Micah"Hi" bati sakin ni Eric that morning.
"Hi, aga mo ah" puna ko dito. Malapit lang kasi sa mismong shop yung house na tinutuluyan niya. The same house kung saan dati tumutuloy si Fenech.
"Yup. Masanay ka na, I'm always like this. Early as a bird" nakangiting sagot nito.
He seems nice. Yung tipong magaan palagi ang awra niya. Palaging naka smile.
"Wow, that's great. I mean, maaga tayong matatapos sa trabaho pag ganyan" sabi ko naman saka naupo na swivel chair paharap sa table ko. We shared the same room. Malaki iyon, maluwang ang space kaya kasya naman kami. Yung dating table ni Fenech, yon na din ang ginagamit niya. Naligpit niya na din ang mga naiwang kalat ni Fenech noon.
"Matagal na kayo ng boyfriend mo?" casual na tanong nito habang pinag aaralan nito ang mga sales namin this past month.
Inilabas ko na muna ang sketch pad sa drawer ko para makapag umpisa na ng trabaho saka ko siya sinagot " Week palang. Pero I've know him for decades. He's my childhood bestfriend" kwento ko naman dito. I can't feel any awkwardness sa pagku kwento tungkol sa amin ni babe. And Eric, he seems like a good listener.
"Really!" pansin kong biglang nagbago ang expression niya.
"May nasabi ba ko?" pagtataka ko.
"Wala naman. My stories kasi, are just like yours"
"What do you mean?" Naging interesado ako bigla.
"Si Hope. Bestfriend ko din siya pero high-school days na. Hanggang college days kami parin ang magkasama. Then, I realized na I like her more than a friend. I told her and she confessed na she felt the same way. Kaya ayon, naging kami. Masaya naman kami nung una until may nagbago. She was a jealous type. Maganda naman siya pero mababa ang self esteem niya. Basta may babae around me, nagseselos siya. Hindi ko naman yon miiwasan dahil I'm a freelance photographer back in US. Kaya I need to interact with people around me pero yon nga, yun ang naging dahilan ng away namin yung sobrang pagseselos niya. Nasakal ako kaya nag break muna kami. That's why I'm here. I need space. Gusto ko lang naman, ma realize niya na kahit naman gaano pa kadami ang babae sa paligid ko, siya lang naman ang nakikita ko. Na siya lang ang mahal ko" mahabang kwento nito.
"Eh pano na yan, magkalayo kayo. I mean, paano kayo magkaka ayos" tanong ko dito. Nakalimutan ko na ang ginagawa ko dahil na hook ako sa kwento nito.
"I told her na kapag ok na siya, kapag kaya niya nang kontrolin yung sobrang pagseselos niya, kapag na realize niya na mahal niya parin ako, tawagan niya lang ako. I'm still waiting for her. Kahit naman kasi medyo isip bata yon saka nga sobrang selosa, mahal na mahal ko yon. I can be who I am pag kasama ko siya. Lahat ng flaws ko tanggap niya. Lahat ng pangarap ko, alam niya at sinusuportahan niya naman ako don-----I missed her" nangilid ang luha nito pagkasabi niya ng huling tatlong salitang yon.
"Swerte niya sayo no. Mahal na mahal mo siya. Pero don't worry, maayos din yan. Tiwala lang" pagpapagaan ko sa loob nito.
"Sorry" natatawang sabi nito "nag drama pa ako"
"It's ok. Lahat naman tayo may drama sa buhay. Iba iba nga lang. Pero sure ako na lahat yon, malalagpasan mo---natin. Have faith, yun lang Eric" positive na sabi ko dito.
"Thanks. You know, nawala lahat ng bigat na nandito " sabay turo niya sa dibdib niya "Thank you for listening, I appreciate it a lot"
"You're welcome" sagot ko at muling itinuon ang attention ko sa trabaho ko.
Phone call from unknown number
Hello - me
Hello Micah, it's me Pao - Pao
Oh Pao. Kamusta? Napatawag ka - me
I told you before di ba, na gusto kong makausap ulit si Heidi. Pwede ko ba siyang puntahan?
Oo naman kaya lang pwede later. Seven pa kasi ng gabi ang uwi non galing sa trabaho - me
Ganon ba! Eh ikaw, what time ka ba umuuwi?
Mga eight pa ako makakarating sa bahay eh, I text ko nalang sayo yung address ng bahay ko then puntahan mo nalang siya don - me
Nako, ayaw ko. Pag nandoon ka na saka ako pupunta. Nakakahiya naman. Ikaw ang nakatira doon mauuna pa ako. Saka madali naman na akong makakarating don, may dala naman akong sasakyan. By the way, dito na ako nag wo-work sa Manila. Nag resign ako sa dati kong trabaho. Supervisor ako ngayon sa shopping mall.
That's good. At least, mas madalas kayong magkikita ni Heidi. Para magka ayos na kayo - me
Ahm Micah, wala ba siyang nababanggit sayo. Tungkol sakin? - Pao
Tungkol sayo? Wala naman bakit? - me
Ahm wala. Sige Micah. See you later nalang. - Pao
Sige Pao - me
Ano kaya yung sinasabi niya?
To be continued...
BINABASA MO ANG
Regrets from the past
Fanfic08/05/18 -#59 highest rank under Fanfiction Bestfriend...karamay, kasangga. Pero paano kung marealize mong mahal mo pala siya?