Regrets : part 31

1.4K 96 29
                                    

An: hindi na po muna ako mag reply sa mga commnets niyo dear readers dahil ramdam ko po ang mga sentiments and disappointments ninyo. Pero always remember po na sa bawat istorya ay dadaan po talaga tayo sa mga pangyayaring kahit ayaw natin ay nangyayari. Sabi nga, there's a rainbow always after the rain. Happiness in every sacrifice. Yun lamang po.

Wether in reel or real life, nangyayari naman po talaga na may hadlang or may masasaktan. Pero hindi sa lahat ng oras. Salamat po 😊

Micah

Mabilis akong umuwi ng Pinas. Dapat masaya di ba, sabi nga. No pace like home. Pero ang bigat ng nararamdaman ko. Sobrang bigat na pati mga paa ko'y ayaw nang humakbang. Mugto na din ang mata ko kakaiyak. Nag shades nalang ako para matakpan ito.

Sumama sa akin si Fenech. Kilala niya din mama kasi ang lola ko. Pero ilang araw lang siya. Kailangan niya din bumalik sa US. Ako naman ay wala pang desisyon kung babalik agad ako o kung hindi na.  Wala na ang kaisa isang taong mahalaga sa akin. Ang natay ko na nag alaga sakin ng mahabang panahon. Sabi ko,  aalagaan ko pa siya pero huli na. Hindi ko na siya muling makakapiling pa. Ni hindi ko nasabi ang katagang mahal kita bago man lang siya nawala. Ni hindi ko man lang siya nayakap.

Unfair ka naman. Sabay mong kinuha ang mga magulang ko, tapos si lola, kinuha mo din ng biglaan. Ang sakit mo naman mag biro. Walang wala na ako. Wala na silang lahat. Ano pa ba ang meron ako? Ano pa?

Patuloy sa pagtulo ang luha ko habang sakay kami ng taxi ng inarkila ko pauwi ng Camiguin. At habang palapit kami ng palapit sa lugar kung saan ako lumaki, bumalik sa alaala ko ang mga panahong kasama ko si lola. Mga panahong masaya kami sa kabila ng simpleng buhay na meron kami.

"Girl, ok ka lang? tanong ni Fenech.

"I wish I am" patuloy parin ako sa pagluha.

"I'm here ok. Makakaya mo yan. Matibay ka di ba" sabi nito sabay pisil sa palad ko.

I just nod saka sumandal sa balikat niya. Hinaplos niya naman ako sa buhok.

Makalipas ang ilang oras, tanaw ko mula sa loob ng kotse ang mga taong abala sa lamay ng lola ko. Mga kamag anak, mga kapit bahay at mga kaibigan na nakikiramay. Dapit hapon na nang makarating kami sa Camiguin. Pagod sa haba ng byahe pero hindi naging dahilan yon para wala na akong lakas para lumuha pa.

Kung saan nang gagaling ang mga luha kong walang katapusan, hindi ko na alam.

Ilang minuto ang pinalipas namin saka ko napagpasyahang lumabas ng kotse. Konting gamit lang dala ko dahil biglaan nga ang pag uwi ko.

"Kaya mo yan girl. I'm here" Fenech always trying to lighten up everything.

"Salamat friend. Buti talaga sumama ka"

"What friends are for di ba. Let's go" sabi nito. Sabay kaming lumakad palapit sa bahay nila tita.

Natanaw agad ako ni tita Irma, nakatatandang kapatid ni mama.

Nanakbo ito palapit sa akin at mahigpit na niyakap. Hanggang sa sunod sunod nang nagsilapit at yumakap ang mga tita at tito ko na may mga luha din sa mata.

Nanghihina ang mga tuhod ko habang palapit sa kabaong kung saan nakalagay ang katawan ni lola. At sa oras na makalapit ako dito, doon na lalo bumuhos ang mga luha ko. Luha ng walang kasing sakit. Ang sakit ng mawalan, ang iwanan ka ng paulit ulit ng mga taong mahal mo. Yung pakiramdam na gusto ko naring mawala. Ang mamatay. Na iwan na akong mag isa.

To be continued...

 Regrets from the past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon