Regrets : part 22

1.6K 120 33
                                    


Micah

"How do you find my place?" tanong ni Tanner. Dinala niya ako sa bahay niya since I've never been here. Madalas lang kaming sa labas magkita.

"Maganda. Ikaw lang talaga mag isa dito?"

"Yup. My maids are here just weekdays para mag linis" sabi nito saka dumiretso sa kusina. Inabutan niya ako ng fresh orange at naupo sa tabi ko.

"Want some movie marathon?" tanong nito sabay akbay sa 'kin.

"Ikaw. Bahala ka"

"Are you happy?" biglang tanong nito.

"Huh?"

"Happy being with me. Because I am. You changed me in short period of time. Mas naging masaya ako. Everything seems to be in the right place"

"Good for you" bahagya akong ngumiti bakit ba ganito nararamdaman ko. Ano ba ang mali?

Doorbell rung...

"May bisita ka?" tanong ko.

"No. Maybe bills. Can you get that for me babe. I'll go get some food" sabi nito kaya ako na ang nag bukas ng pintuan nito.

"Hi. How may I help you?" tanong ko sa isang babae na mas matangkad sa akin. Maputi, medyo chinita, mukang modelo, parang halatang matapang base sa muka nito.

"Where's Tanner?" diretsong tanong nito na may halo ng pagtataray.

"Depends on who's asking?" Mataray din na sagot ko.

"Coraline" sabi nito.

"Coraline who?"

"Tanner's girlfriend" sagot nito na nagpagulat sa 'kin.

"Babe, who's in there?" tanong ni Tanner na alam kong palapit na samin.

Nagpatigil ito sa likuran ko at walang salitang lumabas sa bibig nito.

"Hey honey. Matagal ka na palang nandito, hindi mo man lang pinaalam. Are you avoiding me?" dire diretsong sabi nito na parang wala ako sa harapan niya.

"Coraline" tanging nasambit ni tanner.

"Is it true that she's your girlfriend? " tanong ko saka humarap dito.

"Babe----I

"Just answer me Tanner. Girlfriend mo ba siya?" May diing tanong ko.

"Of course I am" singit ni Coraline  "Umuwi lang siya ng Pinas para sa business niya. Eh ikaw sino ka naman?" siya naman ang nagtanong sakin.

"His girlfriend " mabilis na sagot ko.

"Girlfriend? ----so dalawa tayo" taas kilay na sabi nito. "How nice Tanner. Care to explained everything to me. Akala ko pa naman, nagbago ka na. You're still the same cheater I've known. Palagi nalang ba akong makikipag harap sa mga nagiging girlfriend mo" matalas na sabi nito.

"Leave us alone Coraline" utos ni Tanner.

"Of course not. Can we talk?" Bumalik ito sakin.

"No babe" pagtutol ni Tanner.

"Why not? I think marami kaming dapat pag usapan ng girlfriend mo----sagot ko kay Taneer "saan?" tanong ko kay Coraline.

"Follow me" sabi nito saka tumalikod palayo. May dala itong kotse na nakaparada sa labas ng gate ng bahay nila Tanner.

Mabilis akong sumunod dito at sumakay sa kotse nito.

Mabilis niyang pina andar palayo ang kotse, huminto kami sa isang coffee shop na konti lang ang tao ng mga oras na yon.

"So-----pa una nito ng makaupo na kami sa a loob ng coffee shop.
"How long you've been together?" parang narinig ko na ang tanong na yon.

"A year" sagot ko.

"You don't know him that well I guess" sabi pa nito habang umiinom ng inorder niyang latte.

"Bakit?"

"I'll be straight to you. I think matalino ka naman. May anak na kami ni Tanner pero ayaw niya pa akong pakasalan simply because ayaw niyang matali sa isang obligation. Tanner loves his freedom. At yon ang naging problema namin kahit may anak na kami. Nag g-girlfriend parin siya kahit may anak na kami, kahit kami parin. Ayaw kong mawalan o lumaki ang anak namin ng walang ama. And to tell you honestly, I'm capable of doing anything stupid para lang hindi siya malayo samin" May pananakot sa tono nito.

"So you're saying na kaya mong manakit ng tao just to have him?" tanong ko.

"I am. Hindi lang ikaw ang babaeng nakilala kong naging girlfriend niya. Can't count on my fingers honey. At gagawin ko ang lahat para lang hindi siya mawala sa amin ng anak ko"

"Paano kung ayoko?" Sagot ko dito habang nakikipag titigan.

"Then prepare yourself. Hindi kita uurungan" sabi naman  nito.

"Should I be scared?" may halo ng pang iinis pa ang sabi ko.

"You should. Para sa anak namin ang ginagawa ko at mahal ko parin siya sa kabila ng lahat ng sakit na inaabot ko"

"Tanner is all yours" mabilis na sagot ko.

"What?"  Siya pa ngayon ang nagulat sa sagot ko.

"You heard me right. Iyo na si Tanner. Hindi ako ganon kasama para agawin ang isang ama sa anak niya kaya hindi mo na kailangang manakit pa" Muling sabi ko at nabakas ko ang luha sa mga mata niya.

"It was the first time" sabi nito sa pagitan ng pag luha.

"What do you mean?" takang tanong ko dito.

"Lahat ng girlfriend niya na nakaharap ko, lahat yon, they treated me as an enemy. They'd fought me back to the extent off we ended up in court. Pero ikaw, mabilis mo siyang pinaubaya sa amin. Bakit?" napapantasyahan ako sa babaeng ito. Kanina may konting pananakot pa para lang ibalik ko si Tanner sa kanila, ngayon naman na nagpaubaya ako, nagtatanong pa.

"Simple lang. Mas masaya ako kapag alam kong wala akong nasasaktan. Kahit pa ang magpaubaya. Kaya wag kang mag alala, hindi ko kukunin si Tanner sa inyo ng anak mo. Mahalin mo lang si Tanner sa abot ng makakaya mo. And I wish you both happiness" naka ngiting sabi ko kaya nagulat ako ng biglang niya akong niyakap.

"Thank you" umiiyak paring sabi nito. Hinagod ko ang likod niya, bilang isang babae na nakaka intindi ng pinag dadaanan niya.

"And I'm wishing you happiness too. Ang bait mo kaya you deserve to be happy. Salamat" naka ngiti nang sabi nito.

Dapat nasasaktan ako ngayon dahil niloko ako Tanner. Pero parang nabawasan pa yung bigat sa dibdib ko.

Ngayon ko lang naranasan ang ganito, na yung pagpapaubaya ay katumbas ng pagpapalaya ko sa puso ko.

Siguro, hindi ko talaga siya mahal. Tama si Fenech.

I'm just fooling myself believing that I love him but no.

I walk away with a smile on my face.

To be continued...

 Regrets from the past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon