi parin talaga nagmulat ng mga mata.
"Nope. Sasama ka sa ayaw at sa gusto mo. Alam mo naman na nandoon si Kristine. Hindi ako lulubayan non. Pag nandoon ka, I'll have a peace of mind. Kaya sasama ka" sabi ko pang muli.
"Ayaw"
"Ayaw mo ha. Ayaw mo din bumangon diyan. Let's see kung hindi ka magising sa gagawin ko" tuloy bangon ako at binuhat siya.
Pag ayaw niya kasing bumangon, binubuhat ko siya sa banyo nila at tinatapat sa shower. Kaya sa ayaw at sa gusto niya, mapipilitan siyang gumising.
"Oo na. Babangon na. Next time mag lock na talaga ako ng kwarto. Isa kang matabang hadlang sa mga babaeng gustong makapiling ang kama sa buong maghapon" mahabang litanya nito na hindi ko halos maintindihan ang ibig sabihin.
"Wala akong naintindihan Poknat. Tara na, I'm craving for pancakes" sabay hila ko dito pababa sa kitchen nila.
"Buntis ka ba Poknat? Daig mo pa naglilihi. Sino ina niyan?" pang iinis pa nito.
"Ikaw. Kaya pananagutan mo. Ipagluto mo na ako pancake. Pupunta pa tayo sa shop para makapili ka ng dress mo mamayang gabi"
"No need. May maisusuot naman ako" sabi nito saka dumiretso sa banyo nila.
Paglabas ay nakahilamos na ito at naka messy bun ang buhok.
She's pretty and she doesn't even know it. Kailangan pasado sa akin pag may nanligaw sa kanya----or babakuran ko para walang manligaw.
Good idea
Author's note
Iniisip ko baka wala magbasa ng story na ito kaya wala ako balak ituloy. Pero since nag aantay kayo ng update. Heto na po. Hope you like it. And sana ma enjoy niyo.
@shhsturmfrei
BINABASA MO ANG
Regrets from the past
Fanfiction08/05/18 -#59 highest rank under Fanfiction Bestfriend...karamay, kasangga. Pero paano kung marealize mong mahal mo pala siya?