Wedding dayEverything is in the right place. Maaayos na naidaos ang kasal nina Lorent at Loraine. Kapiling ang bawat miyembro ng pamilya nito at malalapit na kaibigan.
Ernest
"Mommy" sigaw ng isang batang lalaki. Sinundan ko ito ng tingin at nanlamig ang pakiramdam ko ng makita kong niyakap ito ni Micah at kinulong sa mga bisig nito.
Kasunod non ay ang paglapit ng lalaking hinding hindi ko makakalimutan.
Si Eric.
"I miss you mommy" sabi pa ng batang lalaki.
Napatayo ako at lumabas ng hotel. Nakahawak ako sa balostre at doon binuhos ang sakit na lumulukob sa damdamin ko.
Nagngangalit ang bagang ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko ng mga oras na iyon.
But then, I realized. Ganito pala ang naramdaman niya nung malaman niya ang tungkol sa amin ni Heidi.
Pero mas masakit ang ginawa ko.
I think I deserve the all the pain I'm dealing right now.
Ganito pala ang pakiramdam mga masaktan ng walang karapatan.
Yung gusto mong magalit pero hindi maari.
Yung gusto mong itanong na bakit pero alam mong babalik lang sayo ang tanong na yon.
At yung umaasa ka na baka pwede pero hindi na maari dahil ikaw mismo ang dahilan kaya nawala siya.
Ganito pala ang pakiramdam ng mawalan ng kahit isang katiting karapatan.
"Nak, are you okay?" nag alalang tanong ni mom.
Huminga muna ako ng malalim. Pinakalma ang nagrerebolusyong damdamin ko "I- I'm ok mom. Mauna na kayo sa loob. Susunod nalang ako" utos ko dito.
Pero imbis na umalis ay lumapit ito sa akin at hinagod ang likod ko.
"I'm sorry nak" mahinang sabi nito.
"No worries mom. Karma hits me. And I deserve this" sabi ko dito.
Ilang minuto lang kaming nandoon ni mom, parehong tahimik. Parehong nakikiramdam.
Parang tumigil bigla ang tibok ng puso ko. Nawalan ng kulay ang mundo ko na binigyan niya ng kulay ng sandaling makita ko siyang muli at makasama .
Mahirap palang tanggapin ang katotohanan na anuman ang pagnanais ko na balikan siya ay wala na akong karapatan pa dahil pag aari na siya ng iba.
I've lost her once, twice and now, it seems like I've lost her forever.
I've lost the only person I love since I was young because of my stupid mistake.
"Ma" narinig kong tawag ni Dad.
"Mauna ka na sa loob dad. I'll stay here with Ernest" utos ni mom.
"It's going to be ok son" sabi pa ni Dad bago ito bumalik muli sa loob ng hotel.
"Son" untag ni mom.
Tumayo ako ng tuwid at pilit ibinalik ang huwisyo ko.
"I'm ok mom. Don't worry. Tara na sa loob. Baka hinahanap na nila tayo" anyaya ko dito.
Sa loob ay naabutan kong masayang nag uusap si Eric at Poknat. Habang kalong naman ni Poknat ang batang lalaki.
Napatingin ako sa gawi ni Loraine na tila ba may pinapahiwatig ang mga tingin nito.
Kahit mahirap na nakikita sila ay pinag tiisan ko dahil kasal ito ng kapatid niya. Alang alang nalang kay Loraine at sa kaibigan niyang si Lorent.
Mabilis lang natapos ang seremonyas sa hotel at dumiretso na ang malalapit naming mga kaibigan at pamilya sa bahay kung saan ay may nag iintay din na isang salu-salo.
-
"Ernest" bati ni Eric. Sumunod din ito sa bahay. Na sa palagay ko ay inimbitahan ni Poknat.
"Eric" labas man sa loob ko ay binati ko narin ito.
"Nice house" alam kong wala din itong maumpisahang pag uusapan.
"Thanks but it's not mine. Sa family ko to" sabi ko.
"Daddy" lumapit sa akin si Ash.
"Yan na yung anak niyo ni Heidi" sabi pa nito habang nakasunod ang tingin nito kay Ash.
Tumango lamang ako bilang sagot dito saka binuhat si Ash sa mga bisig ko.
"Hey" lumapit naman sa amin si Poknat habang akay sa isang kamay ang batang nakita ko kanina.
"Daddy" tawag nito kay Eric. Tulad ko ay binuhat niya din ito.
"Hey baby. Meet---what's her name Ernest?" tanong nito sa pangalan ng anak ko.
"Ash" sagot ko.
"Quen meet Ash. Ash this is my baby, his name is Quen" pakilala nito sa dalawa.
Nag smile naman ang mga ito sa isa't isa.
"Kids, why not go down and play" suhestiyon ni Poknat.
Mabilis na tumalima ang dalawang bata na sinundan naman ni Poknat.
"Ahm where's your wife? I mean si Heidi" muling tanong nito.
"She's not here. And we're not living together. I take the custody sa pagpapalaki sa anak ko" sagot ko.
"And you're not in any relationship right now?" Patanong na sabi nito.
"Nope. I'm not interested. I mean, I have Ash. Siya ang importante sa akin" Malamig na tugon ko dito.
-
"Kids. Diyan lang kayo ha. I'll go get some water ok" bilin ko kina Ash at Quen na tuwang tuwang naghahabulan.
Lumayo ako sandali at gaya ng sabi ko ay kumuha ng ako tubig para sa dalawang bata.
Pabalik na ako ng makita kong wala na ang dalawang bata kung saan ito naglalaro kanina lang.
Hinanap ito ng mga mata ko at nakita kong naghahabulan parin ito pero palabas na ng gate ng bahay nila Poknat.
Mabilis ko silang hinabol dahil baka masagasaan ito ng dumaraang sasakyan.
Napigilan ko si Quen ng maabutan ko ito. Nang si Ash naman ang tangka kong habulin ay napansin ko ang isang sasakyan na mabilis na paparating.
"Ashhhhhhhh" malakas na sigaw ko na pumunit sa kasiyahan ng mga tao sa bakuran nila Poknat.
To be continued...
Question for tonight...pag nasagot niyo. Mag a update ulit ako. Katuwaan lang tutal eh napaka hilig niyo mag soco...
Since marami ang nanghuhula kung sino ang kasabwat ni Heidi sa plano niya na paghiwalayin ang team #poknat ...
Sa palagay niyo...sino talaga ang taong kasabwat niya...no clues from me.
Game! 👍
BINABASA MO ANG
Regrets from the past
Fanfiction08/05/18 -#59 highest rank under Fanfiction Bestfriend...karamay, kasangga. Pero paano kung marealize mong mahal mo pala siya?