Regrets : part 90

1.3K 89 167
                                    

Happy 28k 😊

Salamat po sa walang sawang pagsubaybay sa aking walang kabuhay buhay na istorya 😂

Akalain ko bang aabot ng ganito kadami ang magkaka interes na basahin ang istoryang ito, at hindi ko rin akalain na maraming maiinis sa tuwa :') dahil ang hilig ko daw manakit ng damdamin.

But honestly, yung mga comments niyo ang nag pu-push sa akin para bigyan ng magandang ending ang story na to....Sana nga 😂

-

Heidi

Natupad ang pangarap ko. Kasama ko na siya sa iisang bubong. Sa kanila na ako nakatira ngayon. Dahil gusto daw nilang mabantayan ang pag bubuntis ko. Bagamat may nagbago kay mama. Noon ay magiliw ito sa akin.  Pero ngayon ay halatang iwas ito. Oo, alam ko. Ramdam ko. Kontrabida ang tingin nila sa akin. Silang lahat. Pero wala na silang magagawa. Magkaka anak na kami ni Jake.

Nakalipas pa ang isang buwan. Kung noon ay kinakausap pa ako ni Jake, ngayon ay lalo itong nagbago. Naging malamig ang pakikitungo niya sa akin. Pinapalampas ko na lamang upang hindi kami mag away. Tamang kasama niya ako sa bahay, pero para akong invisible sa mga mata nito. Kakausapin niya lang ako pag tungkol sa baby namin. Sasamahan pag check up.

Hanggang isang gabi ay umuwi itong lasing na lasing. Nainis ako. Napuno. Hindi ito ang Jake na inaasahan kong makakasama ko sa habang buhay. Trabaho, bar. Yan ang naging routine niya. Uuwi pag lasing na lasing na.

"Ano ba Jake. Gabi gabi ka nalang bang uuwi ng lasing?" paninita ko dito.

Tiningnan niya lang ako saka ito nag diretso sa kwarto namin. Oo, kwarto namin. Pero hindi kami katulad ng iba. Magkasama nga kami sa kwarto, pero magkahiwalay ng higaan. Masakit dahil parang diring diri siya sakin na ayaw niya akong makatabi. Pero tiniis ko. Dahil mahal ko siya.

"Jake ano ba? Sumagot ka. Ganito ka nalang ba palagi. Wala na ba kaming halaga sayo ng magiging anak mo"

"Yang magiging anak ko. Oo, may pakialam ako. Sayo. Alam mo kung ano ang sagot ko" saka nito ibinagsak ang katawan sa kama.

"Oo na. Tanggap ko na. Pinakikisamahan mo lang ako dahil sa anak natin. Pero pwede ba Jake.  Nandito na to eh. Pag aralan mo namang mahalin ako. Ako ang nandito. Pero gabi gabi, kahit sa panaginip mo, si Micah lang ang bukang bibig mo"

"Dahil siya ang mahal ko. Siya lang at wala ng iba" Kahit lasing ito ay nakakausap ko parin ito ng matino.

"Mahal mo. Gusto mong magising sa katotohanan" pumunta ako sa cabinet kung saan nakalagay ang mga gamit ko at may kinuhang larawan. Larawan na pwedeng magpagising sa sobrang niyang pagmamahal kay Micah "Heto tingnan mo.  Tingnan mo kung ano ang ginawa ng babaeng mahal na mahal mo? Baka sakaling magising ka Jake"

Kinuha niya ito at pinakatitigang mabuti. Napangisi ito saka ibinalibag sa akin pabalik ang picture ni Micah at Eric na magkayakap.

"Sa tingin mo, mababago niyan ang pagmamahal ko sa kanya. Nagkakamali ka Heidi. Hindi sapat yan para masaktan ako dahil mas higit pa ang sakit na naidulot ko sa kanya. Lalo ka na. Pinsan mo siya. At lahat ng klaseng tulong na kailangan mo, binigay niya. Tapos tinalo mo siya. Isang malaking pagkakamali ang nakilala kita. Isa kang malaking pagkakamali Heidi " masasakit na salita na ang sinasabi nito. Masakit marinig. Mahirap tanggapin. Pero hindi ko maitangging tama ito.

Kasalanan ba ang magmahal sa isang lalaking mahal din ng pinsan ko. Kasalanan bang gustuhin kong ako naman ang piliin at hindi si Micah. Kasalanan bang maging uhaw sa pagmamahal, yung hindi ka palaging second choice. Na walang pagkukumpara.

Hanggang ngayon Micah, ikaw parin.

Anong bang meron ka at ikaw palagi.

May mali ba sa akin at hindi ako ang napupuri, ang hindi napipili.

Bakit lagi kitang kaagaw sa lahat ng bagay?

Bakit Micah?

To be continued...

Ano bang meron at ganon ang ugali ni Heidi?

Sa tingin niyo...may ms mabigat pa bang dahilan kung bakit inagaw niya si Jake?

Saan galing ang larawan?

Ano mga kabayan? Sagot 😂😂

 Regrets from the past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon