Regrets : part 32

1.4K 103 16
                                    

Heidi

"Diretso na ba tayo sa inyo?" tanong ni Jake habang nasa gitna kami ng mahabang byahe.

"Ah Jake.  Hindi doon ang punta ko eh" nahihiyang sagot ko.

"Huh? Saan ba?" Tanong muli nito habang nakatuon ang mga mata sa kalsada.

"Sa mga pinsan ko. Sa Camiguin"

Ernest

"Sa mga pinsan ko. Sa Camiguin"

Camiguin.

Paulit ulit na rumehistro sa utak ko ang lugar na sinabi ni Heidi.

Ang lugar kung saan dating naninirahan ang babaeng kay tagal ko nang hindi nakikita.

Bakit bigla akong nakaramdam ng kaba?

"Close kasi kami ng pinsan kong si Enah. Siya din ang tumutulong sa amin nung nagkasakit si Papa. Alam mo, siya ang pinaka mabait kong pinsan. Hindi siya madamot. Bilib nga ako don eh, napagtapos niya yung sarili niya. Ngayon naman, nagiging successful na siya as designer. Siguro ganon talaga pag sobrang bait no,  maraming blessings na dumarating" kwento nito.

"I think so" maikling sabi ko.

'Ibaba mo nalang ako malapit sa amin. Mag byahe nalang ako papuntang Camiguin. Maabala ko pa ang lakad niyo"

"It's ok. Diretso na tayo don" sagot ko. Ngayon, hindi nalang ang paghatid kay Heidi ang dahilan kaya gusto kong dumiretso sa Camiguin.

May hinahanap ang puso ko. Kahit alam kong wala naman siya dito sa Pilipinas, gusto ko lang makita ang mga lugar na pinapasyalan namin noon.

I missed her so badly.

Nakalipas ang mahabang oras ng byahe. Nakakapagod din ang magmaneho ng ganong kalayo. Nang makarating kami sa Camiguin ay may kung anong kakaiba akong naramdaman.

Parang masaya na malungkot na Ewan ko...basta biglang hindi ko maintindhan ang nararamdaman ko.

Isang bahay na medyo may kalakihan ang pinuntahan namin. Maluwang ang espasyo sa harapan nito kung saan naroroon ang mga bisitang nakikiramay.

"Heidi" narinig kong tawag ng isang babae at papalapit na ito sa amin.

"Tita Irma. Kamusta po? " tanong ni Heidi.

"Hindi ko sasabihing ok dahil alam mo naman ang sitwasyon. Sino yang kasama mo?" Dinig kong tanong nito.

"Ah tita. Si Jake po. Kaibigan ko. Jake si tita Irma. Kapatid ni mama" pakilala nito sa amin.

"Kamusta po?" naka ngiting tanong ko dito.

"Heto. Malungkot pero kakayanin" halata kong mabait ang tita niya.

"Ay Heidi. Dumating ang pinsan mo kagabi lang, kasama yung kaibigan niya. Nasabi ba sayo?" tanong nito.

"Dumating si Enah?  Nasan siya?" bakas ko ang saya sa tinig ni Heidi
Siya yung pinsan nito na kinukwento niya kanina lang.

"Nasa kwarto. Nagpapahinga. Pasok muna kayo. Kumain na muna kayo" muling sabi nito habang naglalakad kami papasok sa bahay.

Pero pagtapat ko sa larawan ng babaeng namatay,  nakaramdam ako ng pagkabigla.

Hindi. Hindi ito maaari!

"Jake ok lang"

"Kilala ko siya. Yung nakaburol " sabi ko.

"Huh?  Paano?" Bahid ang pagtataka sa muka ni Heidi.

"Ernest?" tinig ng isang babae na tumawag sa pangalan ko.

"Tita Luna!" sambit ko.

"Ikaw nga. Paano mo nalaman na patay na si lola?" tanong nito habang inaakay ako para maupo. Kasunod si Heidi.

"Tita kasama ko po siya. Kilala niyo po si Jake?" tanong nito habang palipat lipa't ang tingin nito sa aming dalawa.

"Oo Heidi.  Kilalang kilala. At Ernest ang tawag namin sa kaniya" sagot ni tita Luna.

"Paano po?" muling usisa ni Heidi.

"Saka ko na ikukwento Heidi----halika muna doon anak at kumain ka muna. Alam kong malayo ang ibi-nyahe niyo. Heidi sumunod ka na din" utos nito.

"Sige po tita" sagot ni Heidi " Si mama po?" tanong pa nito.

"Nasa kusina. Tutulong magluto" sagot ni tita Luna.

To be continued...

 Regrets from the past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon