Micah"Pinsan, umalis na daw siya Jake?" tanong agad nito pagka galing sa grocery. Namili sila ng konting gagamitin para mamayang gabi.
"Ha? Oo, kani kanina lang pero babalik naman daw" sagot ko nalang nandito.
"Ahm pwede ba kitang makausap?" mukang seryoso ito.
"Sige. Sa labas tayo" anyaya ko dito.
Naupo kami sa may dulo ng upuan kung saan walang tao. Halatado kong seryoso ang pag uusapan namin.
"Go on. Spill it" nakangiting sabi ko.
"Si Jake. Gaano mo na siya kakilala?"
"Since we we're ten. Pero tuwing vacation lang kami nagkakakasama" sagot ko dito.
"Pero naging super close kayo right?" I can sense something sa way nang pagtatanong niya.
Wait. Naalala kong sinabi niya na inlove siya.
Si Poknat kaya ang tinutukoy niya?
"Oo. Bakit?" I asked to make sure.
"Sa tingin ko kasi wala naman siyang girlfriend. Wala naman kasi siyang binabanggit. Wala ba siyang sinabi sayo?" Muling usisa nito.
"He had before pero break na daw sila" sagot ko dito.
"Really. So single talaga siya" nakangiting bulalas nito.
"Saya mo. Type mo siya no?" Bakit parang hiniwa ang puso ko sa tanong ko.
"Oo pinsan. Unang kita palang. Sa tingin mo ba may chance na maging kami or ligawan niya ako?"
"Hindi ko kayang sagutin yan pinsan. Close kami oo pero pagdating sa babae, hindi ko alam kung ano talaga ang mga standards na gusto niya. Sa mga past relationships kasi non, iba iba ang nakikilala ko. Kaya honestly speaking pinsan, clueless ako pagdating sa mga tipo ng babaeng gusto niya" I honestly said.
"Ahm, pwede mo ba akong tulungan na maging close pa kami lalo. Sa totoo lang kasi pinsan, mahal ko na siya" Aray. Yun na. Sabi ko na, doon kami papunta.
"Su-sure, ikaw pa ba?" parang may nakabara sa lalamunan ko ng sumagot ako.
"Salamat pinsan. Maasahan talaga kita palagi?" masayang sabi nito saka ako niyakap ng mahigpit.
Sakalin mo na kaya ako para isang sakit nalang. Pag namatay ako, end of my heartaches na.
Iniwan niya na muna akong mag isa sa labas dahil sa sinabi ko.
Dear heart, pasensya ka na ha. Nato-torture ka na ba? Kasalanan mo naman to eh. Bakit ba kasi ang puso pa ng bestfriend ko ang napili mong tibukan. Madami naman diyan eh. Pili ka nalang. Yung hindi na ako masasaktan. Yung pwede kong sabihin yung mahal din kita. Na akin lang siya. Nagpaubaya na ako kay Coraline, pero hindi masakit yon. Happy pa nga ako. Kala ko kasi, may aasahan ako pagbali ko. Umasa kaya ako -__- Pero mahal naman siya ng pinsan ko. Magpapaubaya na naman ba ako ulit :(
Ay mali, bakit nga ba ako magpapaubaya? Hindi naman ako mahal non. Sabi nga niya di ba, he's inlove with someone else. Siguro si Heidi yon. Siya lang naman ang babaeng kasama niya siguro palagi.
Akala ko, nung umalis ako para pumunta sa US. Makaka move on ka na puso ko. Naka move on nga pala, pero hindi nakalimot. Siya parin eh. Siya lang talaga.
Ang hirap magmahal ng bestfriend :(
To be continued...
BINABASA MO ANG
Regrets from the past
Fanfiction08/05/18 -#59 highest rank under Fanfiction Bestfriend...karamay, kasangga. Pero paano kung marealize mong mahal mo pala siya?