"Morning tita" magandang bati ko dito ng araw na yon."Morning nak" ganting bati niya. Well---she called me "nak" short for anak. She treated me like her own and it was a great feeling. Ulila na ako. Si lola nalang ang nakagisnan kong magulang. Namatay sa isang aksidente ang mga magulang ko noong tatlong taong gulang palang ako. Jeepney driver si tatay at kasama niya ng mga panahong yon si nanay ng maganap ang isang aksidente na kumitil sa buhay nila. Sa tulong ng ibang mga ka mag anak, nakapag aral ako. Hindi naman na kasi ako kaya pang pag aralin ni lola. Hindi niya na kayang mag hanap buhay pa. Pero nung college. Mag isa kong pinag aral ang sarili ko. Nag working student ako. Kahit anong trabaho pinasok ko kumita lang. Sa awa ng Diyos nakapag tapos ako sa kursong accountancy. Mahirap pero sulit lahat ng pagod.
I'm working now sa isang company as supervisor. Nakapag pundar ng isang maayos na bahay sa tapat mismo ng bahay ng bestfriend kong si Ernest.
"Si poknat po?" Naupo ako sa bakanteng silya sa may kusina nila habang pinapanood si tita na busy sa pag luluto ng breakfast.
"Tulog pa. Gisingin mo na nga at tanghali na. Mamaya susunduin na natin si Loraine" utos nito.
Si Loraine ay nakatatandang kapatid ni Ernest na nasa Italy. Doon ito naka base dahil sa work nito. Habang ang daddy naman nila ay walang permihang destination dahil laging itong nagbi-biyahe dahil sa family business nila.
"Sige po tita" paalam ko at pinuntahan na ang kwarto ni Ernest.
Short update lang po ito ng kwento ng buhay ni micah.
Pasakalye lang...
Sana po magustuhan niyo...
@shhsturmfrei
BINABASA MO ANG
Regrets from the past
Fanfiction08/05/18 -#59 highest rank under Fanfiction Bestfriend...karamay, kasangga. Pero paano kung marealize mong mahal mo pala siya?