Regrets : part 29

1.5K 78 25
                                    


Heidi

"O pinsan kamusta naman diyan? Kamusta si tita?"

"Ok lang pinsan. Si mama, syempre madalas parin umiyak. Sa makalawa na ang libing ni Papa"

"Ganon ba. Parang may napapansin ako sayo ngayon"

"Ano naman? " takang tanong ko.

"Parang masaya ka, kilala kita Heidi"

"Wala ba talaga akong maitatago sayo?"

"Hmmm wala eh. Spill it. Patay ang Papa mo pero alam ko may dahilan kaya ka masaya. Ano yon ha?"

"Ano kasi. In love na yata ako" kinikilig na sagot ko.

"Talaga lang ha. Sino naman yan?"

"Taga Manila. Ang gwapo niya pinsan saka mabait"

"Yun lang in love ka na agad"

"Matagal ko na din siyang kilala pinsan. Saka alam ko wala namang girlfriend kasi wala naman  naiku-kwento. Nakarating na nga ako minsan sa bahay nila. Mayaman pero hindi mata pobre" pagmamalaki ko.

"Ano pangalan? Pag kinasal kayo ako ang designer mo ng gown ha. Mayaman naman kamo eh"

"Eh. Hindi pa naman  nanliligaw pero alam ko papunta na din doon yon. Ilang beses na din siyang pumunta dito. Lalo ngayon na patay si Papa. Basta libre siya,  sumasadya pa siya dito para lang makiramay"

"Hmmm I think gusto ka din niya. Hindi naman mag effort yon ng ganon kung wala lang"

"Tingin mo pinsan type niya din ako?"

"Oo naman. O siya, baba ko na to. Nakakaabala na ako sa inyo. Say hi to tita nalang ha"

"Sure pinsan. Bye"

Dalawang beses na pumunta si Jake para makiramay kahit pa malayo ang Manila. At tingin ko naman, tama si pinsan. Hindi naman siguro siya mag e-effort na mag byahe ng ganong katagal kung wala siyang feelings para sa 'kin. Baka nahihiya palang kasi nga, hindi naman ayon  sa sitwasyon kung ngayon siya manliligaw.

Mag iintay lang ako Jake. Hanggang sa manligaw ka na. And don't worry,  hindi ka naman  mabibigo.

-

After mailibing si Papa.  Bumalik ako ng Manila. Nag try ako sa offer ni Jake na trabaho sa company nito bilang assistant of the personal assistant.

Well--- yung hindi na kayang gawin ng personal assistant niya, yon ang gagawin ko. Kung baga, parang helper lang ako. Pero ok na yon kaysa bumalik pa ako sa bar. Saka makakasama ko pa siya araw araw. Hindi naman kasi ako tapos ng college kaya mamimili pa ba ako. Vocational nga lang kasi ang natapos ko dahil nga sa nagkasakit si Papa.

"I'm Alora. Heidi right? " seryosong tanong nito.

"Yes. Ako nga po" magulang na sagot ko.

"Good. I'm leaving with Mr. President so ikaw na ang gagawa nito. Make a hundred copies of this proposal, nasa baba ang xerox machine. Magtanong tanong ka nalang. After that, ilagay mo isa isa sa white folder, sir EJB needs that tomorrow.  Office hours is eight am sharp and ended up till six. Copy?" tanong at bilin nito.

"Copy" sagot ko

"Call our boss as sir EJB. No more no less" paalala pa nito.

"Yes ma'am " sagot kong muli

"Good. Sir EJB is waiting for me. Do your work properly. And have a nice day" Nag smile naman ito. Akala ko super sungit, hindi naman pala.

Huminga ako ng malalim at inayos ang magiging table ko. Nasa labas ito ng office number Jake. Ang office naman ni Alora ay connected sa office ni Jake. Parang in one office lang sila ganon.

Bumaba na ako at nagsimulang hanapin ang xerox machine na sabi ni Alora ay nandoon lang. Madali naman pala itong makita dahil sa nakapaskil ito sa isang corner ng building.

Tulad ng utos ni alora, hundred copies ang pinagawa ko. Hindi nakakapagod ang trabaho ko pero nakakainip pala. Wala pa kasi ako kakilala saka hindi katulad sa bar na paikot ikot ang mga nagta trabaho. Dito, may kanya kanyang trabaho, kanya kanyang room and department. At ako bilang isa lang namang assistant of the assistant, parang saling Pusa lang ako sa company ni Jake.

Pero ok lang, basta ba araw araw kong kasama si Jake. Keri lang.

To be continued...

 Regrets from the past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon