Regrets : part 37

1.5K 114 21
                                    


Micah

"Tita?" nagulat pa ako ng makita ko silang nasa sala. Kakagising ko lang ng mga oras na 'yon. Umidlip ako saglit para may laban ako sa puyatan.

"Anak" May ngiti pero bakas ang lungkot sa mga mata nito.

Mabilis akong lumapit dito at yumakap ng napaka higpit. Hanggang sa namalayan ko na umiiyak na pala ako.

Pinunasan ito ni Poknat gamit ang mga daliri niya dahil nasa likod lang siya ni tita at nakamasid sa amin.

Kumalas ako dito at iginiya silang maupo. Kaunti palang ang tao ng mga sandaling iyon dahil pasado alas dos palang ng hapon.

"Kamusta ka na anak?"

"Ok lang po tita"

"Mama nalang anak. Mas gusto ko yon" suhestiyon nito na nagdulot sa akin ng saya.

"Nakakahiya po" sabi ko.

"Ngayon pa ba tayo magkakahiyaan. Anak naman talaga ang turing ko sayo. Kaya mama nalang ang itawag mo sakin doon din naman tayo papunta " Ang huling sinabi niya ay pabulong nalang halos kaya hindi ko naintindihan.

"Ano po?"

"Wala. Na mis kita anak. Namin pala" sabay yakap muli nito sa 'kin.

"Kayo din po. Mis na mis ko na kayo. Sorry po, hindi ko na kayo natawagan bago ako umuwi. Magulo lang po ang isip ko. Sorry ti-----este mama pala" nakangiting sambit ko.

Pero kapansin pansin ang katabi nitong si Poknat na panay ang ngiti.

"Much better. Tatlo na talaga ang anak ko. Nga pala, kailan ba libing ng lola" usisa nito habang yakap parin ako at hinahagod ang buhok ko.

"Bukas na po" sagot ko dito.

"Anong plano mo anak? Babalik ka pa ba sa US?" tanong na hanggang ngayon ay hindi ko parin alam ang sagot. Nagdadalawang isip na din kasi ako.

"Hindi ko pa po alam ma. Bahala na po" sagot ko nalang.

"Sana anak hindi ka na umalis. Masaya kasi ako pag kasama kita palagi. Lalo na yung isang tao diyan. Mag stay ka na ulit dito. Dito ka nalang mag patuloy sa career mo, I'm sure naman, maraming kukuha sayo dito bilang designer dahil magaling ka naman"

"Pag isipin ko po ma. Pero Salamat po dahil nandiyan kayo palagi"

"Anything para sayo anak"

"Kamusta na po si tito saka si loraine?"

"Ok naman. Malungkot nung binalita namin na wala na si lola. Gustuhin man daw nilang umuwi, hindi pwede kaya sorry daw anak"

"Ok lang po yon ma. Nandito ka naman eh saka-----nandiyan din naman po si Poknat" sabi ko.

"Anak. Lalo kang gumanda. Wala ka bang naiwang boyfriend don ha"

"Si mama naman. Pumuti lang ng konti saka nagkalaman ng 1/4. Pero thank ko you ma. Kung may naiwan man po ako sa US. Yon po ay ang trabaho ko" kahit papano, gumagaan talaga ang pakiramdam ko pag nasa tabi ko si mama. Para naman talaga siyang pangalawang ina ko dahil halos sa kanila na ako nakatira nung bata ako hanggang sa lumaki at nag dalaga.

"Basta anak ha, dito ka nalang. Para may kasama kasama palagi. Para masaya naman ako. Ikaw ang happy pill ko anak. Yung isa kasi pinapasakit ang ulo ko"

"Mom!" mahinang sita ni Poknat.

"Bakit totoo naman. Nako anak, marami akong kwento sayo pero pag ok ka na saka pag nailibing na si lola"

"Sige po. Asahan ko yan ma. Gusto niyo po munang kumain tayo. Gutom na din po kasi ako" anyaya ko dito.

"O sige. Tara na Ernest. Sabayan natin kumain si Micah"

Sabay sabay kaming nagpunta sa kusina at nandoon sila tita Irma, tita Luna at Heidi na nag aasikaso ng pagkain para sa mga dumadalaw.

Napansin ko ang tingin sa akin ni Heidi. Hindi kasi inaalis ni mama ang mga braso nitong nakayakap sa 'kin. Si Poknat naman ay panay ang asikaso sa 'kin.

Nandoong siya na ang naglagay ng kanin at ulam sa plato ko, pati inumin ay siya na din ang kumuha. Tanong ng tanong kung ano ang gusto ko. At pansin ko din ang kakaibang mga ngiti kay mama. Parang nanunukso.

Binalewala ko nalang dahil sanay naman akong kasabay sila sa pagkain, minsan nga tabi tabi pa kami dati sa pagtulog. Yung parang parte na talaga ako ng pamilya nila.

Mis ko na nga ang mga yon eh. Yung halos sa iisang bahay na kami nakatira.

Lalo na yung lalaking katabi ko na panay ang ngiti.

Dahan dahan naman sa pag ngiti oh...hulog na hulog na nga ako, lalo mo pa akong hinahayaang mahulog sayo. Hindi mo naman ako kayang saluhin :'(

To be continued...

 Regrets from the past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon