Regrets : part 85

1.3K 75 85
                                    


Matapos kong ayusin muli ang sarili ko ay nagpasya na akong lumipat sa bahay nila Ernest.

Pinatatag ko ang sarili ko. Ang puso ko. Ang inakala kong ako ang may sorpresa ay mali pala dahil ako ang nasorpresa sa nalaman ko.

Para akong lutang habang naglalakad papunta sa bahay nila mama.

Maliwanag ang buong bakuran nila pero tila ba madilim sa akin ang lahat.

Puro ngiti at tawanan ang nakikita ko pero ang puso ko ay wasak na wasak at puno ng pighati.

Nakita agad ako ni mama at masaya ako nitong  sinalubong.

Pinilit ko ang ngumiti kahit hirap na hirap akong magpanggap na ok lang ako.

Nang makapasok  kami sa loob ng bahay ay nakita ko na ang cake na dala ko. Nasa center table ito pero hindi parin nabubuksan tulad ng bilin ko kay mama.

Tama lang na hindi na yan mabuksan dahil wala din naman palang silbi.

Suot ko parin ang singsing at plano kong mamaya na ito tanggalin.

Nakita agad ako ni Ernest at niyakap ng buong higpit. Yakap na hindi ko matugunan ng mga sandaling iyon.

Gusto ko siyang itulak palayo pero ni katiting na lakas ay wala ako.

Para akong buhay na patay.

"You didn't tell me may plano pala kayo ni mama na i-surprise ako ngayon" nakangiti ito habang nagsasalita na surprise ka ba? Kasi ako, oo ---na surprise ako sa nalaman ko.

Ngumiti ako. Mapait na ngiti.

"Let's go. Kain ka na muna" hinila niya ako sa isang table kung saan pangdalawahan lang ang pwedeng maupo.

Naupo siya, kaharap ko.

Nakatingin lang ako sa bawat kilos niya. Nakikinig sa bawat salita niya pero tila ba ayaw tanggapin ng isipan ko.

Siya narin ang kumuha pagkain na sa harapan ko ngayon.

Masarap ang lahat ng iyon.

Pero lahat ay walang lasa para sa akin. Pangit ang itsura.

"Babe, what's wrong?" pagpansin niya sa pananahimik ko.

"W-wala. Masama lang pakiramdam ko"

Oo, masama. Ang sakit. Ipinagdiriwang natin ang birthday mo kasabay ng pagdiriwang ng pagkawasak ng puso ko, at pagkawala ng lahat ng pangarap ko para sa atin dalawa.

"I'll take some medicine ok. I'll be right back" mabilis itong umalis sa harapan ko at may munting luha na naman na kumawala sa mga mata ko na mabilis kong pinahid ng mga palad ko.

"Nak, ok ka lang?" tanong ni mama ng lumapit ito sa akin na may dalang dessert.

"Opo ma.  Medyo masama lang po ang pakiramdam ko" pagsisinungaling ko dito.

"Uminom ka na ba ng gamot?" pag aalalang tanong nito.

"Kumuha na po si be-babe" sagot ko. Ngayon ay tila ba isang malaking bikig sa lalamunan ko ang salitang "babe". Para bang isang malaking kasalanan ang bigkasin ko yon.

"O sige. Maupo ka lang diyan ha. Wag ka nang tutulong at baka mapano ka pa" bilin nito bago tumalikod.

"Babe , here " inabot sa akin ni Ernest ang pain reliever.

Ininom ko ito.

Hindi dahil sa masama ang pakiramdam ko.

Dahil masakit ang puso ko.

 Regrets from the past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon