MicahUmuwi muna sa babe sa kanila para magsabi kay mama na dito siya matutulog. Para na din makapag palit ito ng damit.
We used to sleep beside each other noon. Hindi pa kami. Kaya ok lang.
Pero iba na ngayon. Gusto niyang matulog kasama ko. At kinakabahan talaga ako. Yung kabang may halong excitement at takot.
Hindi ko din alam kung makakaya kong magkatabi talaga kaming matutulog sa iisang kama.
Awkward
Yon ang nararamdaman ko. Pero hindi ko naman maitatanggi na excited ako na muli siyang makatabi. Yung malaya ko siyang mayayakap.
Nakapagpalit na din ako ng pantulog after kong maligo.
Not usual.
Kasi nag ha-half bath lang ako araw araw after work dahil matutulog na din naman ako after non.
Nagkataon pa na hindi daw uuwi si Heidi ngayon.
Kasama niya si Pao. May pinuntahang party ng isang kakilala at doon na din mag over night dahil malayo din.
Habang wala pa si babe ay nag gawa ako ng tea.
Pampatunaw ng kinain.
Maya maya pa narinig ko na ang pagbukas ng pintuan sa may sala.
Kumabog ng malakas ang dibdib ko.
Kinakabahan ako
Na e-excite
Natatakot
"Babe!" Tawag nito.
Tumikhim muna ako bago sumagot dahil baka pumiyok ako "Babe, nasa kitchen ako"
"What's that?" tanong agad nito ng makalapit na sa akin.
"Tea. Para matunawan. Here " I handed him one cup.
Pumunta kami sa sala at naupo sa couch ng magkatabi.
"I remember. Saturday pala bukas. Wala tayong work. Mag movie marathon kaya tayo" suggestion nito.
"Ikaw ang bahala. Ay mas maganda kung horror " mabilis na sabi ko.
"No. Wag horror. Mamaya hindi tayo makatulog niyan" mabilis din na sagot nito saka pumili ng movie sa mga cd collections sa ko.
"Natatakot ka lang eh" panunukso ko.
"It's not that. When I see something creepy, I can't forget it for months. Kaya please, wag horror babe" habang ipinag papatuloy ang paghahanap ng mapapanood "there you go" nakangiting sabi nito ng may mapili na siya.
"Notebook?"
"Yup. Maganda daw to eh. Don't tell me hindi mo pa ito napapanood. Ikaw pa naman ang bumili"
"Dala ni Fenech yan. Sige, play mo na para mapanood na natin"
He turned off the lights para liwanag lang mula sa screen ang makikita namin.
He snake his left arm on may waist kaya sumandal ako sa balikat nito. Kalahati halos ng katawan ko ang nakasandal sa katawan niya.
Maganda naman nga pala yung movie.
"Babe!" Mahinang tawag ko.
"Hmm" mahinang sagot din nito. Mas malakas pa nga yung tibok ng puso niya sa sagot niya.
"Kailan ang alis niyo ni Heidi?"
"Then next day pa. Bakit?"
"Wala lang" kibit balikat ko.
"Ok lang ba sayo kung kasama ko siya?" dinig kong tanong nito.
"Oo naman. Bakit naman hindi?" saka ako lumingon dito.
"Iniisip ko lang, she's into me before. Tapos, you even helped her para magkaroon kami ng chance to know each other. Tapos ngayon, tayo na. I just thought, parang awkward di ba"
"Feeling mo lang yon. May Pao na siya. I guess na ka move on na siya sayo. She even told me that she's happy for us. Kaya wag ka na mag isip ng kung ano. Maging casual.ka lang when she's around. Para hindi din siya mailang"
"Sanay naman ako na palagi siyang nakikita dahil sa company ko siya nagtatrabaho di ba. Iba lang kasi to. Kasi kami lang ang magkasama"
"Babe. You're thinking too much. Just focus on what you have to do. Yun lang. At saka malaki tiwala ko sayo"
"I know. Thank you" mabilis niya akong kinabig at mabilis ding inangkin ang mga labi ko.
"Two days. I'm going to miss you so much" bulong pa nito saka muli akong isinandal sa dibdib nito.
"It's just two days. Pag nandoon ka na. Mag enjoy ka muna. Ganon din ako"
"No boys ok" paalala pa nito.
"No girls ok" ganting sabi ko.
"I promise. Just you" saka niya ako hinalikan sa buhok ko.
Ibinalik namin ang atensyon sa screen.
Hanggang sa makalahati na ang pinapanood namin.
Nakakaramdam na ako ng pagka antok. Dahil na rin sa naligo ako.
"Babe, tulog na tayo. Antok na ko" tumingala pa ako dito.
"Sige. Tara na" nauna itong tumayo at ini off ang cd player at TV.
Lumapit ito sa akin at inalalayan akong tumayo.
"Bango mo" komento nito habang paakyat kami ng hagdan.
"Ikaw din naman. Naligo ka yata ng pabango"
"Of course. Baka may masabi ka eh" natatawang sabi pa nito.
"Kahit naman amoy pawis ka. Ok lang. Amoy baby ka parin para sakin"
"Sweet naman. Kaya mahal na mahal kita eh" bigla niya akong binuhat.
"Babe, Ibaba mo ko. Baka mahulog tayo" utos ko dahil nasa nasa kalahatian palang kami ng hagdan paakyat.
"Pag naglikot ka. Mahuhulog nga tayo. Kaya steady ka lang babe. Ini-imagine ko lang na bagong kasal tayo.
"Advance mo ha"
"Where's the ring that I gave you" patuloy nito habang papasok na sa kwarto ko.
"Somewhere close to my heart" Hindi ko talaga iyon makakalimutan o maiwawala dahil ginawa ko iyong pendant ng kwintas ko.
"Where?
"Secret"
"Basta pag ready ka na. Just wear it ok"
"Opo" sagot ko saka nahiga sa kama. Tumabi naman agad ito sa akin
"Goodnight babe" bulong nito bago humalik sa labi ko.
"Goodnight babe" ganting sagot ko.
Salamat nalang at hindi na siya nakaisip pa nang kung ano dahil kinakabahan talaga ako.
Nakatulog kaming yakap ang isa't isa.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Regrets from the past
Fanfic08/05/18 -#59 highest rank under Fanfiction Bestfriend...karamay, kasangga. Pero paano kung marealize mong mahal mo pala siya?