MicahName : Enrique "Eric" Gil
Height : 178 cm
Weight : 150 lbs
Nationality : Filipino - German - Spanish - Swiss
Skills : his smile melts every girls heartsRole : friend
Third party
Knight
You choose!Ang gwapo nga..
Pero teka, parang namumukhaan ko tong lalaking to.
Nagpalinga linga ako habang hinahanap ang lalaking sadya ko. Si babe naman ay salubong ang mala taniman nitong kilay at nanlapad lalo ang malapad na nitong noo. Kahit bata, hindi maipipinta ang itsura nito ng makita nito ang ang lalaking makakasama ko sa trabaho.
Nang mapadpad kami sa stall for men's wear ay parang siya ang nakita ko.
"Eric?" alanganing tawag ko dito.
Lumingon ito na parang slow motion, yung tipong nasa movie kami.
Itinuro pa niya ang sarili niya kung siya nga ang tinatawag ko.
"Eric Gil?" Ulit ko.
Ngumiti na siya that time at tama ako, siya nga yung lalaking nakitawag sa akin sa cellphone.
"You're the girl right? Sa cinema" tanong nito. Na recognized niya din pala ako.
"Yeah, ako nga. Ikaw yung pamangkin ni tita Barbara? Yung susunduin ko" pagliliwanag ko.
"Yeah. Ikaw si Micah?"
"Oo" sagot ko.
"Sorry sa abala. Hindi kasi ako sanay dito. Last time I went here was really long time ago" paghingi nito ng dispensa.
"It's ok. Pero marunong ka palang magtagalog" pansin ko.
"Yup. Filipina ang mother ko so tinuruan niya akong magsalita ng tagalog in case na bumalik nga ako dito" kwento nito.
"Ahmm" tumikhim si babe na nasa likuran ko. Para na siyang si san goku na handang mag kame-hame-wave.
"Ah----si Ernest nga pala. Boyfriend ko" pagpapakilala ko.
"Nice meeting you" inilahad ni Eric ang kamay niya na alanganing namang tinanggap ni babe.
Tumango naman ang babe ko bilang sagot, ni walang ngiti, samantalang si Eric eh litaw ang pearly white teeth napaka seloso jusko.
"Ahm may bibilin ka pa ba?" usisa ko.
"Nope. May tiningnan lang naman ako. Are we going now or baka may lakad pa kayo. Ill just wait for you. It's ok" sabi naman nito habang palipat lipa't ang tingin niya sakin at kay babe.
"We're going now. Tapos naman na din kami mamasyal ni babe. Para makapag pahinga ka na din. San nga pala mga gamit mo?" takang tanong ko dahil wala itong ibang dala kundi isang backpack.
"Actually ito lang ang dala ko. Balak ko kasi, mag shopping nalang ng mga damit ko dito" nangingiting sagot nito.
"Ganon ba. O sige na tara na" aya ko.
Babe ko...daig mo pa ang may men's sa itsura mo.
Nauna na sila mama at Heidi na umuwi mga mga oras na yon, nag taxi nalang sila ng malamang may susunduin nga kami. Nagkataon lang na nasa iisang mall pala kami ni Eric.
Si babe ang nag drive...I can see it in my peripheral view na tinitingnan niya si Eric from rear view mirror.
"Babe, yung mata mo. Mabangga tayo" bulong ko dito.
"Why it has to be him? " bulong niya din sakin.
"Why? Ano bang problema---muka naman siyang mabait"
"That's the problem. Muka siyang mabait. And that attitude is one of your weakness" naiinis na sagot nito.
"Babe---nagseselos ka ba talaga sa kanya. Halos ngayon nga lang natin nakita yung tao. Pinag iisipan mo ng hindi maganda" Hindi sa pinagtatanggol ko si Eric, unfair lang naman kasi na iniisip ni babe na makakagulo ito sa relationship namin.
"Can't you see the way he looks at you. I'm a guy, I should know. That's how I look at the you---- it takes one to know one"
"Babe---relax ok. No matter how many are they, ikaw lang ang mahal ko---please keep that in mind"
He reached out for my hand at marahang niya itong pinisil.
"I'm sorry" paghingi nito ng paumanhin.
To be continued...
Yung mga ganitong angulo ang pumapatay sa mga fans.
Buti nalang eh may video 😂😂😂
BINABASA MO ANG
Regrets from the past
Fanfiction08/05/18 -#59 highest rank under Fanfiction Bestfriend...karamay, kasangga. Pero paano kung marealize mong mahal mo pala siya?