Regrets : part 19

1.6K 115 33
                                    

"Sir here are the papers you need to review and you have to approved it till the end of the month" as my personal secretary says, si Alora.

"That past" Medyo inis pa na sabi ko dahil may amats parin ako.

"Sir. Three weeks po kayong lutang. Buti nga po hindi nag back out yung ibang positive prospect ng company niyo. Sabi ko lang na may sakit kayo kaya pumayag"

"Geez" I mumbled  "Leave it there and make me a black coffee" utos ko saka sumandal sa swivel chair.

Naapektuhan na pati trabaho ko kakaisip sayo. Tanga ko kasi....ang tanga ko.

-

Someone's pov

"Pinsan kamusta?"

"Ok naman. Kamusta naman  trabaho mo diyan. Ok naman ba?" Tanong nito sa kabilang linya.

"Oo pinsan, Salamat ha. Malaking tulong na din 'to samin"

"Si tito kamusta na siya?"

"Hayon, kahapon dinala na naman sa ospital. Lumalala kasi yung ubo niya. Hindi na kinakaya ng gamot"

"Ano daw ba findings ng mga doctor"

"TB pinsan. Malala na daw eh. Pinabayaan kasi ni Papa. Hindi niya sinabi kaagad. Ngayon, wala na kaming magawa ni mama"

"Magpapadala ako ng pera sa mama mo. Sabihin mo nalang. Para kamo kay tito"

"Wag na pinsan. Nakakahiya na. Dati ka pang tumutulong samin. Hanggang ngayon ba naman"

"Ano pa't naging ka dugo ko kayo kung papabayaan ko kayo. Saka ok lang talaga. Gusto ko matulungan kayo sa abot ng makakaya ko"

"Sige pinsan Salamat ng marami ha"

"Ok lang. Sige ingat nakang diyan. Bye"

Bakit ba kasi inaabot namin ang ganitong problema? Si mama, na tanggal sa trabaho niya bilang guro dahil hindi siya pasado sa board exam. Si Papa, tamang nakaipon sa mga lupang sakahan namin pero nauubos na din dahil sa sakit niya. Naibenta na nga yung kalahati ng lupa. Yung natira, nanganganib na ding mabenta. Hay life, parang gusto ko nang mag asawa ng lalaking 4M.

-

Micah

"La, kamusta na po kayo diyan?"

"Ay mabuti naman apo. Ikaw ba eh kamusta na diyan. Hindi ka ba nahihirapan diyan?"

"Ok lang naman  po la. Pero mis na mis ko na po kayo"

"Eh bakit ba kasi bigla ka nalang umalis dito. Ok naman tayo sa trabaho mo ah. Nabubuhay naman naman tayo. Nagka problema ka ba sa dati mong trabaho?"

"Nako wala po la. Eh may in-offer po kasi si Fenech na trabaho dito sa US. Mas malaki po ang sahod saka mas may maganda ping oportunidad na nag hihintay sa akin dito kaya umalis ako"

"Ok sige bahala ka na nga. Matanda ka na"

"La naman. Kung maka matanda"

"Si Ernest ba apo kamusta na. Alam ba niya na umalis ka ng bansa"

"Hindi pa--------po. Pero sasabihin ko nalang po sa kanya. Wag niyo po sasabihin kung sakaling magka usap kayo la. Ako na  po ang magsasabi"

"Paano naman kami magkaka usap non eh nandito ako sa probinsya"

"Oo nga pala. O sige na la. Trabaho na ulit ako ha. Ingat po kayo diyan la. Mahal na mahal ko kayo"

"Mahal din kita apo. Basta kung may problema, sabihin mo sakin at ng matulungan kita ha. Kilala kita hindi ka marunong mag sabi, kinakaya mong mag isa. Nandito lang ako apo"

Nalaglag ang luha ko pagkasabi ni lola ng mga salitang yon. Hindi naman mabigat ang problema ko. At kahit naman sabihin ko, wala din naman  magagawa si lola. Ako nga, walang magawa eh, si lola pa kaya.

Mabilis lang ang panahon

Makakalimot ka din

Makaka move on

Isang araw, magigising nalang ako, ok na ako.

To be continued...

 Regrets from the past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon