MicahHindi ko maintindihan kung bakit ako tinuro kanina ni Ash. Yun ang pangalan na nadinig ko. Ang anak nila ni Heidi.
Nasa sala na kaming lahat ng oras na yon at nag ku-kwentuhan. Si mama, si Loraine at ako. Sa kabila naman ay si dad, Ernest at Ash.
Parati kong nahuhuling nakatitig sa akin si Ernest. Bagay na ikinaiilang ko. Hindi ko naman gusto na dito tumuloy pero nagpumilit si Loraine.
Pero hindi lang siya ang palaging nakatitig sa akin, kahit si Ash. Pag nahuhuli ko itong nakatingin sa akin ay ngingiti lamang ito. Bahay na ipinag tataka ko.
Marami silang tanong sakin pero hindi tungkol sa personal na bagay at alam ko kung bakit. Umiiwas din sila na maungkat pa ang nakaraan. Bagay na pinag pasasalamat ko.
"I'll go ahead. I'm not feeling well" paalam ni Dad "feel at home my daughter" dugtong pa nito, alam kong namula ako.
"Time to sleep Ash" sabi naman ni mama.
Tumayo naman ito pero sa akin lumapit at idinikit niya ang bibig niya sa tainga ko.
"It's you. I knew it" bulong nito.
Pagkatapos non ay tumayo na nito sa harap ko, bago pa ako nakapag salita ay niyakap niya ako ng mahigpit.
"I love you" nagulat ako. Oo, yun ang tamang salita ng sabihin niya iyon sa akin. Nakatulala ako habang sinusundan siya ng tingin paakyat ng hagdan kasama si mama.
"What was that?" takang tanong din ni Loraine.
Nagkibit balikat lang ako. Dahil kahit ako ay hindi ko alam kung bakit sinabihan niya ako ng I love you. Pati ang paraan ng pagtitig niya sa akin ay tila ba may ibig sabihin gayong ngayon lang kami nagkita.
Tumayo si Ernest at pumunta ng kusina. Pagbalik nito ay may dala na itong tea. Para sa aming tatlo.
Katulad ko ay tahimik lang din ito. Tila ba nagpapakiramdam kaming dalawa.
I missed you.
Maya maya at tumunog ang cellphone ni Loraine.
"Wait. I'll take this. Si Lorent" tumayo ito at lumabas sa garden nila.
Awkward
Deafening silence
Iyon lang ang namamagitan a amin ni Ernest.
"Kamusta ka na" sabay pa naming sinabi.
Napatawa din kami ng sabay pagkatapos non.
"Ok lang kami. Eh ikaw, kamusta ka?" sagot nito.
"Ok lang din. Designer parin" Ako naman ang sumagot.
"Saan?" tanong muli nito.
"Sa US" mailing sagot ko.
"I see. You look good" komento nito.
"Thanks. Si Heidi nga pala? Bakit hindi ko yata nakikita" iniba ko ang usapan.
"She's not here. I mean, we're living separately" sagot nito na ipinagtaka ko.
"What do you mean?" muling tanong ko.
"Sis" tawag ni Loraine kaya naputol ang usapan namin "May problema daw yung isang abay sa isusuot niyang gown. In a month, she gained weight kaya medyo masikip daw and any moment, baka daw bumigay. What were going to do?" alalang tanong nito.
"Puntahan natin bukas. I'll take care of it" sagot ko para hindi na ito mamroblema pa.
"Thanks sis. You're really an angel to me" yumakap pa ito sa akin.
"Is that all? I mean, wala na bang ibang problema. Para maayos ko agad bukas. Yung gown mo" tanong ko.
"My gown! Sis, it's perfect. I mean, kuhang kuha mo yung size ko. I love it. I knew it, you can picture what I want kaya super thank you" habang hawak niya ang mga palad ko.
"Ahmmm" tumikhim si Ernest kaya sabay kaming napalingon dito.
Tumingin ito sa wrist watch nito.
"Oh" napasinghap pa si Loraine nang tingnan niya ang phone niya "gosh I'm sorry. You should be resting by now. We have lots of time to catch up pa naman kaya we better sleep" sabi nito.
Hinila niya na ako paakyat sa room nito which is katapat lang ng room ni Ernest.
"Night" dinig ko pang sabi ni Ernest. Kung para kanino, never mind.
Mahimbing ng natutulog si Loraine sa tabi ko pero ako ay ni ayaw dalawin ng antok. Kanina pa ako biling baligtad sa higaan.
Nakaramdam ako ng uhaw kaya lumabas muna ako ng kwarto para kumuha ng tubig sa kusina.
Medyo madilim sa labas pero may lamp na nakasindi sa sala. Yun lang ang naging gabay ko para hindi mahulog o madapa.
Pagkarating sa kusina ay kinapa ko nalang ang dining table para makapunta sa refrigerator at makakuha ng tubig.
Nang ma satisfied na ako saka ko lang binalik ang pitcher na may lamang tubig.
Pag harap ko ay bumangga ako sa isang bulto ng katawan.
"Ohhhh---napahawak pa ako sa dibdib ko.
"Sorry" sabi nito. Si Ernest yon.
Six years, hinding hindi ko parin makakalimutan ang natural scent niya. Lalo pa at gamit parin niya ang perfume na paborito ko.
"A- Ahmmm, iinom ka din ba?" Medyo nauutal pa na tanong ko.
"Oo. Nauhaw kasi ako" sagot nito.
"Sige. Mauna na ako" paghakbang ko sa kanan ay dun din siya pumunta. Parang hinaharangan tuloy namin ang isa't isa.
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.
At walang ang-ano'y niyakap niya ako ng mahigpit.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Regrets from the past
Fanfiction08/05/18 -#59 highest rank under Fanfiction Bestfriend...karamay, kasangga. Pero paano kung marealize mong mahal mo pala siya?