Regrets : part 44

1.4K 103 45
                                    


Ernest

"Haha you know me" sabay hila niya sa 'kin sa pool. Actually, nagpahila talaga ako. The feeling that I'll get close to her is a chance I shouldn't miss lalo na ngayong nasa bahay niya ang pinsan niyang si Heidi.  More or less, hindi ko na siya masosolo pa.

What happened a while ago brings so much joy in me. Yung parang bumalik kami sa dati. Kulitan, tawanan and I won't trade it for anything.

"What you did huh? Sayang yung pabango ko" kunwaring inis na sabi ko dito.

"Ang yaman mo para hindi makabili ng ilang bottle ng pabango" sabi naman nito na lumalangoy na palayo.

"Where are you going?" tanong ko.

"Edi nag si-swimming. Ano pa ba? Binasa mo nalang din ako dito eh di mag swimming na 'ko" sagot nito.

"Race" I asked her.

"Anong pusta? " baling nito sa 'kin. Well---ganon talaga kami. Madalas may pustahan.

"Pag nanalo ako, sasabihin ko kung ano ang gusto kong sabihin. At pakikinggan mong mabuti ok. At pag ikaw naman ang nanalo, tell me what's in your mind right now.  And I will listen to you. Matagal tayong hindi nag kausap so I guess, marami tayong gustong sabihin sa isa't isa----Deal" sabi ko.

"Deal" mabilis na sagot nito.

"One more thing. We should respect kung ano man ang gusto natin ok. No more question" kompyansang sabi ko.

"Fine" as she rolled her eyes and it's cute.

Lumapit ako kung saan siya nakatayo. Doon kami mag start.

"Game?" tanong ko pa dito.

"Game" nakangiting sagot nito.

"On three. Whoever get here first win" sabi ko.

"Ok"

"Three"  malakas na sabi ko at mabilis na lumangoy.

Pagbalik ko ay nakarinig ako ng tawa. At mula iyon sa kanya.

"What da? How did you do that? You cheated me" inis na tanong ko. Inis dahil hindi ko masasabi ang nasa puso ko.

"Hindi ka kasi muna nagtanong. Nag swimming lesson ako sa US. Pwede nga daw ako sumali sa competition. Ayaw ko lang. So pano ba yan? Panalo ako. Lahat ng sasabihin ko, papakinggan mo at----hindi ka pwedeng kumotra" mahabang sabi nito.

"Ok. Spill it" laglag ang balikat na sabi ko dito.

"Ok. Tara upo tayo" utos nito. Pero nasa pool parin kami. May three steps doon na ginagamit pag ahon sa pool.

Naupo naman ako sa tabi nito at humandang makinig sa sasabihin nito.

"Gusto kong makipag close ka kay Heidi" unang sabi nito kaya napatingin ako dito.

"What?" salubong agad ang kilay ko sa nadinig ko "You didn't mean that don't you" paninigurado ko pa dito.

"We have our deal remember. Just listen"

I'm just shaking my head stupid bet.

"Gusto kong maging at ease ka sa kanya,  know her more. Not only as a friend. More than that"

"Because?" sabi ko.

"Dahil mahal ka niya. At gusto kong maging masaya siya----sayo. At ikaw din sa kanya. Mahal mo naman siya di ba. I'm just making it easy for both of you. And lastly, Iwasan mo ako hanggat kaya mo. Babae ako, at alam ko, kahit na bestfriend tayo. Hindi maiiwasan na magselos siya. Kaya limitahan mo nalang ang paglapit sa 'kin lalo na kung hindi naman kailangan"

"That's bullshit Poknat"  sabay tayo ko.

"That's our deal" sagot nito.

"What if I didn't do it?" madiing sabi ko.

"Then forget our friendship" Malamig na sabi nito.

"Our friendship versus Heidi. No way" inis na sabi ko.

"At pinsan ko siya. Parang kapatid. Her happiness matters to me"

"Tell me. Inutusan ka ba niyang sabihin mo to sa 'kin"

"No" pagtanggi nito.

"Yes she did. I've known you for so long to know if you're lying or not."

"Maupo ka nga" utos nito kaya tumabi ako muli dito.

"Mahal ko siya. Mahal kita----

"You did. Mahal mo ko" Ewan ko pero bigla akong nabuhayan ng loob sa narinig ko.

"Of course. You're my bestfriend" sagot nito at muling nalunod ang pag asa ko "subukan mo. Hindi siya mahirap mahalin. Mabuting tao siya"

"I don't know Poknat" naiiling na sagot ko.

"Just try. Please" pakiusap nito.

"Sige. Pero pag walang nangyari, ako naman ang pakikinggan mo. When that time comes, all I need is a yes" sabi ko.
"Let's go. You're shaking" sabay hawak ko sa kamay nito and one more thing, one month is enough"

She just nod.

Pumasok kami sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto ko. May mga damit parin siya sa bahay namin. Dahil alam kong darating ang panahon na babalik siya sa 'min. At ito na 'yon.

"Here, palit ka muna saka tayo bumalik sa inyo. Gutom na ko" sabi ko.

"Salamat" saka ito tumalikod at pumasok sa banyo ko.

I've waited for her sa veranda.

Hindi mangyayari ang gusto mo Poknat. Hindi ko kailanman mamahalin si Heidi dahil ikaw  ang mahal ko. Hindi ko susubukan tulad ng gusto mo, pero pagbibigyan kita. Pero sa huli, ikaw at ako lang. Tandaan mo yan.

To be continued...

 Regrets from the past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon