Micah"How's Ernest? Buti ok lang sa kanya na sumama ako sayo dito sa Camiguin" Si Eric. Nang malaman niyang uuwi ako ng province, nagpilit sumama. Gusto daw niya makarating sa lugar namin. Nahihiya naman akong tanggihan. Mabait naman kasi siya.
Ngumiti muna ako sa kaya bago nag isip ng isasagot " Actually hindi niya alam. Sasabihin ko palang. Ayaw ko lang istorbohin siya kanina kasi maghapon daw yung convention nila"
"Ganon ba. Seloso ba siya?" muling tanong nito. Nasa may maliit na garden na kami ng mga oras na yon. Sa bahay ni tita Luna.
"Oo. Kahit nga kaibigan niya pinagselosan niya" pag amin ko.
"Eh pano pag nalaman niyang kasama mo ko"
"I e-explain ko naman saka wala naman siyang dapat ipagselos. Kaibigan naman na kita saka kasama sa work" sagot ko.
Hindi na ulit ito nagtanong pagkatapos kong magsalita.
"Tatawagan ko lang si babe ha" palad ko dito saka lumayo.
"Eric pasok na. Nakahain na" narinig kong sabi ni tita Luna "Nak, lika na kakain na" nang ako naman ang tinawag nito.
"Susunod nalang ako nay. Tawagan ko lang si Poknat" sagot ko.
"O sige. Bilisan mo lang at lalamig ang pagkain" saka ito tumalikod papasok sa bahay.
Ilang beses din ako tumawag bago niya ito nasagot. Pasado alas nwebe na iyon.
Hello babe - me
Hi babe. I miss you na - babe
Mis na din kita. How's everything - me
Ok naman. Kapagod kasi whole day yung convention. Tomorrow, may sports fest daw then party at night - babe
Party? Babe----wag kang iinom masyado ha - me
Opo madam alam ko. Kamusta naman ang byahe mo? - babe
Ok naman. Ahmmmm babe - me
Yes babe. May sasabihin ka no - babe
Oo eh. Ano kasi. Ka- kasama ko si Eric - me
Huh! Bakit? - babe
Eh gusto daw niya makarating ng province. Nahihiya naman akong tanggihan kaya hinayaan ko na - me
Ano pa magagawa ko eh kasama mo na. Basta, keep distance ha. Lalaki parin yan - babe
Opo naman. Alam ko yon. Eh kayo, kamusta naman kayo diyan ni Heidi - me
Si Heidi. Hindi ko alam kasi hindi ko naman inaalam kung nasaan siya at kung anong ginagawa niya. Isinama ko lang siya because I don't have any choice dahil wala nga si Alora - babe
Tinanong ko lang, dami mo nang sinabi. Hindi po ako nag iisip ng kung ano. Nangungumusta lang po -me
Nagseselos ka no! - babe
Hindi ah. Nagtatanong lang masama ba - me
Sabhin mo nang Oo kasi masaya ako pag sinabi mong nagseselos ka. Kasi----ibig sabhin non. Ayaw mong mawala ako sayo - babe
BINABASA MO ANG
Regrets from the past
Fiksi Penggemar08/05/18 -#59 highest rank under Fanfiction Bestfriend...karamay, kasangga. Pero paano kung marealize mong mahal mo pala siya?