Regrets : part 46

1.6K 101 31
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

a/n : someone said it in behalf of me

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

a/n : someone said it in behalf of me.  @neriscute , thank you, ayaw ko pong mag reply not because ayaw ko. But because gusto kong kayo ang maka realize kung gaano kahirap yung situation na ma inlove ka sa bestfriend mo. It's easy to say na ok lang yan but my true intension is yung gusto kong iparating through this story how complicated a situation when it happens to you or to anyone. Maybe this is not just a story but also an eye opener. Marami kasing pwedeng mangyari kapag yung friendship ay nauwi into romantic relationship. And malalaman niyo po iyon as you continue reading this story...

I love your comments po...don't worry. It only means that it touches your heart or I may say, it affected you in some ways. Kaya Salamat po. Keep sending your comments dahil diyan ako na i-inspire.

Don't hate me po ah :')


Third person pov

Mabilis na lumipas ang buwan at naging maayos ang pinamamahalaang dress shop nila Micah at Fenech. At nagsimula na ding mag plano ng kasal si Fenech habang ang magiging asawa nito ay nasa barko pa. Uuwi na lamang ito dalawang linggo bago ang kasal. At dahil designer si Micah,  siya ang mag de-design ng wedding gown ng kaibigan nito pati ang isusuot ng mga sponsor nito.

Micah

"Help me sa guest list girl. Hindi naman kasi ganon kalakihan ang angkan namin ng future husband ko. May mga butas parin sa mga abay eh" reklamo nito pagka galing sa caterer na kinontrata nito.

"Sure, ako pa ba. Wala naman work bukas, tara sa bahay. Doon ka mag sleep over. Wala si Heidi kaya tayong dalawa lang don"

"Speaking off. Sorry girl ha, I know cousin mo si Heidi at close kayo pero hindi ko siya feel. Not that I don't LIKE her pero iba kasi ang feel ko sa kanya"

Napakunot ang noo ko at salubong ang kilay ko sa sinabi niya "What do you mean? "

"I don't know. Muka naman siyang mabait pero parang may kaya siyang gawin, I mean evil deeds behind her pretty face"

"Nega mo sa pinsan ko. Matagal ko na 'yon kakilala and close kami. Saka mahal ko 'yon. Makikilala mo din siya and I know, you're going to like her"

She shrugged "If you say so". "Tara na sa house mo. Excited ako makipag bonding sayo" habang pinaikot ikot ang swivel chair nito.

-

"Anong gusto mong dinner?" tanong ko dito habang nag hahalungkat ako sa fridge.

"Kahit ano nalang, hindi naman ako maarte no" Nasa sala ito at nanonood ng movie.

I decided na magluto nalang ng beef tapa. Ready na kasi 'yon. Na marinade ko na nung isang araw pa.

Then I heard some voices na galing sa sala.

"Girl, may bisita ka. Boyfriend mo" sigaw nito.

"Loka, wala akong boyfriend. Maka imbento lang eh" sagot ko dito habang nakaharap sa stove at nag umpisa nang magluto.

Bigla ko nalang naramdaman na may mga brasong yumapos sa baywang ko.

Isa lang naman ang alam kong gagawa non at syempre, kilalang kilala ko ang pabango nito.

Si Poknat.

"Ang bango. Dito ako mag dinner ha. Wala si mom eh. Nasa mga kamag anak namin sa la union. Three days siya don. Walang magluluto para sa 'kin" sabi nito habang nakapatong ang baba nito sa balikat ko.

"Kahit naman nandiyan si mama, pag sinumpong ka dito ka talaga kakain. Wala nang bago don Poknat" pairap na sabi ko pero pigil ang kilig na nararamdaman ko. Para kasi kaming mag boyfriend sa inaasta niya. Kung may makakakita nga sa 'min ng ganito, baka nga isipin na boyfriend ko siya.

"Ayaw mo na sa 'kin?" kunwaring tampo nito.

"Wag ka ngang maarte. As if hindi nakita kilala Poknat. Bitaw na para makaluto ako" piksi ko dito.

"Bakit ba? Mis na kitang yakapin ng ganito. May magagalit ba?"

"Meron" mabilis na sagot ko kaya napabitaw naman ito sa pagkakayakap sa 'kin.

Iniharap niya ako sa kaniya at tinitigan ng maigi.

"Sino siya?" seryosong tanong na halos gusto ko nang matawa sa itsura nito.

"Ako. Paano ako makakaluto kung nakapulupot ka" nakangiting sagot ko at biglang bumalik ang maaliwalas na awra nito.

"Tulungan na nga kita" sabay agawan sa sandok na hawak ko.

"Wag na. Maupo ka nalang don sa sala. Kausapin mo si Fenech. Kilala mo naman na 'yon di ba" utos ko dito.

"No. Mas gusto ko dito" naupo nalang ito sa bakanteng silya malapit sa 'kin at pinanood ako sa ginagawa ko. Nakaramdam ako ng pagkailang sa paraan ng pag titig niya.

"Ahemm baka naman matunaw ang kaibigan ko sa pag kakatitig mo" walang ano'y sumulpot si Fenech na may mapanuksosng mga ngiti. 

"Fenech" saway ko dito.

"What?" Taas kilay na sagot nito "Eh sa 'yon ang nakita ko eh" nakangiting sabi nito sabay baling kay poknat na hindi man lang nagkaila.

Naupo na din ito sa silya paharap kay poknat at parang may binubulong ito dito habang ako naman ay pinag patuloy na ang niluluto ko para makapag dinner na kami. Naririnig ko ang mahinang tawa ni Fenech habang kausap si Poknat.

"Pinsan" narinig kong tawag ni Heidi.

Nabigla ako sa pagdating niya pero hindi ko pinahalata. Alam ko kasi hindi siya uuwi ngayon dahil may lakad daw siya kasama ang mga bago nitong kaibigan.

Napansin ko ang bahagyang pag salubong ng kilay ni Poknat.

To be continued...

 Regrets from the past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon