Regrets : part 50

1.7K 134 40
                                    


Ernest

I know what she did last night. It's not the first time na iniiwan niya akong mag isa kasama si Heidi. We have a deal, but I told her na isang buwan lang ang kailangan ko para sumunod sa mga gusto niya. For all I knew it in my heart na hindi ko talaga kayang mahalin si Heidi dahil siya ang mahal ko.

Exactly eleven ng magpaalam ako kay Heidi na uuwi na at matutulog. Hindi naman na ito tumutol dahil kinabukasan ay may mga trabaho pa kami. She's doing well sa company ko at maayos naman mag trabaho. But there are times na ito talaga ng gumagawa ng paraan para makasama ako which is the biggest turn off for me.

Alam kong sa bahay lang pupunta si Poknat nung umalis siya. Wala naman itong pinupuntahan maliban sa bahay namin.

I went to my room at nagbaka sakaling nandoon ito pero malinis ang kwarto ko. Walang Poknat. One room left at yun ay ang kay mom. I open the door slowly at naaninag kong nandoon nga ito at katabing natutulog ni mom. Dahan dahan akong lumapit dito at nahiga narin sa tabi nila. Yumakap ako sa baywang nito. Naramdaman niya ito dahil kumislot ito pero hindi naman  tuluyang nagising. Minutes later, I know nangalay na siya sa pwesto niya kaya bumaling ito paharap sa 'kin at yumakap. I was still awake. Paano ako makakatulog kung ang babaeng laman ng puso't isipan ko ay katabi ko. Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko dito at lalo itong sumikisik sa 'kin kaya napangiti ako.

Someday, this will happened again and it will be always.

I kiss her in her forehead then our kiss flashback. The very first time na hinalikan ko siya. And she reciprocate. I know we feel the same way, and if we need to take time para magkaroon ng katuparan ang pagmamahalan na meron kami para sa isa't isa. I'm wiling to wait.

---

"Wake up sleepy head" sabay haplos ko sa muka nito. Wala na si mom at sure akong nagluluto na siya sa mga oras na 'yon. Six am na at hindi ko alam kung anong oras ba ako nakatulog dahil pinagsawa ko ang mga mata ko kakatitig kay poknat. Corny pero masaya na ako sa ganon.

Kumilos ito at dahan dahan nagmulat ng mga mata.

"Good morning" nakangiting bati ko dito.

"Morning. Anong oras na?" tanong nito bago muli nagtago sa ilalim ng kumot.

"Six am. Hindi ka ba papasok ngayon sa shop?" Lumapit ako dito at niyakap siya mula sa likuran nito.

"Papasok. Bakit nga pala dito ka natulog?"

"Secret. Tara na, mag breakfast ka muna bago ka umuwi. Papasok din ako sa opisina. Pero kung gusto mo mag stay dito, dito nalang din ako" panunukso ko.

"Tse. Kailangan kong pumasok. May ipa finalize pa ako para sa mga abay ni Fenech" tugon nito saka inalis ang kumot na nakatabon dito at bumangon.

"Not so fast sleepy head" hinila ko ito pabalik sa tabi ko at ikinulong sa mga bisig ko.

"Ano ba? Bangon na tayo" pilit itong kumakawala sa pagkakayakap ko.

"Give me a minute. Iniwanan mo ako kagabi kaya may utang ka"

"Wala akong utang. I'm just giving you two a moment alone"

"And I don't like the idea" paismid na sabi ko.

"Kamusta pala kayo kagabi. May progress na ba?" Nakatingin ito sa nga mata ko.

"Nope. Let's end this deal. Wala din namang mangyayari. Hindi ko talaga kayang mahalin si Heidi" pagtatapat ko dahil ikaw ang gusto ko. Ang mahal ko. Kaya stop pushing me away.

"Mabait naman siya ah. Maganda. Ano pa bang kulang?" seryosong tanong nito.

Kinuha ko ang kanang kamay niya at ipinatong ang palad niya sa tapat ng puso ko.

"Ito ang kulang. Hindi niya kayang patibukin ang puso ko"

"Kung hindi tumitibok yan, patay ka na malamang"

"Ewan ko sayo" naiinis na sabi ko, saka ko binaon ang muka ko sa unan.

"Teka. Hindi ba nung una tayong nagkita, you mention me na you're inlove with someone else. Hindi ba si Heidi yon. Bakit ngayon, nagbago na ba ang feelings mo para sa kanya?" Pag uusisa nito.

"Yes I've sad that. But she's not what I'm talking about" sagot ko dito you can't stop me this time PoknatIt's now or never.

"Kung hindi siya, then sino?" naka kunot na ang noo nito.

"You" mabilis na sagot ko sabay angkin sa mga labi nito  I don't care kung wala pa kaming mumog or toothbrush. She's still sweet anyway.

Nagpaubaya naman ito kaya mas lalong lumalim ang simpleng halik lang sana na plano ko.

"Te-teka" pilit niyang inilayo ang muka niya sa muka ko.

"Bakit?" Inis na sabi ko kasi naputol ang paghalik ko sa kanya.

"Eh-----hindi pa tayo nag tu-toothbrush" nahihiyang sabi nito sabay tago ng muka sa leeg ko.

I laughed at her "ngayon mo pa naisip yan eh kanina pa kita hinahalikan. Ok na yan, malinis na yung bibig mo, ni linis ko na"

Sumimangot lang ito sa sinabi ko.

"You're more beautiful in the morning Poknat. I like your messy hair na parang si sadako, yung mukang yan na hindi kailangan ng make up kasi you're naturally beautiful at ang labi mong mas matamis pa sa honey" kire ko. Ganito pala pag inlove. Lahat mga kabaduyan, nasa katawan.

"Ewan. Sige na alis na 'ko. Ma le-late ako dahil sa 'yo" pinakawalan ko na ito at kailangan ko na din gumayak para pumasok sa opisina. I'm the boss but still I need to do my work hard para walang maging problema sa company.

"Poknat" malapit na ito sa pinto ng tawagin ko.

"Ano na naman?" sabay taas ng kilay sa 'kin.

"I love you"

Hindi siya nakasagot pero hindi naman sumimangot. At least.

"Sige na. Bye" at tuluyan niya na akong iniwan mag isa sa kwarto.

Finally. Nasabi ko din sa 'yo.

To be continued...

 Regrets from the past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon