Micah"Anak, hindi ka na babalik sa US?" tanong sa 'kin ni mama. Lumipat ako dito ng umagang 'yon para makasabay sila mag breakfast. I just miss their company. Wala din naman kasi si Heidi sa bahay. Nasa isang kaibigan niya ito at doon nag overnight. Yung nakasama niya sa bar kung saan ko siya pinasok. Close kasi ako tatay nonong kaya madali itong na hire doon.
"Hindi na po ma. May ima-manage po akong shop na pag aari ng tita ni Fenech. Uuwi din po siya para maging kasama ko. Kaya dito na po ako for good" nakangiting sagot ko dito habang tinutulungan ko itong magluto ng breakfast.
"Good news yan. I'm happy na hindi ka na aalis. Pero mas masaya yung isa diyan" parinig ni mama kay Poknat na tahimik na nakikinig sa usapan namin.
"Sure po 'yan. Ganon po talaga pag inlove. Di ba Poknat " sabay kindat ko dito at nag smirked naman ito problema nito. Totoo naman na gusto niya si Heidi. Kunwari pa.
"Pwede ba. Maganda ang umaga ko, wag mong sirain" inis na sabi nito sabay upo sa tabi ko.
"Gusto mong gumanda umaga mo. Tawagan ko si Heidi" sabi ko.
Lalong nangunot ang noo nito "Ewan. Mom. Kain na tayo. Ikakain ko nalang tong pang iniis ni Poknat" Tssssk para talagang bata.
Kwentuhan kami habang kumakain, at pansin kong parang iwas sila pag nag ku-kwento ako tungkol kay Heidi, ni hindi nga nila ito binabanggit. Pero ang alam ko may gusto dito si Poknat. Sinabi niya dati na "He's inlove with someone else nung bagong dating lang ako dito". And I'm sure si Heidi yon.
Natapos kaming mag almusal at tumulong akong maghugas ng mga pinag kainan. Si Poknat naman at aalis na din dahil may importante daw itong lakad.
"Just stay here Poknat. Dito ka na mag lunch and pag uwi ko, dito ka na din mag dinner " utos ni boss Poknat "Mom, wag ka nang magluto para sa dinner. Bibili nalang ako sa resto" bilin nito kay mama.
"Oo na. Sige na..hindi ka makaalis no" sita ni mama.
"Oo na, aalis na. Bye mom" sabay halik niya dito sa pisngi at nung akala kong tutuloy na ito palabas...nagulat nalang ako ng pati sa 'kin ay humalik ito sa pisngi jowa lang ang peg :')
"Na mis lang kita. Bye Poknat" sabay kindat pa nito dear heart. Kalma ka lang diyan ok. Normal lang yon. It's just a kiss. Mabilis nga lang eh. Kalma lang. Breath ok....one two three...ehhh hindi talaga. Ang bilis ng tibok mo.
Nakaalis na ito pero nakatulala parin ako.
Para akong tanga. Wag mong bigyan ng meaning ang isang kiss. It's normal sa kanya di ba. British siya. Normal sa kanila yon. Forget it. Wag kang masyadong umasa.
"O dito ka mag lunch ha. Wala ka naman ng gagawin ngayon di ba? Shopping tayo" anyaya nito.
"Sige po. Nasa mis ko din pong mag shopping kasama kayo" sabay yakap ko dito mula sa likuran.
"Thank you nak ha. Dahil nandito ka na ulit. Masaya ako"
"Ako din naman po" saka ngumiti.
-
Ernest
Masaya akong umuwi at pagpasok ko palang sa bukana ng pintuan ay hinanap na agad ng mata ko si mom at Poknat "I'm home" malakas na sabi ko.
"Sa kitchen anak" pasigaw na sagot ni mom.
"Hi" una pang bumati si Heidi sa akin at medyo ikinagulat ko na nandito siya.
"H-hi" pilit man pero binati ko naman ito.
Humalik ako sa pisngi ni mom at hindi ko na pinigilan ang sarili ko at humalik din sa pisngi ni Poknat na ikinagulat na naman nito tulad nalang kaninang umaga.
Nagkibit balikat lang ako sa reaction niya. It's my only way of expressing how I feel for her, hindi ko pa masabi sa ngayon dahil we have a deal na sure naman akong worthless.
"No kiss for Heidi?" Sabi ni Poknat kaya napatingin ulit ako dito. Labag man sa loob ko ay nakipag beso narin ako.
Heidi smiled at me but I don't.
Just what I said, bumili ako ng food sa resto. Buti medyo marami ang binili ko dahil may bisita pala sila. "Sila" dahil hindi naman ako ang nag imbita dito.
We ate in silence pero manaka na ay nagku kwento si Heidi samantalang tahimik lang kaming nakikinig. I can see how uncomfortable mom is. I know her when she likes a person or not. And it's a no for Heidi. Ibang iba siya when it comes to Micah. She's really fond of her to think, na anak na talaga ang turing nito dito.
Natapos ang dinner at nauna nang nagpaalam si Poknat.
"Mom, hatid ko lang siya sa bahay nila. I'll be right back" sabi ko nalang. After what Poknat told me na mahal ako ni Heidi, I've felt awkward dahil salungat ang nararamdaman ko para dito. She's more a sister to me. Yun lang.
At ang babaeng mahal ko...heto. pinagtutulakan ako sa iba :'(
To be continued...
BINABASA MO ANG
Regrets from the past
Fanfiction08/05/18 -#59 highest rank under Fanfiction Bestfriend...karamay, kasangga. Pero paano kung marealize mong mahal mo pala siya?