Micah"Salamat pinsan ha. Pasensya ka na ha. Ikaw lang naman ang malalapitan ko dito. Yung ibang kasamahan ko, nag hanap nalang din ng malalapitan. Eh nakakahiya naman kung sa kanila pa ako aasa" paliwanag nito.
"Ok lang. Buti hindi ka napahamak" sabi ko dito. Nagkasunog sa apartment na tinutuluyan niya. Buti nalang at nakuha pa niya ang mga gamit niya at hindi nasama sa sunog.
"Buti na nga lang pinsan. Kung hindi, baka may reunion na kami nila Papa, pati ang lola"
"Loka. Nakuha mo pang mag biro. O siya, nasa kanan yung kwarto mo. Pahinga ka na muna. Magluto lang ako ng diner natin"
"Sige pinsan. Salamat ulit. Hindi ko alam na magkapitbahay pala kayo ni Jake"sabi pa nito.
"Ah Oo. Hindi ko ba nabanggit sayo?"
"Hindi yata" sagot naman nito.
"Ganon ba. I sige. Pahinga ka na muna sa kwarto mo , maya maya kakain na tayo"
"Sige pinsan. Salamat ulit" saka ito tumalikod at umakyat sa magiging kwarto niya na dating kwarto ni lola.
Nag prepare na ako ng iluluto para sa dinner nang marinig kong may naglalakad sa sala.
"Hi anak" Si tita mama pala....at si Poknat. Na halatang bagong paligo at pabango pa yata ang pinang ligo nito dahil amoy na amoy ang pabango nito sa buong bahay.
"Hi ma. Poknat, maamoy ko pa kaya yung iluluto ko. Pinaligo mo naman yata yung pabango mo. Pa impress ba" panunukso ko dito dahil alam niyang nandito si Heidi.
"Ewan ko sayo. Ano ba iluluto mo, may dala naman kami ni mom pang dinner" sabi nito.
"Porkchop lang" sagot ko.
"Mamaya na kayo mag kwentuhan. Tara na anak at iluto na natin yan para makakain na tayo. May dala akong sinigang. Patay gutom kasi yung isa diyan anak. Isang kalong karne ba naman ang pinaluto" pang iinis ni mama.
"Talagang ganon ma. Nandito kasi yung inspiration niya" panunukso ko din dito ang sakit Poknat. Sa labas nalang kayo magkita ha. Wag dito. Torture yon kung alam mo lang.
"Stop teasing me Poknat" sabi nito.
"At bakit?" pairap na tanong ko pang muli.
"Wala" sabay yakap nito sa likuran ko. Nagulat ako pero namis ko ang dating ginagawa niya. Yung bigla niya nalang akong iba back hug.
"Naligo ka ba Poknat?" Tanong nito sabay amoy sa leeg ko.
"Hindi pa. Bango ko no" nakangiting sabi ko at natawa si mama.
"Yuck. Kaya pala may sumunod sa aking langaw galing sa labas. Na amoy ka niya" pang inis nito sabay takip ng ilong.
"Alam mo ikaw " sabay kurot ko sa nipple nito.
"Nah...not my nipple Poknat. Mom, help" sigaw nito dahil hindi ko binibitiwan ang nipple nito.
"Hay, ewan ko sa inyo. Pero namis ko yan. Sige lang nak. Ok lang" sabay thumbs up ni mama.
"Oh. Ok lang daw. Kaya humanda ka" at kiniliti ko ito ng kiniliti hanggang sa maubusan siya ng hininga kakatawa.
"Stoppppp. Ikaw" saka ako mabilis na binuhat na parang sako ng bigas.
"Mama. Tulong" sigaw ko.
"Ops. No mom. Ako naman ok. Babawi lang ako. Pinagod mo ako Poknat. Lagot ka ngayon" at mabilis niyang tinakbo ang pagitan ng bahay namin at ang sa kanila.
"Poknat. Ibaba mo na ako. Magluluto pa ko" sabi palo ko sa puwit niya.
"Nope" tuloy tuloy ito sa paglakad at alam ko kung saan siya papunta. Sa backyard nila.
"Nooooo. Poknat aghhhhh Ibaba mo na ako. Sorry na. Ibaba mo na ko please" pakiusap ko dito dahil alam ko na ang na ang nasa sa isip nito.
"You want me to put you down" pang iinis pa nito kasabay ng pag tawa.
"Nooooo. Lagot ka sakin mamaya"
Splashhh 🏊
Dinig ko pa ang malalakas niyang tawa " Hindi ba sabi mo, hindi ka pa naliligo. Yan na" patuloy parin ito sa pag tawa.
"Lagot ka talaga sakin. Mapatay kita talaga" naiinis pero masaya ako. Masayang nakikita at naririnig ang mga tawa niya.
"Tulungan mo ako" inaabot ko ang kamay ko para makaahon sa pool nila.
Inabot niya naman ang kamay ko.
Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Saka nag smile ng pagka tamis tamis.
"Haha. You know me" sabay hila ko dito ng malakas at shoot. Edi dalawa na kaming nasa pool ngayon. Ganti ganti lang.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Regrets from the past
Fanfic08/05/18 -#59 highest rank under Fanfiction Bestfriend...karamay, kasangga. Pero paano kung marealize mong mahal mo pala siya?