Heidi"Hello pinsan " sagot ko sa kabilang linya. Madalas tumawag sa akin ang pinsan kong si Enah para makibalita kay Papa. Sa lahat ng pinsan ko, siya ang naging ka close ko. Pero nagka hiwalay kami nung mga bata pa kami. Pero hindi di nawala ang pag care namin sa isa't isa.
"Hello pinsan, ano na balita kay tito?" tanong nito. Mahigit isang linggo na ang nakaraan ng umuwi ako. At sa mga nagdaang araw ay wala na kaming nakikitang pagbabago kay Papa. Mas lalo na itong lumalala.
"Hindi ok pinsan eh. Mas lumala na siya. Wala na kaming magawa pinsan" Nag umpisa nang tumulong ang luha ko.
"Si tita?"
"Si mama. Ayon, kahit pinapakita niya kay Papa na malakas siya, alam ko na nahihirapan di ng siya. Kinakaya lang niya dahil ayaw niya ng dagdagan pa ang paghihirap ni Papa. Kung mawala man sa amin si Papa ng mas maaga, gusto ni mama na makita ni papa ok lang kami"
"Ganon ba. Sige balitaan mo nalang ako ha. Bye pinsan" paalam nito.
-
Two weeks past...
"Pinsan" tumawag ako dito ng umagang yon.
"O pinsan kamusta na. Ano na balita?" batid kong nag alala siya sa min. Hindi kami mag kapatid pero malapit siya sa pamilya ko.
"Pinsan..." wala nang lumabas na salita sa mga labi ko dahil napahagulgol na ako ng iyak.
"Pinsan. Ano nangyari? Si tito?"
"Wala na siya pinsan. Kagabi pa" sabi ko dito sa pagitan ng pag luha ko.
"God. Si tita kamusta?"
"Ayon iyak ng iyak. Hinayaan nalang muna namin para maibsan ang bigat sa dibdib niya. Alam ko na lilipas din 'yon"
"Condolence pinsan. Gustuhin ko man umuwi diyan, hindi pwede. May emergency din ako eh. Nasabay pa "
"Ok lang pinsan. Naiintindihan namin. Sasabihin ko nalang kay mama"
"Sige pinsan. Salamat sa pag intindi. Ba bye na ha. Kaya mo yan ha"
"Salamat"
Muling akong tumawag...pero hindi na number ni pinsan.
"Hello. EJB speaking"
"Ahm Jake. Si Heidi to" sagot ko.
"O Heidi. Napatawag ka" tanong nito saka kabilang linya.
"Ahm. Wala na si Papa" sabi ko.
"Ganon ba. Sige punta ako diyan bukas" sabi nito
"Wag na. Pinaalam ko lang sayo kasi isa ka sa mga tumulong sa min. Pero wala din eh. Nawala din siya"
"No. Pupunta ako bukas. Off ko naman bukas, so expect me ok. And condolence Heidi"
"Sige Jake. Salamat"
Malungkot man ako ng mga oras na 'yon sa pagka wala ni Papa, nakaramdam ako ng kaunting saya dahil makikita ko ulit si Jake. Aaminin ko na, mahal ko na si Jake. Matagal tagal ko na din siyang kilala. Wala siyang binabanggit na kahit ano, lalo na patungkol sa aming dalawa, pero umaaasa ako na kahit papano, may pag tingin siya sa 'kin. Saka yung iniisip ko na may girlfriend siya, mukang wala naman. Siguro ex niya lang yung nasa wallet niya. Maybe first love kaya hanggang ngayon nakatago parin yung picture nila.
Never naman niya kasi nabanggit na may girlfriend siya. Yung girl dati sa bar na nakita ko, muka namang hindi niya girlfriend kasi minsan ko lang nakita tapos hindi na naulit.
Siguro may gusto din si girl kay Jake. Sino ba naman kasi ang hindi magkaka gusto kay Jake, super gwapo saka mabait pa.
Gagawin ko ang lahat mahalin mo lang ako Jake.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Regrets from the past
Fanfic08/05/18 -#59 highest rank under Fanfiction Bestfriend...karamay, kasangga. Pero paano kung marealize mong mahal mo pala siya?